Flashback (2016 ERA)

1.1K 22 0
                                    

(Two months before Vice's interview. Yun yung nasa VC Part 1)

Karylle is now preparing a dinner for her husband. Nangako kasi ang kanyang asawa na magdidiner sila ngayon gabi. Ayaw namang gumastos ng kulot kaya gusto niya siya nalang ang magluluto at sa condo nalang sila kakain. Matagal-tagal na rin ng huli sila makapagbonding ng asawa dahil sa pareho silang busy. Kundi late ay nauumagahan na sa pag-uwi si Yael at si K naman ay maagang umaalis para sa trabaho. At sa kung ano mang dahilan ay parang di na nabibigyan ng oras ni Yael ang asawa.

Naging malamig rin ang pagsasamahan nila dahil sakanilang sitwasyon. Pero ganon pa man ay gumagawa parin ng paraan si Karylle. Kaya ng nag imbita ang asawa ay nasiyahan naman ito.

"La la la la" 🎶🎶

Pakanta-kanta with matching sayaw itong naghahanda ng pagkain. Hyper na hyper ang kulot.

After one hour ay natapos na rin niya ang paghahanda. Napakaganda ng set up niya. Nasa corner ito ng living room nila. Nasa floor ito na may maliit lang na table for food. Mayroon pa tong nalalaman na candle lightning at christmas lights.

"Oh diba? Who would not like this?" With matching smirk na sinabi ni Karylle

Natawa nalang ito ng narealize na hindi pala ganon kaappreciative ang asawa pag dating sa mga ganon.

"But no. Mapapansin niya naman siguro ang effort ko. I just wish he would."

Napafrown naman ito.
Lumipas ang 30 mins ay wala pa siyang Yael na nakikita kaya't nagpasya siyang tawagan ito. Ngunit nakakarami na siya ng tawag pero wala ni isa man ang sinagot.

"Yael san ka na ba?"

May namumuong luha na sakanyang mga mata. She take a second and did a deep breathe.

"Di niya naman siguro makakalimutan. Natraffic lang 'yon"

Dumaan ang isang oras ngunit wala parin. Kaya't nagpasya siyang bahain ito ng tawag. Pero katulad kanina wala parin itong sagot.

To: My Hubby 💑
Yael? Where are you na? Are you still coming for dinner? 😞

Another 5 min have passed pero wala paring text or tawag na natatanggap

To: My Hubby 💑
You said you'll be home at 7 pm 😔

And again wala parin itong reply

To: My Hubby 💑
Just tell me naman kung natraffic ka or what and please answer my calls 😑

Still no reply

To: My Hubby 💑
Ok, maybe you are just busy. I will still wait for you hon. Drive safe 😘 I love you!

She is now sitting patiently on her couch. Wala naman siya ibang alam gawin kaya nanood nalang ito ng mga movies. Nabaling naman ang kanyang atensyon at naaliw siya rito ng di napapansin na nakatulog na pala siya.

Nagising naman siya ng may narinig siyang sigaw.

"K! Ano ba ba't ang kalat ng condo?!"

Napatayo naman ito at nag ayos ng muka. She tried to kiss him pero umiwas ito.

"Pagod na nga ako tapos ito pa maabutan ko! Puchaks naman!"

Natigilan naman si Karylle at nang narealize kung ano ang kalat na tinutukoy ng kanyang asawa. Ito pala yung ginawa niyang set up para sa dinner nila.
Maluhaluha naman siya ng malaman na ang kanyang pinagpagudan ay kalat lang sa paningin ng asawa.

"Oh?! Nakatunganga ka lang jan? Tara ligpitin naten 'to. Ang laki-laki na naglalaro pa ng bahay-bahayan"

Pinipigilan naman ni Karylle na umiyak. Napayuko ito at huminga ng malalim saka nag salita.

Vicerylle's Confession 💛Where stories live. Discover now