Weather

7 1 0
                                    

~Weather is the condition of the atmosphere at a specific place over a short period of time.~

AARON

Nakalipas na ang halos isang linggo nung nag Science Fair kami. Masaya ako kasi kahit papaano ay naenjoy ko ang tatlong araw na yun dahil marami akong natutunan.

6:00 pa lang ngayon at ang klase ko ay 7:30 pa. Napaaga ako ng pasok gawa nung nanay ko na 5:30 pa lang eh halos aligaga na kakautos dun sa mga kasambahay namin para mag vacuum.

Pagpunta ko ng parking lot para sa aking bike, napansin kong isang sasakyan pa lang ang nandun. Maaga pa kasi at alam kong matalino man ang mga taong nag- aaral dito, hindi naman sila ganon kasipag para pumasok ng maaga.

Nang maipark ko na yung bike ko, narinig kong bumukas yung pinto nung kotse kaya napatingin ako. Nagulat ako sa nakita ko at the same time nagtaka.

It was Llana and she was smiling brightly to me.

"Hi. Long time no talk?" approach niya sakin na hindi ko napaghandaan.

"Y-yeah. L-long time n-no talk," pagsagot ko ng aligaga na rin na baka dahil nahawa na ako sa nanay ko.

"So, can we get some coffee? Maaga pa naman so kung pwede ka lang naman?" pag- aaya niya sakin.

Kailan pa naging feeling close sa akin si Llana? At anong long time no talk eh hindi nga kami nag- uusap? Bale naisip ko na maaga pa nga at siya na nga itong nagyaya kaya dapat tanggapin ko na.

"S-sure!" sabi ko agad.

                       

                              -*-

Nandito kami ngayon sa Scifee Coffee Shop. Ito yung pinaka malapit na coffee shop sa school kaya dito na lang kami pumunta. Ang weird diba ng pangalan ng coffee shop na 'to? Scifee, pinaghalong Science at Coffee. Ikamamatay ko na ata ang pamamalagi sa lugar na 'to.

"So, Aaron right? What's up? It's been months since we met each other in the parking lot right?" panimula niya.

"A-ah. Yeah. Tama," sabi ko na hindi pa rin mapakali sa kinauupuan ko.

"Hey. Wag kang ma- awkwardan sa atin. Isipin mo na lang na magkaibigan tayo," sabi niya sabay ngiti. Napatitig lang ako sa kanya dahil dun.

"So, If you don't mind, can I ask something?"

"Ha? Okay lang. Ano yun?" sagot ko sa kanya.

"What was your relationship with Einsteiny?"

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Nagulat ang buong sistema ko dahil sa tanong na yun dahil knowing na yung crush ko yung nagtatanong, nakakakaba lang.

"H-huh? W-wala! Wala kaming relasyon," depensa ko naman.

"Oh, I see. Pero bakit mukha kayong close? Napapansin kayo nung mga students dito sa school na madalas daw kayong mag- usap," sabi niya ng may bahid ng pagtataka.

"Hindi ganun yun. Sadya lang na nagkikita kami dito sa school dahil iisa lang naman ang pinapasukan namin diba? At isa pa, hindi kami masyadong nag- uusap. Sadya lang na may mga pangyayari na hindi maiiwasan," sagot ko naman.

SCIENTISTSWhere stories live. Discover now