NAKATUTOK ang atensiyon ng buong bansa sa nagaganap na pagtitipon. Nasa pavilion na naman ng isang sikat na hotel ang buong pamilya ng mga Montemayor. Doon ginanap ang reception ng kasal nina Choi Montemayor at Lorie Robles.
Habang nasa bakasyon sa ibang bansa ang mag-asawang Don Jaime at Doña Edna Montemayor ay gumawa ng matinding ingay sa media si Choi dahil sa sunod-sunod na eskandalong kinasangkutan ng binata na nagsimula sa pagkakadiskubre sa anak nito sa pagkabinata na si Maja hanggang sa isyu ng pagkakahulog ng loob ni Choi sa babysitter ng anak nito na walang iba kundi si Lorie Robles.
Sa kabila ng hating reaksiyon ng mga tao sa pag-iibigan nina Choi at Lorie ay wala namang reklamo ang mag-asawang Montemayor tungkol doon. Sa katunayan, masaya pa ang mag-asawa sa pagpapakasal nina Choi at Lorie. Patunay niyon ang enggrandeng selebrasyong ibinigay ng dalawa sa bagong kasal.
Inimbitahan nina Don Jaime at Doña Edna ang press sa kasal para makita ng mga ito kung gaano kawagas ang pagmamahalan nina Choi at Lorie at para matuldukan na rin ang mga negatibong reaksiyon tungkol doon. Hindi itinago ni Doña Edna ang labis na pagkaaliw sa bago nitong manugang.
"You really amaze me, Don Jaime and Doña Edna Montemayor. Your family is one of the richest in the country and yet you willingly accepted a simple woman to be your son's wife. Kung iba 'yan, malamang hindi 'yon pumayag," pamumuri ng isa sa mga reporter na naroon.
Doña Edna laughed good-naturedly. "Love has no boundaries. Ang mahalaga para sa akin at para sa asawa ko ay makita naming makakilala ang mga anak namin ng babaeng mamahalin nila at mamahalin sila nang lubos. It doesn't matter kung ano pa ang background niya, kung mayaman man siya o hindi. The fact that she loves our son and his daughter unconditionally is enough proof that she deserves to be Choi's bride. Besides, dahil kay Lorie, naalis ang hindi magandang ugali ni Choi. Natutuhan ng anak kong maging responsable, mas maging mapagkumbaba at maalaga mula nang dumating si Lorie sa buhay niya. For that I am truly thankful, right, darling?" anito, saka bumaling pa kay Don Jaime na katabi lang ng doña at aliw na aliw na nakikinig sa asawa.
"Right. And I hope our other two sons can find someone like that, too," sang-ayon ng matandang don na tumingin sa isang panig ng pavilion kung saan naroon ang dalawa pang anak ng mga ito na sina Raiven at Enrique Montemayor. Katulad sa ibang mga okasyon na naroon ang dalawa ay pinagkakaguluhan na naman sina Raiven at Enrique ng press at mga babaeng bisita.
Si Raiven ay halatang pilit na nagpapakakaswal dahil marahil kasal iyon ng kapatid nito. Ngunit mapapansin sa pagkibot ng mga labi at madalas na paniningkit ng mga mata ng panganay na Montemayor na malapit na itong mapikon sa labis na atensiyong ibinibigay rito. Si Enrique naman na mas kilala sa palayaw nitong "Riki" ay ngiting-ngiti. Halatang natutuwa ang binata sa atensiyong ibinibigay rito. Hindi pa ibinubuka ni Riki ang mga labi kaya hindi pa ito napapaaway. Magaspang kasing magsalita ang binata.
"That would surely be the talk of the town kapag nangyari iyon, Don Jaime," nakangiting komento ng reporter.
Bumalik dito ang tingin ng mag-asawa. Bumuntong-hininga ang matandang don at marahang tumango. "It will be a miracle. After all, alam kong hindi lingid sa kaalaman ninyong lahat na mahirap pakisamahan ang dalawang iyan. Riki is too rough and ill-tempered while Raiven is too cold and strict," umiiling na sabi ni Don Jaime.
Kumapit sa braso nito si Doña Edna at nginitian ang esposo. "Don't worry, darling. Kung si Choi nga ay nakakilala ng babaeng nagpaamo sa kanya, siguradong makakakilala rin sina Riki at Raiven. Someone who will melt Raiven's coldness and someone who will tame Riki's roughness," sabi ng doña sa asawa.
"I hope so," sagot ni Don Jaime.
Napangiti ang reporter habang nakikinig sa pag-uusap ng mag-asawa. Kung magsalita ang mga ito ay tila hindi isa sa mga pinakamayamang pamilya sa bansa.
"Do you mean to say, Doña Edna, na hindi mahalaga sa inyo kung simpleng babae lang din ang makatuluyan ng dalawa pa ninyong anak? Kahit si Riki pa ang pinakamayamang atleta sa bansa at si Raiven naman ang tagapagmana ng majority stocks ng Montemayor Communications? Hindi po ba ang ibang kagaya ninyo ng katayuan sa buhay ay mas gustong ipakasal ang mga anak nila sa kapareho ninyo ng katayuan sa alta-sosyedad? Kaya nga marami ang nagtataas ng kilay sa pag-iisang dibdib nina Choi at Lorie," maingat na sabi ng reporter.
Tila nanghilakbot si Doña Edna. "No, we don't want that. Love is not a business arrangement. Ayokong magaya ang mga anak ko sa iba na nagpakasal sa taong hindi nila mahal. We want them to experience true love gaya ng mayroon kami ni Jaime."
Inakbayan ni Don Jaime ang asawa at ngumiti. "Tama. Besides, as you said, we are already one of the richest families in the country. Hindi na namin kailangan pang ipakasal ang mga anak namin sa kung sinong heredera. We want them to choose their respective partners. May tiwala akong hindi sila magkakamali dahil hindi ako nagkamali nang piliin ko ang asawa ko," sagot ng matandang don.
Magsasalita pa sana ang reporter nang makarinig sila ng kung anong nagkakagulo sa isang panig ng pavilion. Nang tingnan nila iyon ay nakita nilang nakikipag-away na sa isang bisitang lalaki si Riki. Pinipigilan ni Raiven ang kapatid pero tila ayaw magpaawat ng binata.
Dumilim ang mukha ng matandang don. "But we have to do something about that son of ours. Kung hindi, baka mapahamak na siya bago pa man niya makilala ang mapapangasawa niya," anitong mas kausap ang sarili kaysa sa mga kasama.
Bumuntong-hininga si Doña Edna. "I agree. Pero ano nga ba ang puwede nating gawin para tumino ang batang iyan?"
"Don't worry, darling, I will think of something," sagot ni Don Jaime.
BINABASA MO ANG
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: RIKI AND THE BODYGUARD
RomanceDahil sa isang hindi magandang unang pagkikita ay na-involve ng husto si Ailyn sa magulong mundo ni Riki Montemayor, ang basagulerong prinsipe daw ng Sport's world. Labag man sa loob niya ay natagpuan niya ang sariling bodyguard nito. Doon nagsimula...