Get Away Trip

1K 23 3
                                    

7am na at handa na ang mag kaibigan papuntang Laguna. Kasama naman nilang dalawa ang Team Vice at ang driver. Magkatabi naman sila sa sasakyan dahil nga panay ang chikahan nila na kahit kanina lang ay super chikahan na ang mga ito sa tawag. Mejo madaming energy ang wakla dahil siguro maaga itong nakatulog kagabi. Maaga nga ito nagising at kinulit kaagad ang kaibigan kaya't na plano nila ang get away na 'to. Mabuti nalan rin at girl scout tong team vice at nakahanda kaagad para sa nasabing trip.

--
2 hrs later ay nakarating na sila sa Laguna. Nang makarating sa bahay nina Karylle ay nag ayos kaagad si wakla para sa pagsisimba nila.

Pagkalabas ni Vice sa cr

"Ayos ba Kurba?" Pasexy tanong nito

Natulala naman ang lahat dahil sa porma nito. Pormal na pormal ang suot ni wakla at napakapogi niya tignan. Napahead to foot naman si Karylle sakanya.

Lumapit naman ng paunti-unti si Vice kay Karylle. Paslowmo ito na parang action star. Di naman maalis ang mata ng kulot sa kaibigan.

"Ay ang laki parin ng balakang"

Sabi ni Buern. Nagtawanan naman ang lahat at nadaot ang moment. Wala namang nagawa si Vice at natawa nalang rin. Nang makita niya si Dr. M ay agad naman niya ito niyakap. Close na close ang dalawa na hanggang ngayon ay di mapaliwanag sa isipan ni Karylle kung kailan sila naging ganoon kaclose. Iilang beses pa lang naman kasi nagkikita at nakakapagbonding ang dalawa. Pero di na niya masyado inisip yun dahil knowing Vice madali naman talaga siya makagaanan ng loob.

--
Sa simbahan, maimtim naman nagdadasal sina Vice at Karylle. Magkatabi sila habang nasa gilid naman ni kulot ang kanyang papa. Nagpaiwan naman ang Team Vice. Nang matapos ang mass ay agad-agad namang nagpaalam ang dalawa para tumungo sa resort. Pumayag naman si Dr. M.

They are all ready to go to the resort. They bid goodbye to Karylle's father. Aktong sasakay na si Vice sa sasakyan ng tinawag naman ni Dr. M ang kanyang atensyon.

"Vice!"

Nalingon naman si Vice at napalaki ang mata ng yakapin siya ni Dr. M

"Take care of my princess" sabay hawak sa balikat ni Vice

Napatango naman si Vice

"Ano yun? Anong sinabi ni papa?"

"Wala"

At nangiti lamang si wakla.
--
When they arrive, lahat sila ay dali daling nag change ng outfit. Kanya-kanyang picture at swimming sa dagat. Sinusulit bawat oras dahil ngayon lang sila nakapag out of town sa mahabang panahon lalo na sa part ni Vice na naging super busy for months. Sweet naman ngayon ang Vicerylle ngunit di nalang ito binigyan pansin ng Team Vice dahil sanay naman sila rito

Gabi na and they decided to build a bonfire. Kumuha naman ng maiinom si Vice at daladala naman ni Karylle ang mga chips at marshmallows.

Sama-sama silang nakapalibot sa apoy habang nagkakantahan at nag-iinuman. Di naman magkatabi ngayon si Vice at Karylle pero magkaharap sila.

"Pst!" Panawag atensyon ni Vice sa kaibigan

Di naman siya pinansin ng kulot dahil enjoy na enjoy ito sa kakajam sa kanta

"Huy!" Nilingon ito sandali ng kulot pero bumalik ulit sa pagjajam

Di naman nakatiis si Vice at tumayo na ito at tinabihan si Karylle

Kinalabit-labit naman ni Vice si Karylle na parang bata. At sa wakas nilingon na ito ng kulot

"Oh bakit Vicey?"

"Di mo ko pinapansin eh" at napasad face ito

Napachukle naman si Karylle at binigyan ng yakap si Vice

"Ang cute mo pag ganyan Vicey!"

"Tse!" Magwawalk out na sana ang wakla ng hinila siya ng kaibigan at inakbayan

"To naman magtatampo kaagad"

Karylle is now singing for him at napatitig lang si Vice sakanya

Maganda ang boses, maganda pa ang muka. Pinagpala talaga tong bruhang 'to VPOV

Mabilis ang mga pangyayari na di nila namalayang nalasing na ang karamihan sakanila. Kaya kanya-kanya na silang pumunta sa kanilang mga kwarto. Naiwan naman si Karylle sa bonfire at nakayuko lang. Nilapitan naman siya ng kaibigan na kakahatid lang sa ibang kasama.

"Oh tara kurba! Wag ng matigas ang ulo ihahatid na kita"

Di naman masyado nalasing si Vice kaya't siya na ang umalalay sa mga kaibigan

Tumango-tango lamang ang kulot

"Sabi kasing wag masyadong mag iinom. Weakshit ka pa naman"

Pagiling-giling ang lakad ng dalawa. Nakahawak ng mahigpit si Vice sa bewang ng kaibigan at naka akbay naman si Karylle sakanya

"Alam mo Vice! Kaya ko naman eh!" Pilit na pagsasalita ni Karylle

"Sssssh! Di mo kaya!"

Bigla namang nagtulakan ang dalawa dahil pilit pinapatunayan ni Karylle na kaya niya ang sarili. Sa sobrang tulakan ay natumba silang dalawa at napasandal sa pintuan ng kwarto ni Karylle.

Nagkalapit ang mga muka nila at nagkatitigan. Di matigilan ni Vice na tumitig sa napakagandang muka ni Karylle. Mula sa mata nito, sa ilong papunta sa kanyang labi. Napalunok ng laway naman ngayon si Vice.

Napakunot naman ang noo ni Vice ng bigla tumawa si Karylle

"Hahahaha! Gusto mo akong halikan ano?"

Nanlaki naman ang mata ng wakla

"Huy! K! Hindi noh!"

"Talaga? Memetey?"

"Mauna ka!"

Lumayo naman na ng kaunti si Vice

"Banban" pabulong na sabi ni Karylle ngunit narinig parin ito ni Vice

"ANONG SABI MO KARYLLE?!"

Natawa lamang si Karylle sa reaction ng kaibigan. Pinagtitripan niya lang naman kasi ito. Natigilan naman siya sa pagtawa ng bigla siyang napasandal ulit sa pintuan at nakaramdam ng unti-unting paglapit ng muka ng kaibigan. Sinubukan nitong makawala sa pwesto pero sa di na malamang dahilan ay napatitig na lamang siya sa mga mata ng kaibigan. Nang makitang papikit na si Vice ay pumikit na rin ito.

Karylle is waiting for the kiss. Palapit na ang mga labi ni Vice kay Karylle. Nararamdaman na ni Karylle ang hininga ng kaibigan.

"Oh shit! Oh shit!" In Karylle's mind

Halos di na gumagalaw si Karylle sa nangyayari ngayon. Naramdaman niya ang paglipat ng hininga ni Vice sa kanyang leeg papunta sa kanyang tenga

"Banban pala ah?" Bulong ni Vice sa tenga ng kulot

Napalipbite naman si Karylle sa ginagawa ni Vice

Ngunit di naman mapaliwanag ni Karylle ang nararamdaman ng imbis na halikan ay niyakap lang siya ni Vice

"Matulog ka na. Lasing ka lang. Good night kurba ko"
At hinalikan nito ang noo ng kulot

Vice give Karylle a sweet smile saka umalis. Naiwan namang nakatayo lang si Karylle at di parin gumagalaw

"What the hell is this feeling Karylle?!" Napafacepalm naman ito

"No. You can't. Never again. Tama na yung noon."

At pumasok na siya sakanyang kwarto.

Vicerylle's Confession 💛Where stories live. Discover now