Landi-Landian 😂

1.2K 28 0
                                    


"Di ko kayang makita kang nasasaktan. Nandito lang ako kurba. Nandito lang ako."

At tuloyang napaluha si Karylle.

Nasa gitna naman ngayon ng crowd sina Vice at Karylle. They are hugging each other so tight. Kahit sobrang saya ng nasa palibot at wild ang pagsasayaw ng mga tao iba naman ang naging aura ng dalawa.

Di naman matanggal sa pagkakayakap si Vice kay Karylle habang si Karylle naman ay humahagulgol sa iyak habang nakarest sa chest ni Vice. Bigla namang natahimik si Karylle.

"K?"

"Uwaaaaaaa!" (Sumuka po pala yan. Di ko alam pano eh hahaha)

Nanlaki naman mata ni Vice dahil sa ginawa ng kaibigan. Ngunit imbis na magalit ito ay inalalayan nalang si Karylle patungong CR.

Nang nahimasmasan ang kulot ay nagyaya naman itong umuwi na. Vice hurriedly guided his friend papuntang kotse niya and started the engine.

Ilang minuto lang ay nakadating na silang dalawa sa condo ni K. Since wala naman masyadong tao kaya sinamahan na ni Vice ang kaibigan papasok sa condo niya.

Inilapag niya na ang kaibigan sa couch at hinandaan ng mainit na sabaw. Minsan na rin nakapasok si Vice sa condo ni K kaya't alam niya na kung saan nakalagay ang mga bagay-bagay. Mabilisan ang ginawa ni Vice. Napainit niya na rin ang sabaw at pinainom ito kay K.

"Thank you Vicey" sabay ngiti nito kay Vice

Nangiting kilig naman si Vice

"Basta para sayo kurba"

Si Karylle naman ngayon ang nangiting kilig
(Ang lalande! Hayp!)

Bahagyang nawala naman ang kalasingan ngayon ng kulot. Kaya't napaupo na ito sa kaninang nakahiga niyang pwesto. Katabi niya naman si Vice na ngayon ay humihigop parin ng sabaw. Napansin naman ni Karylle ang suka na nasa damit ni Vice.

"Nasukahan kita?!"

Tinignang masama naman ni wakla si kulot.

"Nako! Sorry Vice! Sandali, kuhanan lang kita ng t-shirt"
Worried na pagtatanong ni Karylle

Agad-agad naman itong tumayo at hinanapan ng masusuot si Vice. Nang makapili ay niyaya niya ang kaibigan na makapag palit.

Nang natapos ay bumalik naman kaagad si Vice sa living room kung saan nakaupo si K.

"Nakita mo siya kanina?" Malungkot na tanong ni K

Tinignan naman ni Vice si K at napaworry ito.

"Ang saya niya kanina habang kasama yung babae"

"K? Baka kaibigan niya lang yun o kasama sa gig?"

"Hindi. Pinapakilala niya naman mga kasama niya and he never introduced that girl to me."

May namumuong luha naman sa mga mata ngayon ng kulot

"Kahapon he invited me for dinner at para di na siya gumastos ay ako nalang nagprepare ng dinner for us. Alam mo yon? Pinag effortan ko ng bongga yung dinner. Maypa set up pa ko tapos may mga kandila at christmas lights pa."

Nacutan namn si Vice sa pinagsasabi ng kaibigan. Iniimagine niya yung ginawa ni Karylle

"Ang cute naman nun" VPOV

"I called him for many times at tinext ko rin but he didn't gave any feedbacks. Tapos late siya dumating. Nang dumating siya sinigawan pa 'ko. He even told me that it was a trash at naglalaro lang raw ako ng bahay-bahay. He didn't appreciate what I did. Kahit thank you lang sana."

Vicerylle's Confession 💛Where stories live. Discover now