MAAGANG nagising si Joelle kinabukasan. Hindi na naman kasi siya pinatulog ng pag-iisip, ngayon naman, ay sa sinabi ng Kuya niya. Imbis na makatulong ito sa problema niya ay pinasakit pa nito ang ulo niya. Napagod na rin siya sa kakabiling-baliktad sa kama niya sa pag-asang makakatulog pa ngunit nagulo na lang ng tuluyan ang bed sheet niya ay gising na gising pa rin ang diwa niya.
Bumangon na lang siya at inayos ang sarili. Wala siyang klase ng araw na iyon pero wala rin siyang balak na tumambay lang sa bahay nila kaya nagpasya na lang siyang bisitahin ang favourite place niya sa campus nila, ang gymnasium kung saan malaya siyang nakakapag-basketball.
Dahil maaga pa naman ay wala siyang naabutang tao sa gymnasium nila ng makarating siya roon. Mabuti na lang nandoon na ang guard na may hawak ng susi kaya nakapasok siya. Kilala na rin naman siya ng guard kaya madali na niya itong napakiusapan na buksan ang pinto ng gym.
Kumuha siya ng bola sa storage at sinimulan ang paglalaro. Bawat hagis niya ng bola sa ring ay pumapasok. Sige siya sa dribble sa bola at pagkatapos ay ishu-shoot iyon. Ilang sandali pa ay tumatagaktak na ang pawis niya pero hindi siya tumigil. Kahit papaano kasi ay gumagaan ang pakiramdam niya kapag nalalaro ang paborito niyang sport. Kumakalma ang magulo niyang utak dahil.
Muli niyang inihagis ang bola sa ring. Shoot.
"Not bad..."
Napalingon siya sa may pinto ng gym nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Ilang araw pa lamang nang sumulpot ito sa buhay niya ay pamilyar na ang boses nito sa kanya. She must be really out of her mind.
Dinampot ni Ridge ang bolang gumulong sa paanan nito at mula sa kinatatayuan nito ay inihagis ang bola sa basket. Shoot iyon at hindi man lang sumayad sa bakal na ring.
"Not bad either..." sabi ni Joelle saka siya na ang kumuha sa bola at naglakad papunta sa storage upang ibalik ang bola.
"Teka saan mo dadalhin 'yan?" tanong ng binata.
"Ibabalik ko na sa loob. Tapos na akong maglaro eh." Sagot niya.
Nagulat pa siya nang patakbo itong lumapit sa kanya at agawin ang bolang hawak niya.
"Hey!" sita niya ngunit nginitian lamang siya nito ng nakakaloko.
"Let's play. Race to five. If you win, susundin ko ang sinabi mo. Hindi na kita lalapitan pa." Sabi nito habang nilalaro ng mga kamay ang hawak na bola at nakangisi naman sa kanya.
"And if you win?" nakataas ang kilay na tanong niya rito.
"Hmmm... let's see..." inipit nito ang bola sa pagitan ng braso at tagiliran nito saka umaktong nag-iisip ng malalim. Mayamaya rin ay tinignan siyang muli nito. "Ibibigay mo sa akin ang isang araw mo."
"What?"
"Makakasama kita ng isang araw for a date. Deal?"
Napaisip siya roon. A day with him. That sounds dangerous para ipakisapalaran lalo pa nga't hindi niya ma-explain ang epekto nito sa kanya. Ngunit tempting rin ang sinabi nitong lalayo na ito sa kanya kapag nanalo siya. That means she'll be back to normal again at mawawala na ang disturbing presence nito sa buhay niya.
"What? Aren't you confident you'll beat me?" tawag nitosa atensiyon niya nang matagalan siya sa pag-iisip.
Oo nga naman. Ano pa bang iniisip niya? Magaling naman siya sa larong iyon kaya malabong matalo siya nito.
"Deal." Confident na sabi niya saka pumuwesto sa harap ng ring. Inihagis naman nito sa kanya ang bola.
"Lady's first!" kinindatan pa siya nito nang sabihin iyon.
Nakasimangot na ibinalik naman niya rito ang bola.
"I won't need the upper hand."
"Suit yourself." Kibit-balikat na sabi nito saka pumuwesto na. Siya naman ay pumuwesto sa harap nito upang i-block ang anumang magiging attempt nito na ipasok ang bola.
"Ready?" tanong nito.
"Kanina pa."
Nagsimula itong i-dribble ang bola at lumakad palapit sa kanya. He tried passing through her right pero hinarangan niya ito then he tried for the left na sinundan naman niya. Wrong move! Napeke siya nito at umikot ito and went for the right. Nakalusot ito sa kanya and made a swift lay up. Shoot!
"How's that for a start?" nang-aasar pang tanong nito habang pinupulot ang bola at inihagis iyon sa kanya.
"Tsamba..." pabulong na sabi niya saka pumuwesto sa harap nito. It was her turn to shoot.
Nag-dribble din siya habang palapit rito. Sanay na siya na malalaki ang kalaban dahil panay lalaki naman ang nakakalaro niya sa basketball kaya hindi na mahirap para sa kanya ang lusutan ito. And she did. Shoot! One all!
"Nice!" komento nito. Sinimangutan lang niya ito.
Nagpatuloy ang paglalaro nila. Minsa'y naba-block niya ang mga tira nito. Minsan naman ay hindi. Nahaharang din naman nito ang ilang attempt niya. Ayaw man niya ay aaminin na niya sa sariling nae-enjoy niya ang laro nilang iyon hanggang sa humantong na sila sa four to four na score at ito ang may hawak ng bola.
"Hindi ka pa ba napapagod, Joelle?" bigla ay tanong nito.
"Hindi pa naman." Simpleng sagot niya.
"Ako kasi napapagod na eh." Nag-dribble ito palapit sa kanya. "Let's end this game okay?" at hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa nito. He jumped and released the ball in air nang walang sabi sabi. Shoot!
"Hey! Madaya ka! You tricked me!" akusa niya rito.
"I did? Wala kang ebidensya." Nakangising sabi nito sa kanya saka nilagpasan siya at pinulot ang bola. Ibinigay nito sa kanya ang bola. "Sunday, 8:00 am at your front door." Pagkatapos niyon ay lumakad na ito paalis ng gymnasium.
Napatunganga na lamang siya. There goes her heart again. Saglit lang itong napalapit sa kanya nang ibigay nito ang bola ay nagwawala na naman ang puso niya. Sinungaling ang kapatid niya. Hindi siya okay at sigurado siya roon!
BINABASA MO ANG
What Comes After The First Kiss (Completed/Unedited Version/ Published)
Romance"Kapag nagmahal ka, kakapit ka sa kakapiranggot na pag-asang matutumbasan ang nararamdaman mo." Dahil sa kalokohan ng mga kapatid at sa pakikialam na rin ng tadhana ay nagulo ang tahimik na buhay ng boyish na si Joelle at natagpuan na lamang ang sar...