3in1+1

978 18 0
                                    

A/N: Karylle's side patungkol doon sa first chapter which is The "Bakit". Wala lang nag explain lang ako hehe

It was a fine day and Karylle is now in her condo. Kakauwi niya lang from showtime.

Nagpapahinga siya sofa while eating ice cream ng biglang may nag door bell. (Ayokong banggitin yung tunog kasi baka maoffend si K 😉)

Pag bukas niya ng pinto ay bumungad sakanya ang pawisang muka at magulong buhok ng kaibigan.

"Oh bruh? What are you doing here?"

Di naman siya pinansin ng kaibigan ang dirediretso itong pumasok at nakikain ng ice cream. Inis namang tinignan ni Karylle ang kaibigan.

"Ay shorry! Shorry! Nagutom kashi ako kakamadali ko sa pag punta dito" sabi ni Vhong habang puno pa ng ice cream ang bunganga

Umupo naman sa tabi ni Vhong si Karylle at nakisandok na rin sa ice cream.

"Bahakhit kwa kashe nagmahmahdali hmmm sarap pala nitong 3in1+1 ano?" Sabi ni Karylle habang puno rin ang bunganga

"Naaaaks! Salamat sa pagbili ng iniindorse ko ha? Supportive ka talaga bruh"

"Syempre naman"

Sabay fist bump ng dalawa. (Shet! Lipat nalang ako sa VhongRylle. Charot)

Pagkatapos maubos ang tatlong galon ng ice cream. Oo, tatlong galon. Bakit ba? Gutom sila eh. Ay umuwi na si Vhong kasi allergic siya sa condo at wala siyang dalang foods. Joke hahahah. Seryoso na. Pagkatapos ay hinimas at hinablot ni Vhong ang isang matigas na bagay mula sa bulsa ng kanyang pantalon at inalabas ito.



Cellphone lang yun mga sibs. Wag ano. Hahahaha.

"Aanhin ko yan?" Inosenteng tanong no Karylle

"Subukan mong kainin diba gutom ka pa?" Pamimilosopong sagot ni Vhong

"Bruh naman eh"

Nakatanggap ng slight na hampas si Vhong sa braso at napagiggle nalang ito.

"Hindi kasi. Ano. May interview si Vice ngayon diba? Napanood mo na ba?"

Umiling ang kulot. Kaya't kinuha muli ni Vhong ang kanyang cellphone pagkabalik nito ay may isa ng video ang nakaplay.

Napataas naman ng kilay si Karylle ng makita na ito ang video ng interview ni Vice. Tinignan niya muli si Vhong. Sinenyasan naman siya ng huli na ipagpatuloy lang ang pag tingin.

Napangiti naman si Karylle ng inianunsyo ni Vice ang kanyang mga proyekto para sa taong 2017. Ngunit napalitan itong ng kaba ng biglang may nagsalitang isang reporter.

"Vice! Vice! Totoo ba daw na may girlfriend na si Terrence Romeo?"

Kinakabahang hinintay ni Karylle ang reaksyon ng kaibigan. Aware naman kasi siya sa poblemang ito ni Vice dahil tulad nga ng naikwento ko sa ibang chapters ay si Karylle ang kadamay ni Vice nung panahong yun. Sa naaalala ni Karylle pagkatapos nung tagpo sa dr ni Vice ay di na nagkwento pa ang huli tungkol sa dating nobyo kaya di niya alam kung okay na talaga ito.

Nakita niya namang napangiting maasin lang ang kaibihgan. Ngunit ang kaninang kaba na naramdaman ay napalitan ng sakit at pagkagulat

"Vice totoo ba talaga yung sainyo... ni Karylle ?"

Mas lalo pang nakadagdag sa nararamdaman ng makita ang reaksyong ni Vice. Nawala ang ngiting maasim nito at napalitan ng pagkatulala at... lungkot.

Alam niya sa sarili kung bakit naging ganito ang reaksyon ni Vice. Di niya maitatangi na bukod sa poblema ng huli sa dating nobyo ay ang pagdagdag niya sa sakit na nararamdaman ng kaibigan. Pagkatapos kasi ng tagpo noong christmas party ng showtime ay naikwento ni Vhong ang dapat sanay gagawing pag amin ni Vice.

"Nakakainis kayo! Si Vice isang malaking banban at malas dahil lageng first runner up at ikaw namang manhid at, at ano, manhid lang! Kaya ayan sinabi ko na sayo. Mag usap nga kayo ang lalabo niyo. Puro kayo hopia!"

Hugot na hugot na sabi noon ni Vhong kay Karylle ng magkausap sila nito.

Nakaramdam ng kirot sa puso si Karylle ng maalala ang mga napag daan nila ng kaibigan. "Bakit ba tayo humantong sa ganito Vice?" Sabi niya sakanyang isipan

"I don't want to talk about those things. Masaya ako sa buhay ko ngayon kasi ang daming blessings na dumadating. And I learn to love myself. At yung samin ni K... Guys? Hello! Loveteam kami. It is for the fans."

Tuloyang naluha si Karylle ng makita at marinig niya ito mula kay Vice.

Nakaramdam naman siya ng mga braso nakapulupot sakanya. Niyayakap na siya ng kaibigan.

"Kasi naman kayo eh. Di pa kayo nakuntento sa sine mo to. Ginawa niyo pang in real life tapos di niyo itutuloy? Umayos kayo. Mabuti nalang medyo nadadala yung mga tao sa palusot niyong "for the fans" tssk!" habang pinupusan ni Vhong ang mga luha ni Karylle

"Tama na ang iyak. Walang magagawa yan. Nakausap mo na ba siya bruh?" Dagdag ni Vhong

Umiling naman si Karylle. Ang totoo kasi niyan ay gusto sana niyang kausapin si Vice tungkol sa kung anong magulong mayroon sila ngunit inunahan siya ng kaba. At nang subukan niya ay agad naman siyang niyakap ni Vice at binalewala ang tagpong yun at umakto na para bang bumalik sila sa dating closeness. (Read chapter end of flashback kung nagulohan kayo sa explanation ko hahaha)

"Basta, pagnakahanap ka ng tyempo bruh, kausapin mo siya." Sabay halik sa pisngi ni Karylle at nag paalam

Naiwang mag-isa naman si Karylle sa condo at ipinagpatuloy ang pag-iyak.

"I'm sorryy...






I'm sorry kung nasaktan kita Vice"




****


Meron po akong bagong story. The one that got away po yung title sana basahin niyo rin po yun :)
#noproofreading

Vicerylle's Confession 💛Where stories live. Discover now