4 am Thoughts

995 17 0
                                    

A/N: The "Bakit" 2 KPOV

Nakatulalang kumakain si Karylle habang kasama ang asawang si Yael.

"Hey, you okay?"

Di naman ito narinig ni Karylle. Okyupado parin ang utak nito patungkol sakanyang pinopoblema. Nawala ang pagkatulala niya ng padabog na tumayo ang asawa at umalis.

"Ya-yael? San ka pupunta?"

Napahinto naman sa kinakatayuan ang binata.

"Sa kwarto" malaming na tugon ni Yael

"Gusto mo bang mag dessert? May mango float ako--"

"No. I'm full. Fix it... pagkatapos mong kumain" makahulogang tugon ng lalaki bago tuloyang pumasok sa kwarto.

Naiwan naman si Karylle sa kusina. Alam niyang di nagustuhan ng kanyang asawa ang pagkatulala niya kanina. At alam rin niyang alam ng asawa kung bakit siya nagkakaganon.

Flashback
(Pasensya mahilig lang talaga ako sa flashback hehe)

"Karylle I'm sorry. I felt so down habang tumatagal tayo. Pakiramdam ko napakainutil ko kasi kahit anong kayod ko di ko maibigay yung deserve mo na buhay. Kaya kahit anong raket tinatanggap ko para kumita ng malaki. I'm sorry kung mali yung paraang pinili ko. Believe me, wala kaming relasyon nung babaeng yun. Please karylle. Patawarin mo ako. Bigyan mo pa ako ng pagkakataon" pagsusumamo ni Yael ng magkita sila ni Karylle

"Tama na Yael. Tama. Na." Nagpumiglas naman sa pagkakayakap ang huli

"Bakit? Dahil pipiliin mo na siya? Hindi ka niya ipinag laban diba? Oo. Alm ko Karylle. Kaya ka ba pumayag makasal sa akin dahil iniwan ka niya at ako nalang ang natira? Ginamit mo lang ba ako?! Minahal mo ba talaga ako?!"

Napako naman sa kinakatayuan si Karylle at di nakapag salita. Di niya akalain na masasabi ito ng binata. Ang alam kasi niya ay walang alam si Yael sa naging nakaraan nila ni Vice. Huminga muna siya ng malalim upang makakuha ng lakas ng loob

"Hi-hindi Yael. Mali ang iniisip mo" humarap naman siya ngayon sa binata

"Kung mahal mo nga talaga ako bibigyan mo pa tayo ng isa pang pagkakataon"

At simula nun ay sinubukan nilang ayusin ang kanilang relasyon.

Sa kasalukuyan...

Napasapo nalang siya. Nawalan na rin siya ng gana dahil sa nangyari. Niligpit niya ang pinagkainan saka naupo sa sala. Nakita niya naman na palabas ng kwarto ang asawa.

Hinintay niya ito na kausapin siya ngunit lumabas nalang ito ng pinto ng condo at walang ni isang salitang sinabi sakanya. Ni kahit tinapunan lang man siya ng tingin wala.

Sinubukan ni Karylle na pigilan ang sarili na maluha. Kinuha niya ang remote saka nagsimulang manood nalang news. Sa di inaasahan, saktong interview ni Vice ang pinapalabas. Bigla niyang naalala ang iniisip niya kanina. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone at itinext ang kaibigan.

Halos nag tagal naman siya ng kalahating oras dahil hindi niya alam papano uumpisahan ang mensahe sa kaibigan. Aatras na sana siya ngunit naramdaman niya na kailangan niya itong gawin.

To: Vice Ganda 🐴

Hi Vice. Are you still up? I heard about what happened on your interview. Just beep me back ha if you want someone to talk to. Makikinig ako ☺

Ilang segundo lang ay nag reply rin si Vice

From: Vice Ganda 🐴

Yah. Okay lang ako K. Thanks for asking. See you tomorrow!

At dahil doon ay nakahinga na siya ng malalim pero di parin mawala sa isipan niya na baka nagkukunwari lang ang kaibigan. Alam niyang kinakaya lang nito.

To: Vice Ganda 🐴

Ow okay. I know you'll be fine. Ok kitakits bukas Vicey! 😄

Pilit niyang pinapagaan ang mood ng kaibigan. Lumipas ang isa at kalahating oras ay di na nagreply si Vice kay Karylle. Ilang beses niya na rin chineck ang phone at ang signal. Hanggang sa nakatulog nalang ang huli.

Lampas alas dos na ng umaga ng magising si Karylle dahil sa naramdamang mainit na hiningang malapit sakanyang tenga. Nilibot niya ang paningin niya at nakiyang nasa kwarto na pala siya. Di niya matandaan kung paano. Bumuo nalang siya mg ideya na baka kinarga siya ng asawa papasok. Habang nag iisip ay nakadama naman siya na may humahalik sa kanyang leeg. Paglingon niya ay ang asawa niya pala ito.

"What the hell is your problem?!" Singhal ni Yael dahil itinulak siya ng asawa

"So-so-sorry." Maiak iyak na sabi ni Karylle.

Sa totoo lang kasi kahit nag balikan ang dalawa ay di pa sila muling nagtatalik. Ilang gabi na rin sinusubukan ni Yael na angkinin ang asawa ngunit lage itong tumatanggi. Iniintindi niya naman din ang asawa kahit sa totoo lang ay nasasaktan na siya. Hanggang sa ngayon gabi ay di niya napigilan ang sarili.

"Putang ina naman Karylle! Nag balikan nga tayo pero pakiramdam ko hindi naman. Ano ba?! Nagsisisi ka ba?! Gusto mo parin ba siya?!" Halos mabaliw naman si Yael at natapon niya ang kung anong bagay ang mahawakan niya

Dahil sa takot ay di nakapag imik si Karylle. Umiyak nalang ito. Akmang aalis sa kwarto si Yael ng tawagin siya ni Karylle. Nilingon namn siya ng lalaki at nakitang nakayuko lang ang asawa.

"I'm sorry Yael. Please don't leave me"

Dahil doon ay muling nilapitan ni Yael ang asawa at ginawaran ito ng halik. Dahan dahan silang nahiga at nag make love kahit sa totoo lang ay labag sa kalooban niya ang nangyari.

Alas kwatro na ng umaga, mahimbing na natutulog si Yael habang nakayap kay Karylle. Ang huli naman ay nakatitig lang sa kisame.

Lumalalim ang kanyang mga naiisip. Unti-unting may mga luhang pumatak sakanyang mga mata.

"Ipaglaban mo ako ulit Vice. Please. Hindi ko na kaya to"

Vicerylle's Confession 💛Where stories live. Discover now