The "Bakit" 2

1.7K 30 6
                                    

"Bakit ganun?


Bakit ang sakit sakit parin?"

Di na niya napigilan ang pag agos ng luha sakanyang mga mata.

"The healing process was never easy. Wag mo namang hayaan masayang lang yun dahil sa simpleng pagpapaalala ng isang lintek na reporter."

Pagkukumbinsi niya sa sarili

"PUCHAKS NAMAN VICERAL! UMAYOS KA!"

Halos mawala siya sa sarili dahil hindi niya man lang magawang kumbinsiheng patahanin ang sarili niya.

"Tama na! Tama naaaaaa! Tama na. Ta-tama na. Tapos na yun."

Paulit-ulit nitong sambit.

Natigilan naman ang pag eemote ng wakla ng may paulit-ulit na kumatok sa kwarto niya.

"Ati! Okay ka lang ba? Gusto mo paghanda kita ng pagkain?"

Binuksan naman ni Vice ang pinto at nakita niya ang isa sa mga angels niya.

"ANO BA?! ALAM MO DAOT KA RIN ANO?"

"Atih bakit namumula mga mata mo?" Concern na tanong ng babae

"Nagdodroga ako" papilosopong sagot niya dito

"Ha?! Hoy atih masama yan!"

"Gaga! Syempre di ko yan gagawin."

"Eh bakit nga ho?"

"Bampira ako"

"Ha talaga atih?" Naamaze na tanong ng babae

"Lokaloka ka talaga! Ikaw ata tong nakadroga. Handaan mo nalang nga ako ng pagkain. Gutom na 'ko"

Umalis na ang babae at natawa nalang si Vice dito. Bago kasi ito kaya't di pa alam ang mga ganap ni Vice sa buhay at bahay niya. Pero nagpapasalamat nalang rin siya dahil kahit papano nabaling ang kanyang atensyon.

Habang kumakain di naman matigilan ni Vice na maisip ulit yung naisip niya kanina. May namuo namang luha sakanyang mga mata ng nakita ang pamamaga ng kanyang kanang kamay.

"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?"

Natigilan naman si Vice ng makita niya ang kanyang Ate Babot.

"Oh ate nanjan ka na pala? Kain tayo" matamlay na pag aya niya sabay beso sa kapatid.

"Okay ka lang ba tutoy?"

Di niya naman sinagot ang kapatid dahil ayaw niyang mag break down sa harap nito.

"Nakita ko yung interview mo kanina. And i saw how you reacted to that reporter."

Natuloy lang ang kain ni Vice tila di niya narinig ang sinasabi ng kapatid.

"Hmmmm. Basta andito lang ako ha kung gusto mo ng kausap" sabay hawak sa balikat ni Vice

Tumango na lamang si Vice na ngayon ay may namumuong luha na sakanyang mga mata.

"Wag mo masyadong sinasaktan sarili mo. Lagyan mo yan ng yelo para di na mamaga pa."

Iniwan na siya ni Ate Babot dahil alam naman nito kung ano ang gusto ng kapatid sa mga sandaling iyon.

Nang matapos na sa pagkain si Vice agad niya namang binuksan ang kanyang cellphone at agad na nag twitter.

Magkahalong lungkot at saya ang mga nakikita niyang tweets about sakanya. May mga natutuwa dahil sa pag anunsyo niya na marami-rami siyang ganap ngayong taon at may mga iilan ring natriggered sa tanong nung reporter sakanya.

"Mukang magkaka-issue nanaman ako"

Nagscroll naman ito at nakita ang mga tweets ng kanyang Vicerylle Babies at Lil ponies. Concern ito sakanya dahil sa nangyari. Ang dami namang sweet tweets at dms ang natatanggap ni Vice mula sakanila.

"Aweee! Nako! Tong mga 'to talaga. Napakasweet." Sabay ngiti.

May naka agaw naman ng pansin ni Vice ng may nag pop up sa screen niya.

"Ba't napatext siya?" Takang tanong ni Vice sa sarili

Pinindot niya ito para mas mabasa ang mensahe.

From: Ana Karylle Tatlonghari-Yuzon

Hi Vice. Are you still up? I heard about what happened on your interview. Just beep me back ha if you want someone to talk to. Makikinig ako ☺

"Talaga Karylle ha?" Napangiting maasim lang ito.


To: Ana Karylle Tatlonghari-Yuzon

Yah. Okay lang ako K. Thanks for asking. See you tomorrow!

Narinig niya naman ang tumunog ulit ang kanyang telepono pero di na niya nalang ito pinansin.

Pumasok na siya sa kwarto at nag wash-up na rin. Nakaupo na ito sa kama at pinapatuyo nalang ang buhok. Dahil matagal pa itong matuyo binuksan niya nalang ulit ang telopono at nagdesisyong maglaro ng everwing.

Nang nabuksan ito, di niya naman maiwasan at gustuhing basahin ang mensahe ng kaibigan na kanina ay di niya binigyan ng pansin.

From: Ana Karylle Tatlonghari-Yuzon

Ow okay. I know you'll be fine. Ok kitakits bukas Vicey! 😄

Tinitigan niya ito ng ilang segundo.







"Ba't ba hanggang ngayon ang manhid manhid mo?"






**
So how was it po? Leave a comment or suggestions po. Thankies 💕💕

Vicerylle's Confession 💛Where stories live. Discover now