Madrama Day

1.6K 22 0
                                    

"Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pas-" 🎶🎶🎶


"Tang-ina naman ang ingay!"

Padabog na inoff ang kanyang cellphone.

"Sino naman kaya to at ang aga-aga nambibwisit na"

Muli ito tumunog at aga-agad niyang sinagot ng di man lang tinignan ang caller id.

"HELLO! ANO?!"

"Anak? Tutoy?"

Saglit natigilan si Viceral sakanyang narinig at natagalan siyang marealize na ang Nanay Rosario niya pala ito.

"Tutooooy, ano ba naman ang aga-aga nakataas na yung boses mo. Alam kung nastorbo ko yang pagtulog mo. Kamusta ka ba anak?" Paglalambing ng sambit ng kanyang ina

"Ay nay! Di ayos lang po. Nabigla lang po talaga ako. Napatawag ka?"

"Gusto lang kita kamustahin anak. Ngayon pala yung uwi namin nila Ate Emma mo. Kung pwede sana pumunta ka sa bahay. Namimiss na kasi kita."

"Ay ngayon ba yun nay? Osige po. Di nalang po ako rarampa mamaya"

"Osige anak. I mishooo! I love you tutoy ko!"

"Nay naman eh! Hahaha. Sige na nay. I love you too! Ibaba ko na ah?"

Masayang ngiti naman ang ibinungad ni Vice sa mga tao sa bahay niya. Tila parang nawala ang mga sakit na naramdaman kahapon. Nagprepare na rin ito at dumiretso na sa studio.

"Wow! Laki ng smile naten jan brad ah!" At siniko naman nito si Vice

"Araaaay! Ano ba naman Vhong!"

"Ngiting-ngiti brad ah? May bagong jowa?"

"Siraulo!" Sabay sabunot sa kaibigan

"Araaaaay! Aray naman eh!"

"Oh ayan nanaman yang love hate relationship niyo ha"

Nangiti naman ang dalawa ng nakita nila si Anne.

"Eto kasi si Vhong. Parang sira!"

"Mas sira ka! Pangiti-ngiti ka jan. Sabihin mo ma-"

"SHUT UP!" Sabay hampas sa kaibigan na mabilis na nakatakbo papalayo sakanya

Natawa lang naman si Anne dahil sa inasal ng mga kaibigan.
Naglakad ang dalawa patungo lounge ng showtime.

"Huy sissy! I saw your interview last night"

"Oh?" Straight face lang na sagot ni Vice

"Are you okay?" Sabay hawak sa braso nito at natigilan sila sa paglalakad

Tinignan lang naman siya ni Vice at hindi nagsalita.

"Hoy Vice!"

"Ah! Eh. Ano. Oo. Ayos lang ako. Hahaha ano ka ba. Tara na nga!"

Hinila naman ni Vice ang kamay ni Anne at di naman nakaimik pa ang kaibigan. Knowing Vice magsasalita naman ito kung handa na siya dahil doon hindi nalang ito pinilit ni Anne.

Pagkadating sa lounge area, isa-isa silang nagbesohan at nagbatian. Panay tawanan, biruan, at papuri sa kani-kanilang mga outfit.

"Oy guys wala pa si Karylle ano?" Nagtatakang tanong ni Billy

Natigilan naman ang lahat at si Vice ay palingon-lingon sa paligid.

"Uyyyyy hinahanap si Karylle! Araaaaaaaaay!" Sabay turo na nanunuksong si Vhong kay Vice

Vicerylle's Confession 💛Where stories live. Discover now