NASAAN na ba ang babaeng 'yon? Kanina pa sumasakit ang leeg ni Riki sa kahahanap kay Ailyn. Kanina ay inaasahan niyang susunod sa kanya ang babae kahit pa sinenyasan niya itong huwag siyang susundan. He just had a wonderful idea to irritate her a little. Subalit nang lumingon si Riki matapos ang matagal na pakikipag-usap sa mga babaeng sa totoo lang ay kanina pa niya gustong iwan ay hindi na niya nakita si Ailyn. Hindi alam ni Riki kung masyado lang bang maraming tao sa lugar na iyon kaya hindi niya makita ang bodyguard niya o bigla na lang talagang nawala na parang bula ang dalaga.
Sa halip ang natanaw ni Riki sa di-kalayuan ay si Jeremy at ang mga kapatid niyang sina Raiven at Choi na tila may kung anong pinag-uusapan. Kumuha muna siya ng kopitang may lamang wine sa dumaang waiter bago mabilis na lumapit sa tatlong lalaki. Nang makuha ni Riki ang atensiyon ng tatlo ay saglit silang nagbatian bago siya tumingin kay Jeremy. "Have you seen Ailyn?"
Tila naman noon lang napansin ni Jeremy na hindi niya kasama si Ailyn kaya luminga-linga ang kaibigan niya. "Ang alam ko, dapat kasama mo siya. Ang sabi niya ay sisiguruhin niya na nasa malapit mo siya."
"Well, I don't see her anywhere," naiinis na sabi ni Riki. Napansin ng mga kapatid niya ang kanyang pagkainis kaya tinitigan siya nina Choi at Raiven na tila may kakaiba sa kanya. "What?" defensive na tanong ni Riki.
"Well, as far as I can remember the last time I saw you, you were only too eager to get rid of her. Ngayon naiinis ka dahil hindi mo siya makita?" tanong ni Choi. Hindi nakaligtas sa kanya ang panunudyo sa tinig ng bunsong kapatid.
"It's because she is supposed to do her job," inis na sagot ni Riki. Iyon din kasi ang pilit niyang dinadahilan sa sarili.
"As if you can't protect yourself. We all know she is just your bodyguard to take attention away from that video incident. Hindi na nga iyon pinag-uusapan ngayon," giit pa rin ni Choi.
Hindi nakapagsalita si Riki dahil noon lang niya naalala na iyon nga pala ang dahilan kung bakit nagtatrabaho sa kanya si Ailyn. It was just a countermeasure for a scandal that she caused him. Pero dahil seryosong ginagawa ng dalaga ang trabaho nito at aminado si Riki na tinulungan na siya ni Ailyn nang ilang beses ay nawala sa isip niya iyon. He had to admit that she was truly capable of being a protector.
"Well, isn't she that woman with our mother and Lorie?" sabi ni Raiven na nakatingin sa kung saan. Sinundan nina Choi at Jeremy ang tinitingnan ni Raiven, at nakita ni Riki kung paano umawang ang mga labi ng dalawang lalaki.
"Woah!" usal ni Choi na napasipol pa. Pagkatapos ay tumingin sa kanya ang kapatid niya at ngumiti nang makahulugan. "Why don't you look at her, Riki?"
Sa sinabi ni Choi ay mabilis siyang lumingon. Muntik nang mabitawan ni Riki ang kopitang hawak niya nang makita ang tinitingnan ng mga ito. Si Ailyn nga ang kasama ng mama at hipag niya. Ngunit napakalaking kaibahan ng hitsura ngayon ng dalaga kaysa sa ayos nito kanina. Nakasuot na si Ailyn ng tube dress na hanggang tuhod lang ang haba. It showed off her long shapely legs.
She was showing off too much skin that Riki was consumed by awe and irritation because he knew he wasn't the only one staring at her. Na-emphasize sa suot nitong dress ang kurba ng katawan ni Ailyn. Bumagay rin sa dalaga ang pagkakaayos ng buhok at makeup nito. Manipis lang ang makeup ni Ailyn pero sapat na iyon para ma-enhance ang natural na hitsura ng babae. Pakiramdam ni Riki ay may sumuntok sa sikmura niya habang nakatitig dito. Tama ang kanyang ina. She—
"She's beautiful," puri ni Choi na pumutol sa sasabihin sana ng isip ni Riki. Nilingon niya ang bunsong kapatid. Pero huli na nang mapagtanto niyang napasama ang tingin niya rito dahil ngumisi si Choi. "But I still prefer my wife," sabi pa ng kapatid ni Riki.
"Aba, magkakasama pala kayo diyan. Look at Ailyn, isn't she lovely?" narinig niyang sabi ng mama niya.
Pasimpleng huminga nang malalim si Riki bago tumingin sa mga babae na nakalapit na sa kanila. May proud na ngiti sa mukha ng kanyang ina at ni Lorie habang si Ailyn naman ay noon lamang niya napansing nakangiwi pala.
"At least, now it will not be awkward if she were to accompany Riki the whole night so she could guard him," sabi pa ng ina nina Riki.
"At mukha itong disguise. Para kung sakaling may magtangka sa buhay ni Riki hindi niya aakalain na bodyguard ang ganito kagandang babae," nakangising sabi ni Lorie na halatang nagbibiro lang.
"I think that suits you more, Ailyn," ani Jeremy habang si Riki ay mukha pa ring timang na nakatitig lang sa dalaga.
Ngumiwi si Ailyn. "Hindi ako sigurado diyan. Pakiramdam ko nakahubad ako sa damit na ito. At nahihirapan akong kumilos dahil hindi rin ako sanay sa sapatos na ito," reklamo ng dalaga.
"Oh, nonsense. Ang mabuti pa ay i-enjoy mo na lang ang party na ito at kumain ka habang binabantayan mo ang anak ko. Riki, samahan mo si Ailyn sa buffet table," utos ng kanyang ina.
Napatingin ang lahat kay Riki. Tumikhim siya. "Fine." Bumaling siya kay Ailyn na titig na titig sa kanya na para bang noon lang siya nakita ng dalaga. Nilapitan ni Riki si Ailyn. "Let's go," aniya rito. Bago pa maisip ni Riki ang dapat niyang gawin ay hinawakan na niya ang siko ni Ailyn at inakay ang dalaga sa direksiyon ng buffet table. Binale-wala ni Riki ang makahulugang tingin na ibinigay sa kanila ng kanilang mga kasama at ng mga bisita niyang nakikiusyoso. He didn't know why, but the moment he touched Ailyn, he stopped caring about them.
BINABASA MO ANG
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: RIKI AND THE BODYGUARD
RomanceDahil sa isang hindi magandang unang pagkikita ay na-involve ng husto si Ailyn sa magulong mundo ni Riki Montemayor, ang basagulerong prinsipe daw ng Sport's world. Labag man sa loob niya ay natagpuan niya ang sariling bodyguard nito. Doon nagsimula...