Chapter 4

108 4 0
                                    

Ice POV

Dapat pala pinabayaan ko nalang ang babaeng to. Masyado syang makulit at maingay. Bawat salita sinundot ang aking tagiliran. Wagas makangite na akala moy Hindi nanggaling sa matinding pagiyak. Baliw yata to. Pumasok agad ako. Wala pang masyadong estudyante dahil maaga pa. Umupo ako sa 2nd row mula sa una. Beside me Ay umupo naman si Aye. Nilingon ko sya at ayun nanaman ang malawak nyang ngite. Binawi ko rin agad ang aking tingin saka sumandal sa aking upuan at tumingin sa kawalan.

"Oo, Liezel si Mavis yan. Sabi nila nagpapanggap lang daw yan e."

"Talaga ba Diane? Kung ganun bakit sya bumalik?"

"Ede ano pa, para balikan si Prince Ace.Dahil mahal pa nya"

What?

"Aba Anong akala nya, tatanggapin pa sya. Matapos nyang iwanan."

Kahit isa sa mga sinasabi nila Ay wala akong alam. Sino ba yang Mavis na yan. Laking gulo ang inaabot ko sa kanya aba.

"Pahihirapan lang sya ni Prince Ace kung ganun. Balita naman sa buong campus diba na M.U sila Fae huhuhu!!"

"Oo nga no! Ahhhhh wala na tayong pag asa sa kanya."

Bakit ba ang lalakas ng Bose's ng Mga tao Ngayon. Sinundot naman ako ni Aye sa tagiliran, dahilan para tingnan ko sya. Nginuso nya naman yung dalawang nag uusap sa pinaka likod at saka nangunot ang noo.

"And?
Patanong ko.

"Hayyyssst"
Sya habang nagkakamot ng ulo.

Hindi ba sya nag susuklay?at ganun ka sabog ang kanyang buhok. Aminado akong wavy ang buhok ko pero maayos ang Mga to kumpara sa kanya at yung salamin nya, basag na nga sinuot pa.

Binalik ko  na lang ang aking paningin sa kawalan matapos tingnan ang kabuoan ng muka nya.

Wala kabang balak pagsabihan sila?"
Dagdag pa nya.

Iling lang ang naging tugon ko sa kanya .

Wala akong balak suwayin ang dalawang babae sa likod sa pinag uusapan nila.

Tatlong dahilan para dyan.
Una Hindi naman ako si Mavis. Nandito ako para mag aral Hindi para balikan ang gagong Ace na yun. Pangalawa, Hindi ako pumapatol sa Mga ganun nakakababa ng pagkatao pag nagkataon. At pangatlo Wala akong pake alam.

Unti unti ng dumadating ang Mga estudyante. Kahit Hindi ko sila tingnan Ay alam Kong nakatingin sila sa gawi namin ni Aye, Hindi parin ako nagkakamali Ay sa akin sila nakatingin. What's wrong with them?

Marami paring nagbubulungan. Tsk. Tsk. Pero bakit napalakas naman yata ang bulong nila. Buti nalang hindi sinabayan ni Aye ang mga to. Sinulyapan ko si Aye. Tulog! Naka nga nga pa sya. Tss.

"Bat naging kaklase pa natin yan, naku tiyak na gulo lang dala nyan e."

"Si Mavis ba yan?"

"Parang Hindi no? Kase ibang iba sa dati e."

Talagang Hindi! Hindi ko gustong kinukumpara ako sa iba dahil I have my own personality.

"Sus, ang sabihin mo nagpapanggap lang yan"

Wtf

At bakit naman ako mag papanggap? Who the hell you are Mavis?

"Andyan na si Ma'am,"

Nagkagulo sila ng makita nilang papasok na ang aming teacher. Dahil doon Ay naalimpungatan naman si Aye.
Walang gustong mag ingay tanging tunog lang ng paglalakad ng among guro ang maririnig. Hindi na ako nagtaka kung bakit. Isang matanda na nasa late 55 na ang edad na babae ang nasa unahan. Muka palang nya Ay malalamang terror ito. Tinitingnan nya ang mga muka ng bawat isa. Ang katabi ko naman ay sunod sunod ang paglunok buhat kanina.

"Good morning  BPEd 1A.! I am Mrs. Chigan. Ako ang magiging adviser nyo sa semister na ito at ako din ang teacher nyo sa Filipino. Unang una ayuko ng may malelate, ibabagsak ko talaga kayo tandaan nyo yan. Hindi ko papalampasin lahat ng kalokohan nyo. Kilala nyo naman ako diba?"

Walang nais sumagot, lahat tahimik.

"Diba!!!"
Pag uulit pa ni Mrs. Chigan

"Opohhh"
Pagsagot naman nila sa chorus.

"No"
Hindi masyadong malakas ang pagkakasabi ko ngunit sapat na yun para marinig ng lahat. Lalo na at tahimik sila.

Marami ang nag taka, nainis. Wala along pake. E sa Hindi ko sya kilala e.

"Aba.. Aba.. Teka, Mavis De Villa, nagbalik na. Nawala ka lang e, Hindi mo na ako kilala."
Pagmamayabang pa nya

"I'm not Mavis"
Kalamado Kong sagot

"Abat ang galing mo namang magpanggap. Abay kung ang iba naloloko mo. Pwes,.ako Hindi. Hinding Hindi kita makakalimutan Mavis dahil isa ka sa Mga bobo kong estudyante sa junior high noon."
Pang iinsulto pa nya.

"Mrs. Chigan, I'm sorry to tell you. I'm not Mavis. ."
Kalmado pa ring tugon.

Nanlaki ang mata nya. Pati ang ilan.

"Hinahamon mo talaga ako De villa! Sige lahat kayo pumunta isa isa sa unahan at magpakilala."
Pag aanunsyo nya.

"Ano ba yan, nakakainis naman yan!"

"Ang bastos nya naman sa teacher no"

"Bobo pala Yang si Mavis noon no?"

"Ang sakit namang magsalita ni Ma'am grabe no?"
.
"Bakit ba Hindi nya na lang aminin na sya si Mavis!"

Dahil wala naman along aaminin. .
Marami ng nakapag pakilala sa unahan. Hanggang maka abot ito Kay Aye.

"Hi Classmate! Im Kaye Angela Reyes,18 years old....."

"Walang may interesado uy!"

"Witch! Kulang nalang Ay walis oh hahaha"

"Boooohhh"

Sigaw pa ng ilan.
Sinuklian lang ito ng ngite ni Aye saka sya umupo. OK lang na wag nya ng pansinin pero bakit nya nginetian.

Ibubuka na ni Chigan ang kanyang bibig pero tumayo na agad ako para magpakilala.

"I don't care if you're not interested but I'm not Mavis. I don't know her. For you to know I'm Ice Ferrer."

Yun na yata ang pinaka mahaba Kong litaniya sa araw na ito.

Nag karoon nanaman ng Mga bulong bulongan. Tumingin naman si Mrs. Chigan sakin at napatulala. Kinindatan ko naman sya.

"Okey, magsisimula na tayo ng aging aralin sa Filipino bukas Dahil time. Ito ang Mga assignment."
Nagsulat naman sya sa board.
.
"Ano ba yan, wala pa ngang naituturo may assignment na agad."
Inis na kinuha ang kanyang notebook at ball pen.

Nanononood lang ako sa ginagawa ni Ma'am sa Una.

"Hoy! Hindi ka ba mag susulat? Baka mahuli ka ni Ma'am lagot ka dyan Kay tanda!"
Itinigil nya ang kanyang pagsususlat at tinusok ako ng ballpen sa tagiliran upang pansinin siya.

"Tsk. I don't care!"
Walang gana Kong tugon.

Mabilis lumipas ang Mga oras. recess na pero Hindi ako lumabas, Ganun din naman si Aye na walang ginawa kundi mangulit. Lumipas pa ang ilang discussion sa dalwang subject.

"Kriiiiiiinnnggg!!!"

Ang pinakahihintay ng lahat.
Lunch!

Ace & IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon