Dedicated to:
c_elentiya93
Max_delValleMoonMas love ko kayo😘
Ace pov
"Ace," Hanggang ngayon hindi parin ako kinakausap ni Fae, i tried many times but i failed. Punupuntahan ko sya sa room pero hindi nya naman ako pinapansin.
"Ace!" Hindi ko na alam ang gagawin ko para kausapin nya ako uli.
"Ace! ano ba!" Natigil ako sa pag iisip ng sigawan ako ni Ali sa taenga.
"Bakit ka ba sumisigaw Ali? Asar ka ah!" Inis na baling ko dito.
"Bakit? Kanina pa kita tinatawag, para kang tanga."
"Ano ba yun?" inis na asik ko dito.
"Tingnan mo nga yang ginagawa mo! Diba dapat mong paghiwalayin ang egg white sa dilaw? Eh bakit magkasama na yan?" Inis na sagot nito sakin. Cake ang gagawin namin ngayon sa major at sya nanaman ang partner ko. Nang dahil sa kanina pa akong lutang ay hindi ko napansin na magkalahok na ang egg white sa yellow.
Kumuha ako ng panibagong itlog at ginawa na ng tama. Ng mapaghiwalay ko na ay kinuha ko ang electric mixer para gumawa ng icing. Pilit kong isinantabi ang pag iisip ko kay Fae.
Medyo natagalan kami dahil Tatlong cake ang kailangan naming gawin. Isang tripple, isang square at simple cirle.Chineck na rin ng prof namin ang ginawa namin at walang bago kami pa rin ang may pinakamataas na score. Inilagay an namin sa box lahat ng binake namin.
"Uy Ice!" Kumabog ng malakas ang aking dibdib. Sunod sunod ang paglunok ko dahil sa matinding kaba. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay bigla akong pinagpawisan kahit centralized aircon sa lab.
"Zup Ali," Seryosong sagot nito. Pucha ano at lalong lumala ang kabog ng dibdib ko matapos kong marinig sya.
"Lunch nyo na?" Fuck! Bakit ba nagtanong pa tong si Ali.
"Mamayang 11:30 pa,"
"Bakit ang aga mo lumabas? 10:30 palang oh!" Dahan dahan akong lumingon sa kinarorooan ni Nyebe at nanlaki ang mata ko ng takatingin sa mismong mata ko.
"Nauna akong natapos sa long quiz namin." Tipid nitong sagot at hindi inaalis ang tingin sa akin. Ano bang trip nya yan! Hindi nakakatuwa! Pati yung iba naming kaklase ay nakatingin na rin saming tatlo.
"Mukang masarap yang ginagawa nyo ah?" Mamaya pa ay sabi nito.
"Ah oo masarap talaga tong cake, Si Ace ang nagtimpla at gumawa. Alam mo bang masarap magluto tong kaibigan kong to!" Inakbayan ako ni Ali at lalo pang lumapit kay Nyebe.
"Ali ano ba!" Asik ko dito ng higpitan nito ang akbay nito sakin.
"Pwedeng patikim?" Nakangiting tanong ni Nyebe.
"Uy Ace patikim daw!" Nakangising bulong sakin ni Ali.
"A-ano!?" Malinaw ko namang narinig pero hindi ko rin alam kung bakit gusto ko uling marinig.
"Biro lang, salamat na lang." Sagot nito at akmang tatalikod na.
"Take this!" Awtomatikong kinuha ko yung isang box na circle cake at inabot ko sa kanya. Kung papaanong ibinigay ko sa kanya ang isang kahon ay hindi ko rin alam.
Paulit ulit syang nagpalipat lipat ng tingin sa cake at sa akin.
"Tikim lang ang sabi ko ano at binigyan mo ko ng isang kahon?"
Napahiya ako sa sinabi nyang yun! Fuck"O-okay, ede wag." Ibaba ko na sana sa table ang cake ngunit agad nya ring kinuha iyon.
"Ibinigay mo na, bakit babawiin mo pa?" Tanong nito sakin. Ano bang trip ng Nyebe na to.
BINABASA MO ANG
Ace & Ice
Teen FictionMeet Ileez Carmela Ellie Ferrer also known as Ice Ferrer, ang babaeng pinaglihi yata sa nyebe. Her personality is cold as her name. She is came from Japan and went here to continue her study as the order from her Grandfather and grandmother. Nag ii...