Part 2

27.6K 774 11
                                    

"I TOLD you it was not intentional. The force of the ball was just too strong kaya lumuwag ang grip ko sa raketa. Mabuti pa ang mga opisyal ng US Open at si Nadal naniniwala sa akin. But those fucking people are all overreacting. I will never do that kind of shit they're accusing me of," gigil na sabi ni Riki pagkaupong-pagkaupo niya sa mahabang sofa na nasa sala ng mansiyon ng kanyang mga magulang.

"Watch your words, Enrique. Ilang beses ba kitang pagsasabihan tungkol sa bagay na iyan? You didn't study in a good school to talk trash. Especially in front of your parents," maawtoridad na saway ni Don Jaime Montemayor.

Umismid at sumandal si Riki sa sofa. Sa totoo lang, wala siyang pakialam sa social decorum na palaging sinasabi sa kanya ng mga magulang niya. His career won't crumble just because he couldn't please the public. Kaya walang makitang rason si Riki kung bakit kailangan niyang pakisamahan ang ibang tao at umarteng mabait. He just wanted to be who he really was.

Besides, bakit pipilitin ni Riki na pakisamahan ang mga taong sinisiraan at inaakusahan siyang nandaya sa isang official game? He might be rough on the tennis court but he always followed the rules. Mahalaga kay Riki ang tennis dahil mula pa noong bata siya ay magaling na siya roon. Nakilala si Riki bilang isang magaling na tennis player at hindi bilang anak ng isang mayamang negosyante. Wala man siyang charm sa masa tulad ng bunso nilang si Choi o ng labis na talino at galing sa negosyo gaya ni Raiven, pero sa loob ng tennis court, Riki was considered as one of the greatest players. Kahit kailan ay hindi niya dudungisan ang larong mahal na mahal niya.

Pero maraming tao sa Amerika at maging sa buong mundo na sumusuporta sa tennis na iba ang tingin kay Riki. Kahit ayaw niyang tumakas ay pinayuhan siya ng kaibigan slash handler slash trainer niyang si Jeremy na magpalamig muna at bumalik sa Pilipinas. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag.

Kararating lang ni Riki sa bansa, gusto sana niyang dumeretso sa pad niya para magpahinga pero sinundo siya ng driver ng kanyang ama sa airport at ideneretso sa mansiyon kung saan naroon ang mga magulang niya at si Raiven. Ayon pa sa mga ito ay parating na rin si Choi at ang asawa at anak nito.

"What I'm saying is, you have to believe me. Ine-exagerrate lang nila ang nangyari para siraan ako. Besides, hinding-hindi ko sisirain ang tennis. You should know that more than anyone else," frustrated na sabi ni Riki sa mga magulang at nakatatandang kapatid.

Tumango ang kanyang ina at tumabi sa kanya. Ginagap ni Doña Edna ang mga kamay ni Riki at ngumiti. "Of course we know that, Riki. Kaya ka namin kinakausap, para tulungan kang malinis ang pangalan mo. Kahit na hindi mahalaga sa 'yo ang iniisip ng ibang tao ay mahalaga iyon sa amin dahil ayaw naming maging masama ang tingin sa 'yo ng ibang tao. Nag-aalala lang kami ng papa mo sa iyo," malumanay na sabi ng kaniyang ina.

Bahagyang kumalma si Riki. It was really a good thing he had his mother. Nakangiting inakbayan niya ang matandang babae. "Thanks, 'Ma," wika ni Riki sa ina bago ito ginawaran ng magaang na halik sa noo.

"So now, ang kailangan nating isipin ay kung paano maaalis ang galit ng mga tao sa 'yo. They must know your side of the story. Pero dapat hindi iyon magmumukhang nagdadahilan ka lang," ani Raiven.

Tumango si Riki bilang pagsang-ayon. "As long as it's not going to be humiliating, I will agree to that."

"Sa tingin mo ba, may mas nakakahiya pa sa kinalalagyan mo ngayon?" malamig pa ring tanong ng kanyang ama.

"Jaime," marahang saway ni Doña Edna sa asawa.

Nagkibit-balikat si Riki. Ilang segundong namayani ang katahimikan sa pagitan nilang lahat nang makarinig siya ng ingay mula sa labas. Bumukas ang pinto at pumasok si Choi at ang mag-ina nito. Nabaling sa mga bagong dating ang atensiyon ng mga magulang nila. Nakahinga nang maluwag si Riki nang lumapit ang mga magulang nila kina Lorie at Maja.

"So, my controversial brother is finally here," nakangising bati ni Choi sa kanya at pabagsak na umupo sa inuupuan ng kanilang ama kanina.

Ngumiwi si Riki. "Your happy face is pissing me off, you know," sagot niya rito na tinawanan lang ni Choi. Mula nang magpakasal ang kapatid ni Riki kay Lorie ilang buwan na ang nakararaan ay palagi na itong mukhang luku-luko kung makangiti. Hindi sumagi sa isip ni Riki na mababaliw si Choi sa isang babae lang. Ngunit hayun ang kapatid niya at tila maamong tupa mula nang makilala nito si Lorie.

"And your distressed look is making me laugh," ganti ni Choi na sinagot lang ni Riki ng naiinis na ungol.

"Kailangan mo munang mag-lie low, Riki, hangga't hindi pa tayo nakakaisip ng solusyon para malinis ang pangalan mo. Stay at home if you must, understand?" sabad ni Raiven.

Napabuga ng hangin si Riki. "Whatever you say, brother. Sa totoo lang, gusto ko na talagang umuwi sa pad ko para makapagpahinga na ako."

"Oh, too bad. Nagplano pa naman kami ni JT ng welcome home party mo sa club namin mamayang gabi. Kahit na maraming galit sa 'yo, marami pa ring babaeng gusto kang makita nang personal," ani Choi na kinindatan pa siya.

Napangiti si Riki. "I'll go."

"Riki, kakasabi ko lang, hindi ba?" banta ni Raiven.

"Oh, come on, brother, it's just a party. Wala naman akong gagawing masama roon. Besides club iyon nina Choi at JT. You know what, sumama ka na lang din kaya?" alok ni Riki sa panganay na kapatid.

"I'm busy."

"Oo nga naman, Raiven. Pumunta ka na. You need to unwind kahit minsan lang," pang-uudyok dito ni Choi.

Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Raiven. Tumingin ito sa wristwatch nito at tumayo. "We'll see. Anyway, may meeting ako in an hour kaya mauuna na ako." Lumapit si Raiven sa mga magulang nila at nagpaalam. Pagkatapos halikan ng lalaki sa pisngi si Maja ay umalis na ito.

Napailing si Riki habang nakatingin pa rin sa pintong nilabasan ni Raiven. "Still as straightlaced as ever. He should get laid."

"We both know he has his own reasons as to why he is like that. Sa halip na problemahin mo si Raiven mas dapat mong problemahin ang sitwasyon mo ngayon, Riki," ani Choi.

Bumalik ang tingin ni Riki sa nakababatang kapatid at napangisi. "I know. I should also get laid."

Pumalatak si Choi. "Hindi 'yan ang ibig kong sabihin."

"Iyon ang pagkakaintindi ko."

Tumawa si Choi. "Well, bahala ka. Maraming magandang babae sa party mamaya. Take your pick," ganting-biro nito.

"Aren't you going to join me?" tudyo ni Riki.

Umasim ang mukha ni Choi. "Matagal na akong graduate diyan, Riki. I would rather be with my wife, thank you. Enjoy yourself."

Natawa si Riki. Alam naman niya na iyon ang isasagot ni Choi. His playboy brother, who'd never had a serious relationship, had really changed. "Oh, I will, brother. Surely."

THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: RIKI AND THE BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon