Part 29

23K 618 12
                                    

Tila isang bombang sumabog sa harap ni Riki ang sinabi ni Ailyn. Kahit kanina pa iyon sinabi ng dalaga ay tila naririrnig pa rin niya iyon. Mahal ko siya. Riki felt an ache in his stomach, a delicious type of ache. The same ache one felt whenever one's body was filled with desire. Kung nasa iba sitwasyon lang sila ay baka nakaramdam siya ng saya—matinding saya. Yes, that feeling of joy was, in fact, starting to crawl along his skin.

Pero bago pa iyon maipakita ni Riki ay bigla na lang tumakbo si Ailyn. Iniwan siya nitong tulala at wala sa sarili. Kaya nataranta siya nang makitang malayo na sa kanya ang dalaga. Mabilis siyang kumilos para habulin si Ailyn pero nakakaisang hakbang pa lang siya ay naramdaman na ni Riki ang mahigpit na paghawak ni Marietta sa braso niya. Napatingin siya sa dating kasintahan. Hilam sa mga luha ang mukha ng babae. Pero sa loob ng maraming beses na nakita ni Riki na ganoon si Marietta ay kataka-takang wala siyang maramdamang awa para dito.

"I have to go after her," ani Riki, mas sa sarili kaysa kay Marietta.

Nanlaki ang mga mata ng babae, saka mas humigpit ang hawak sa braso niya. "No! Don't leave me. Hindi mo kailangang habulin ang babaeng 'yon. Wala naman siya sa 'yo, 'di ba? So what kung mahal ka niya. Ako naman ang mahal mo," natatarantang sabi ni Marietta.

"Marietta—"

"Can't you see? Pinagbibintangan pa nga niya ako na itinulak ko siya kahit hindi naman."

"Hindi sinungaling si Ailyn," mariing sagot ni Riki. Sa loob ng maraming linggong pagkakakilala niya kay Ailyn, alam niya na hindi magsisinungaling ang dalaga.

Namilog ang mga mata ni Marietta. "So you are telling me I'm lying? Mas paniniwalaan mo ang babaeng iyon kaysa sa 'kin?" Hindi siya sumagot. "Riki!" tili ng babae.

"Marietta, I really want to go after her."

"No! You are mine. I love you," sigaw ni Marietta at saka niyakap si Riki nang mahigpit. Hindi alintana ng babae kahit na basang-basa siya.

Hindi kumilos si Riki para ilayo ang babae sa katawan niya o yakapin din ito. Riki's body was still itching to go after Ailyn. Saang bahagi na kaya ng subdivision naroon ang dalaga? Sa laki niyon, baka maligaw si Ailyn. At kung nakalabas man ng subdivision ang dalaga ay makakasakay ba ito kaagad ng taxi kung basang-basa ito? Was she crying?

Hindi ma-imagine ni Riki na umiiyak si Ailyn. Pero paano kung umiiyak nga ang dalaga at dahil iyon sa kanya? Napalunok siya at kinalas ang mga braso ni Marietta. "Marietta, I really have to go," giit ni Riki.

Bumalasik ang hitsura ng babae. "No, no, no!" umiiyak na sigaw ni Marietta.

"Riki, ano'ng nangyayari dito?" anang mama niya na hindi namalayan ni Riki na naroon na pala. Nilingon niya ang matandang babae. Naroon na rin pala ang buong pamilya ni Riki at nakamaang sa kanila. Maliban kay Raiven na nakatiim-bagang.

"'Ma," tanging nasabi ni Riki dahil mukhang walang balak tumigil si Marietta.

"Nasaan si Ailyn?" tanong ni Doña Edna.

"Choi, call a doctor," utos ng kanilang ama sa bunso niyang kapatid na agad namang tumalima. Ngayon lang napahiya ng ganoon si Riki sa harap ng pamilya niya. Hindi kasi niya alintana noon ang mga eskandalong kinasangkutan niya.

Pero higit na napahiya si Riki sa kaniyang sarili. Kung kailan magulong-magulo na ang sitwasyon at kung hindi pa nadulas si Ailyn at sabihin sa kanya na mahal siya ng dalaga ay hindi pa mapapagtanto ni Riki kung ano ang nararamdaman niya. At kung ano man ang mayroon sila ni Marietta ay nakaraan na.

Limang taong nawala sa buhay ni Riki si Marietta. Hindi niya masisisi si Marietta kung umaasa man ang babae na walang nabago sa nararamdaman niya sa loob ng limang taon dahil sa totoo lang ay hindi rin naisip ni Riki na mawawala ang pagmamahal niya para kay Marietta. May bahagi ng pagkatao niya ang nag-iisip na baka nga maaari pa nilang maayos ang relasyon nila.

THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: RIKI AND THE BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon