"KUYA! Wala ako sa mood para sa date-date na 'yan, pwede ba!" nakasimangot na sabi ni Joelle. Galit pa rin siya sa mundo pagkatapos ng nangyari kanina kaya wala rin siya sa mood i-entertain ang kalokohan ng mga kapatid niya.
Lihim pa rin niyang isinusumpa ang lalaking iyon. Ang kapal ng mukha nitong halikan siya. At talagang sa harap pa ng girlfriend nitong tinatakbuhan nito at ng maraming tao sa paligid. Makita lang talaga niyang muli ang lalaking iyon, sisiguraduhin niyang hindi na ito makikilala ng mga magulang nito oras na matapos siya rito.
"Eh Sis, kilala mo naman iyong makakadate mo eh." Isa pa itong mga kapatid niya. Alam naman ng mga itong wala siyang kahilig-hilig makipag-date ngunit sige pa rin ang mga ito sa kapipilit. Kung noon ay pinagbibigyan niya ang mga ito, ngayon wala siyang balak.
"Give me a break, will you?" Nakasimangot na sabi niya sa mga Kuya niya. Talagang nagsama-sama pa ito sa pamimilit sa kanya. "At bakit ba narito kayong lahat? Binakante niyo na naman ang mga opisina ninyo!"
Ugali na talaga ng mga itong layasan ang kanya-kanyang mga negosyo. Minsan nakakapagtaka na nga rin at hindi nalulugi ang mga business na pinapalakad ng mga kuya niya.
"Kaya na ng mga managers namin ang mga iyon." sagot ng Kuya Enzo niya. Panganay ito sa kanilang magkakapatid at ito ang katulong ng ama niya sa pamamahala sa Company na pinalago ng ama. Panganay ito ngunit ito pa ang nangunguna sa mga kalokohang ipino-propose ng mga kuya niya.
"Oo nga, kailangan din naming asikasuhin ang little sis namin."segunda naman ng Kuya Brix niya. Ito ang sinusundan niya. Nagtayo naman ito ng sariling restaurant nito na ngayon ay may mangilan-ngilan na ring branches sa Metro Manila.
"Tigil-tigilan niyo nga ako. Ang sabihin niyo, mga bored lang kayo sa mga trabaho ninyo kaya ako na naman ang naisipan ninyong pagkatuwaan."
"Well, technically, yes." Sagot ng Kuya Craig niya. Doktor naman ang kapatid niyang ito. Pangalawa ito sa kanilang magkakapatid at sa lahat ng kuya niya, ito ang pinakaseryoso pero hindi rin naman ito pahuhuli sa pangti-trip sa kanya. "Ayaw mo ba kaming mag-enjoy sa buhay namin, sis?"
"At my expense? 'Yong totoo, mga kapatid ko ba talaga kayo?"
"Unfortunately, yes." Hindi talaga niya alam kung matutuwa siya sa kaprangkahan ng Kuya Craig niya. Her brothers were making her lose her mind!
"Ano na naman ang nangyayari at pinagkukumpulan ninyo ang prinsesa natin?" napalingon silang lahat nang marinig nila ang boses na iyon ng Daddy niya. Madalas na ito sa kanilang bahay simula nang tulungan ito ng Kuya niya sa business nila.
"Daddy, sina Kuya, kinukulit na naman ako!" sumbong niya. Daddy's girl siya talaga at alam niyang siya ang paborito ng ama dahil siya ang unica iha nito.
"Ano na naman ba iyan, Lorenzo?" sabi ng ama niya sa Kuya Enzo niya.
Napangisi siya. Kahit kalian naman ay kampi ang ama niya sa kanya.
"Eh Daddy gusto lang naman naming maka-reunion ni bunso ang kaibigan niya." napakunot ang noo niya sa sinabing iyon ng Kuya niya. Kanina ay date ang ipinipilit ng mga ito sa kanya, bakit iba ata ang sinasabi nito sa ama? "Remember, Alexis? Iyong paboritong kalaro ni Joelle?"
Alexis? Napaisip siya. Isa lang ang Alexis na naaalala niya at iyon ay ang uhuging batang lalaking paborito niyang gawing punching bag at utusan noong bata pa siya. Kapitbahay nila ito sa probinsiya. Lalong kumunot ang noo niya.
"Ah iyon bang batang iyon? Asan na nga pala ang pamilya nila?"
"Nasa Manila na rin ho pala sila. Stock holders din sila ng company na balak kong i-take over kaya nagkita kami sa meeting. Nabanggit nilang close itong si bunso sa anak nilang si Alexis kaya naisipan naming pagkitain ang dalawa."
"Sabagay..." nilingon siya ng Daddy nila. "Meet him, baby. Hindi mo ba namiss ang paborito mong kalaro?
You mean paboritong punching bag?
"Wala ako sa mood Daddy. Next time na lang." Baka ito pa ang mapagbuntunan niya ng inis niya sa lalaking nanghalik sa kanya. Kawawa naman ito kung mauuwi na naman dito ang mga kamao niya.
"Meet him anak. Nakakahiya naman sa Tita Arlene at Tito Ronald mo." Tukoy ng Daddy niya sa mga magulang ni Alexis.
"Pero Daddy..."
"No buts iha! Kailangang tratuhin mo ng mabuti ang batang iyon lalo na't mukhang makakasosyo natin sa negosyo ang pamilya nila" napanganga siya sa sinabi ng ama. Nakita pa niya nang maghigh-five ang mga kapatid niya. Mukhang napagkaisahan na naman siya ng mga ito. Imbis na kampihan siya ng ama ay ito pa ang nag-utos sa kanya na umayon sa kalokohan ng mga kapatid niya.
BINABASA MO ANG
What Comes After The First Kiss (Completed/Unedited Version/ Published)
Romance"Kapag nagmahal ka, kakapit ka sa kakapiranggot na pag-asang matutumbasan ang nararamdaman mo." Dahil sa kalokohan ng mga kapatid at sa pakikialam na rin ng tadhana ay nagulo ang tahimik na buhay ng boyish na si Joelle at natagpuan na lamang ang sar...