His Ex

1.4K 25 0
                                    

Di mapakaling nakaupo ngayon si Vice sakanyang kwarto. Aligagang-aligaga ito. Bawat pagpatak ng oras ay mas lalo siyang kinakabahan.

Tumayo, umupo, tatayo ulit, pumunta ng cr, naghugas ng muka, lumabas ng cr, chineck ang phone, umupo ulit at napabuntong hininga.

Nasan ka na ba Ter? Ano nanaman ba ang pag-uusapan natin?

Dumaan pa ang 30 minutes at mas lalo itong di mapalagay.

Tawagan ko na kaya?

Nang aktong tatawagan niya ito ay narinig niya namang may nag door bell. Napakagat labi ito at inayos ang sarili. Di tumagal ay may kumatok na sakanyang pinto.

"Pasok!"

"Sorry mejo natraffic ako"

"Ayos lang"

Nagbeso naman ang lalaki sakanya.

"So... Ter, mabilisan lang ha? Pupunta pa kasi ako kina nanay"

Tumango lamang ang lalaki at napayuko. Napansin naman ni Vice na parang amoy alak ito.

"Ter uminom ka ba?"
Sabay angat sa muka ng lalaki

"Vi-Vice"
Naluluhang sabi nito

Nataranta naman si Vice ng makitang umiiyak na ang binata. Dali-dali niya itong niyakap at hinaplos ang likod.

"Oy ter ano ba ang poblema? Bakit ka umiiyak?"

Nagpunas naman muna ng luha ang lalaki saka kumiwalas sa yakap ni Vice

"I'm sorry. I'm sorry Vice. Believe me, di ko to gusto pero alam kong eto ang gusto mo para sakin... Pero... Hindi ko kaya! Hindi ko to kaya Babe! Ayoko nito!"

Napaluha na rin si Vice dahil sa mga nakikita at naririnig niya ngayon. Pero wala siyang magagawa pa.

Nalaman ng parents ni Terrence ang katotohanang tungkol sakanila. At dahil dito sobrang nagalit ang parents ni Terrence sa binata kaya't pinapahiwalay sila ng mga ito. Kaya napag desisyonan nilang pareho na itigil nalang at maghanap nalang ng iba ang binata. Sakto naman na may natitipuhan rin ito at niligawan. Sinagot rin naman siya ng babae. Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi mawala sa puso't isip niya si Vice. Patuloy niya itong sinusuyo pero puros tanggi rin ang wakla. Napakakomplekado rin kasi ng sitwasyon at alam niya ring may iba pang rason si Vice. Yung rason kung bakit ganito siya ngayon.

Di naman nagsalita si Vice at pinapatahan lamang ang binata

"Pero alam ko naman kahit di mo sabihin" paluhang sabi ng binata

"Ter... This is the right thing to do. Mahal kita alam mo yan pero I can't give myself to you kung ganito ako. Di nateng pwede ipilit to. Dahil paghuhusgahan lang tayo ng mga tao. Alam nateng pareho na hindi naten kaya harapin yun. Pareho lang tayong masisira. Pareho lang tayong masasaktan. Pareho na tayong duguan."

Hinayaan na lamang ni Terrence na makapagsalita si Vice

"Mahal kita. Mahal na mahal pero kailangan ko munang ayusin ang sarili ko. And besides, nakikita kong mahal ka niya. Wag mo akong alalahanin. Masaya akong nakikita kang masaya sakanya."

Ang binata naman ngayon ang nagpunas ng mga luha ni wakla. Sabay naman silang nag iyakan at napayakap sa isa't-isa. Ninamnam nila ang bawat minuto na sila'y malayang nagkakayakapan.

Nang nakaalis sa yakap ay hinawakan naman ng binata ang kamay ni wakla at hinay hinay itong hinalikan.

"Dalawa lang naman ang rason kung ba't ako pumunta dito. Una gusto kong pakiusapan ka ulit. Gusto ko pang maging akin ka ulit pero dahil sa sinabi mo ngayon alam kong di na pwede. Masakit. Oo. Masakit pero masarap. Masarap dahil nasubukan kong mahalin at minahal ng isang katulad mo. Masakit at masaklap nga lang dahil hindi naten pwede itong ipagpatuloy."

Nangiti naman si Vice dahil sa sinabi ng binata. Nilagay naman ng binata ang mga kamay sa pisngi ni Vice at nasugatan siya dito. Deh charot lang! Hahaha peace memeh! 😅✌

"Pangalawa, gusto ko sanang hilingin sayo na sana wag mo ng saktan ang sarili mo. Alam ko na mahal mo parin siya. Alam ko kung gaano ka nasaktan. Alam ko na hanggang ngayon mahal na mahal mo parin siya. Kung ano man ang desisyon mo susuportahan kita. Andito lang ako lage. Mahal na mahal kita at ayaw ko na nakikita kitang ngakakaganyan. Sana lang magkausap kayo at masabi mo na ang totoo mong nararamdaman kahit huli na."

Naiyak naman ulit si Vice sa mha sinabi ng binata. Dahan dahan namang hinaplos ng mga binata ang muka nito. Bawat anggulo ay tinititigan niya.

"Eto ang huling gabi na makikita ko ng ganito ka lapit ang iyong muka. Ang huling gabi na mahahawakan at mayayakap kita ng ganito."

"Te-Terrence 😢"

"Paalam Juliet"

At tuloyan na nga umalis ang binata. Nagbreak down naman si Vice. Sa sobrang sakit ay pakiramdam niya ay nadudurog ng literal ang kanyan puso.

Pasensya na Ter. Kung pwede ko nga lang diktahan tong puso ko. Kung di lang sana komplekado ang sitwasyon naten. Mahal kita pero ito ang tama


Mabilis na lumipas ang panahon. 2 weeks na ng magkausap sina Terrence at Vice. Naging maayos naman ang mga nakaraang araw ni Vice dahil naging busy ito para sakanyang concert.

Naglalaro ito sakanyang cellphone ng may biglang tumusok sa kanyang pwet.

"Putchaks! Abo ba nama-"

"Oy brad busy ka ata. Ano yang game na yan?"

"Layuan mo nga ako! Tse!"

"Ay ang sungit. Oyyyyy! Sorry na. Grabe dalawang linggo na ang nakalipas di mo parin ako pinapansin"
Malungkot namang sinabi ni Vhong sa kaibigan na di parin siya pinapansin

"Gusto lang naman kitang kulitin nung araw na yon kasi alam kong di ka okay. Sorry kung napasobra ako. Ayos lang kung di mo ako mapapatawad. Pagdudusahan ko nalang to habang buhay"
Sabay tayo ni Vhong at aalis na.

"Teka lang! Teka lang naman eh"
Saktong papaalis na si Vhong ng hilain siya ng kaibigan

Nagtitigan ang dalawa at unti-unting ngumiti na hudyat ng pagiging okay na nila. Nagyakapan ito with matching palukso-lukso pa.
(Oh layag Team Vhoice! 😂)

Masaya naman ang naging flow ng showtime dahil balik sa usual kulitan sina Vice at Vhong. Nang natapos ang show ay nag aya naman ng dinner si Anne. Sakto namang walang ganap ang mga ito.

Nagsiuwian muna ito para makapag ayos man lang.

Naglalakad si Vice patungong dressing room niya ng sakto namang lumabas ng DR si Karylle.

"Vicey!" Pahigh pitch na sigaw nito

"Aray naman K! Kailangan talaga sumigaw?"

Napakamot naman ng ulo ang dalaga at nagpapout ng lips.

"Oh ano? May sasabihin ka?"

"Hmmmm can I ask a favor?"
Pacute effect naman sabi ni Karylle kay Vice

"Ano yun?"

"Wala kasi akong driver mamaya and Yael's is going to have his gig. Eh iba yung way namin kaya kung pwede lang, sabay ako sa'yo?"
At ngumiti ito ng malaki kay Vice

Natulala naman ang wakla dahil sa di niya makayang pagpapacute ng dalaga sakanya.

"Oy Vicey? Kung ayaw mo ayos lang naman. Sasabay nalang ako kay Vhong"

"Ay hindi! Hindi okay lang. Ano ba naman to. Yun lang naman pala kung makapacute wagas!"

"Talaga!? Yeeeyyyy! Uyyyy! Nacu-cutan sakin!"

"Tse! Text ka nalang mamaya may dadaanan pa ko"

Dali-dali namang umalis si Vice at sumakay sa kotse.

"To talagang babaeng to. Nakuha pang magpacute. Ilang araw ko na rin nilalabanan ang werpa niya. Sus! Pasalamat siya..."


At napangiting kilig na lamang ito at napatingin sa malayo.






**
Ayun pinagaan ko na yung eksena. Pasensya kung wala pa masyadong Vicerylle moments pero hayaan niyo sa next ud meron na 😊 Sana po nag enjoy kayo kahit papano ☺

Vicerylle's Confession 💛Where stories live. Discover now