Chapter 18: Shawn Panget

4K 24 1
                                    

-Chapter 18: Shawn Panget-



Nandito kami ngayon ulit sa Nemishaley Grounds for the championship. Bago yung games, may nag perform muna like sayaw and kanta. Amp ewan ko kung bakit. Trip ata nila.

Nag absent si GFF Kate gawa ng pagka sprain niya..

As expected, Crescent Academy ang makakalaban naming mga Volleyball HS Girls and Basketball HS Boys. Katulad namin, Natalo din ng Crescent ang Star and Canterbury.

Kumbaga, Winners vs. Winners, Loser vs. Losers ang drama. 

Kasama ko si Paolo ngayon.. Bigla bigla nalang kasi ako iniwan ng mga GFFs ko dito kay Paolo eh >////<

If i know, gusto lang nila ako bigyan ng moment with Paolo. I'm so lucky to have them!!

Andito kami ngayon nakaupo sa bleachers. Pinapanood namin ang game ng Basketball HS Girls.

"Uhaw o gutom ka na ba?" tanong saakin ni Paolo.

"Medyo?" 

Ngumiti siya at tumayo "Tara, punta tayo ng cafeteria." nilahad niya yung kamay niya saakin. Inabot ko naman ito at bumaba na kami ng bleachers.

Magkahawak kamay kami habang naglalakad papuntang cafeteria. 

Napansin ko na ang daming nakatingin saamin. Waaaa. Bat kaya? Kasi Gwapo tong kasama ko? Tsk. Ang dami niya na ngang fangirls eh.. Seryoso.. Simula nag start tong Inter sports competition.. ang dami na nakakakilala sakanya.. even kahit taga ibang school. Lakas ng karisma nag crush ko!!

Si Paolo naman di napapansin na ang daming tumitingin saamin since salita siya nang salita. Oo. may kinekwento siya about dun sa mga kaibigan niya dati.

Nung nakarating na kami sa cafeteria, bumili kami ng chips and Iced Tea.. Well, libre niya eh..

Habang kumakain kami....

"Thanks sa libre crush.."

"Wala yon..Basta ikaw eh.." 

"Tsk.. Kaw na galante.."

"Wehh. Kilig ka lang eh. Hahaha."

"Che. Tuloy mo na nga yung kinekwento mo.."

"Tapos na.."

"Yun na yon?"

"Oo."

"Bitin. Hmp. Nga pala, pwede magtanong?"

"Nagtatanong ka na.."

"Tsk.. Curious lang.. Can I ask bat sa abroad ka nag-aral ng Grade 5 hanggang 3rd year?"

Her Love Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon