"HOW can he not contact me?" reklamo ni Joelle habang nakapangalumbaba at kausap ang kaibigang si Madeline. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang nasabi iyon sa kaibigan. At oo, isang linggo na magmula nang manggaling sila sa resort.
"I won't be around for sometime. My Dad is into a new business project at ako ang naatasan niyang kausapin ang magiging kasosyo niya. The meeting is in Canada at bukas na ang flight ko. So be a good girl habang wala ako, okay? No fighting, no night-outs and no skirts." That was what Ridge said when they got home after their outing pagkatapos ay hindi na niya ito nakita kinabukasan.
Alam niyang valid naman ang reason nito ngunit hindi siya matahimik at ayaw man niyang aminin sa sarili niya pero namimiss niya ang boses nito, ang nakakalokong ngiti nito at ang pagsagot-sagot nito sa lahat ng pambabara niya rito. In short, namimiss na niya ito kaya nga ba hindi na siya mapakali ngayong hindi man lang ata nito maalalang may naiwan itong fiancée na hilaw sa Pilipinas!
"'yan tayo eh. Noong madalas ang pagsulpot at pangungulit ng Prince Charming mo sa'yo, itinataboy mo tapos ngayong missing in action naman siya, hinahanap mo. Ano ba talaga, ate?" mukhang maging ang kaibigan niya ay nakukulitan na sa kanya dahil sa paulit-ulit niyang paghihimutok rito tungkol sa absence ni Ridge.
"Eh anong magagawa ko, ngayon ko lang narealize na ang boring pala nang wala akong pinagbabantaan."
"Talaga bang 'yan lang ang narealize mo?" tinignan lang niya ito ng masama. "Ang boring naman. Wala man lang bang narealize mong mahal mo na pala siya at hindi ka mapakali na----Aray naman bestfriend! Nagbibiro lang eh." Reklamo nito nang pitikin niya ang noo nito. hinimas-himas pa nito ang nasaktang noo habang naka-labi sa kanya.
Ngunit naalala naman niyang huling araw na nakasama niya ito. Ang halik na pinagsaluhan nila at ang mga bagay na nagging malinaw sa kanya dahil sa halik na iyon. Lihim na nag-init ang mga pisngi niy ngunit pinilit niyang itago dahil hindi siya titigilan ng kaibigan oras na malaman nito iyon. Sasabihin na lang siguro niya ang mga nangyari kapag maayos na ang lahat.
"Makakatikim talaga ang lalaking 'yon sakin pagbalik niya." pagbabanta niya habang nakakuyom pa ang bahagyang nakataas na kamao niya.
"Makakatikim ng ano? Kiss?" hirit pa ng kaibigan niya.
"Kung ikaw na lang kaya ang unang patikimin ko ng kamao ko?"
"Joke lang. Ito naman hindi mabiro eh." Agad na bawi ng kaibigan. "At dahil mukhang depressed ka naman sa kung anumang drama mo sa buhay ngayon, kung samahan mo na lang kaya akong mag-shopping? May date kasi ako bukas at kailangan ko ng bagong outfit para ma-inlove naman sa akin ang ka-date ko." She was grinning from ear to ear. Sa pagsa-shopping at pagpapaganda but the idea wasn't bad at all. Kaysa naman magmukmok siya roon at pasakitin ang ulo niya sa pag-iisip sa lalaking iyon at sa dahilan kung bakit nga ba naghihimutok siya roon, mabuti na rin sigurong libangin niya na lamang ang sarili niya, kung matatawag nga ba iyong libangan para sa kanya.
Pagkatapos nga ng klase ay sa Mall sila humantong ni Madeline at nagsimula silang maglabas-masok sa mga boutique na nasa loob niyon. Hanga na talaga siya sa kaibigan. Deadma na ito sa sapatos nitong pagkataas-taas ang heels at game na game itong magpalipat-lipat ng stalls. Hindi kaya nananakit ang mga paa nito ganitong mahaba-haba na rin ang nalalakad nila at marami-rami na rin ang nabibili nito.
Kasalukuyan silang naglalakad papunta sa susunod na boutique nang mapansin niya ang babaeng nakatayo sa gilid ng pinto ng boutique. Pamilyar ang babaeng iyon na kasalukuyang abala sa pakikipag-usap gamit ang cellphone nito. Ito ang babaeng hindi na niya maalala ang pangalan na halos manikluhod kay Ridge noong unang beses na makita niya ang binata at halikan siya nito.
Lalampasan na lamang sana niya ito dahil hindi naman niya talagang kilala ang babae para batiin pa niya ngunit napahinto siya sa paglalakad nang pagtapat nila rito ay marinig niya mula sa bibig na ito ang pangalang sobrang pamilyar sa kanya.
"Don't worry, Ridge sweetheart. Ako na ang bahala." Malambing na sabi ng babae na parang boyfriend lamang nito ang kausap. Siya naman ay parang naestatwa na lamang sa kinatatayuan sa harap mismo ng babae at kahit sinasabi nang isipan niyang umalis na doon ay hindi niya magawa. Mayamaya naman ay ibinaba na ng babae ang cellphone nito at saka lamang siya nito napansin at tinitigan ng mabuti. "Hey! Ikaw iyon! 'Yong babaeng hinalikan ni --- ng boyfriend ko." Nakakalokong ngumiti ito sa kanya.
"Hi." Iyon lamang ang tangi niyang nasabi dahil hindi naman talaga niya alam kung paanong pakikitunguhan ang babaeng ito at ang pakiramdam pa niya ay napakasarap nitong sabunutan.
"Don't look so murderous now, girl. Wala naman akong ginagawang masama sa'yo ah!" isa lang ang nilalayon ng mapang-asar na tono ng boses nito, and that is to provoke her.
"Halika na, Joelle." Hinawakan ni Madeline ang braso niya at bahagyang hinila siya paalis. Mukhang nakaramdam din ito ng tensiyon sa pagitan nila ng babae kaya kahit hindi na i-explain rito ay mukhang alam na nito kung sino ang babaeng iyon.
Nagpahila naman siya sa kaibigan dahil alam rin niyang hindi maganda ang kalalabasan kung hahayaan niyang inisin siya nito ngunit mukhang ayaw paawat ng babae dahil kahit nakatalikod na sila rito ay nagsalita pa rin ito.
"Nag-enjoy ka ba sa company ng boyfriend ko?" sabi pa nito na pinipilit niyang ignorahin at patuloy na nagpatangay sa kaibigan. "I heard you are engaged." Doon siya napatigil sa paglalakad. Paano nito nalaman ang status nila ng lalaki samantalang hindi naman pinaalam sa public ang kasunduang iyon?
"What do you really want from me?" hindi na nakatiis na tanong niya rito pagkatapos niyang harapin itong muli. Aninag pa rin niya ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito.
"Joelle..." hawak pa rin ng kaibigang si Madeline ang braso niya at pinipinlit na ilayo siya pero this time ay hindi na siya nagpahila rito.
"May kailangan ka ba sakin?" tanong niyang muli sa nakakainis na babae sa harap niya. In born ang tapang niya kaya kung sagutan lamang naman ay hindi siya padadaig sa babaeng ito.
"Ako? Wala akong kailangan sa'yo. Baka ikaw ang may kailangan sa akin." Tinaasan niya ng kilay ang sinabing iyon ng babae. Bakit hindi na lamang nito diretsahin ang gustong sabihin nang matapos na ang usapang iyon dahil naaalibadbaran na siya sa babaeng ito. "Pero dahil mabait naman ako, hindi na kita pahihirapan pang tanungin ako dahil sasabihin ko na ng kusa ang alam ko."
"Pwedeng pakibilisan? Busy kami ng kaibigan ko eh at maraming oras ang nasasayang sa pagpapasikot-sikot mo eh." Naiinis na sabi niya rito. Nagkibit lamang naman ito ng mga balikat bago magsalita.
"Fine. Ayoko lang namang umasa ka ng husto na magkakatuluyan kayo ni Ridge because first, he's mine and second, nakipaglapit lang naman siya sa'yo dahil 'yon ang pakiusap ng Daddy at mga kapatid mo."
Daig pa niya ang tinamaan ng kidlat nang marinig ang sinabi nitong iyon. Hindi niya alam kung mali ba ang dinig niya pero hinihiling niyang sana ay mali nga lang ang narinig niya.
"You look shocked. Poor girl... napagkaisahan ka na nga ng pamilya mo, mukhang na-inlove ka pa ata sa boyfriend ko." Iiling iling na sabi nito pero naroon pa rin ang nakakainis na ngiti nito kaya bago pa man siya lamunin ng sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon ay nagawa pa niyang sagutin ang babae.
"What if I am? Hindi ako tulad ng iba riyan na kulang na lang ay lumuhod at magmakaawa sa boyfriend niya para lang balikan siya at sa harap pa mismo ng maraming tao." Nakita niya ang pagkawala ng ngiti nito at pagpalit ng galit doon.
"How dare you!" galit na sabi nito na hindi na niya pinansin.
"Tara na." Sabi niya kay Madeline at nauna nang maglakad palabas ng mall na iyon. Sumunod naman ang kaibigan niya sa kanya at nakalimutan na ata nitong hindi pa ito tapos sa pagsa-shopping nito.
"J-joelle.." tawag ng kaibigan niya sa kanya sa alanganing boses nang nakalabas na sila ng Mall na iyon.
Hindi naman na niya kinaya ang nararamdaman niya at napaupo na lamang doon habang sapo ang mukha niya kasunod ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya.
"Joelle!" tarantang sabi ng kaibigan niya at naramdaman niya ang paglapat ng kamay nito sa likod niya.
"Bakit 'ganon, Maddy? Bakit ang sakit?" nasabi niya sa pagitan ng paghikbi.
BINABASA MO ANG
What Comes After The First Kiss (Completed/Unedited Version/ Published)
Romance"Kapag nagmahal ka, kakapit ka sa kakapiranggot na pag-asang matutumbasan ang nararamdaman mo." Dahil sa kalokohan ng mga kapatid at sa pakikialam na rin ng tadhana ay nagulo ang tahimik na buhay ng boyish na si Joelle at natagpuan na lamang ang sar...