Chapter 48: First Monthsary

4.2K 31 5
                                    

-Chapter 48: First Monthsary -

Andito ako ngayon sa kwarto ko at umiiyak pa rin ng dahil sa sinabing 'Good' News daw according sa parents ko. 

"Matutuloy na yung migration natin sa Paris!" 

Good news? Para sakanila good news yun. 

Good news din sana yun para sakin eh.. 

Kung hindi ko lang nakilala si Shawn.. 

Dati, pangarap ko talaga makapagcollege at mag-aral sa Paris para sa course na gusto ko na Fashion Designing. 

Oo, gusto ko pa rin matuloy yun.. 

Kaso.. Pano naman si Shawn? 

Pano naman yung boyfriend ko? 

Pano naman yung mahal ko? 

Iiwan ko nalang siya dito ng basta-basta? 

Hindi ko kaya... 

Ano na gagawin ko? 

**

March 14 came and Monthsary na namin ngayon. May ni ready na akong gift sakanya despite of my big problem, 

May date kami mamaya after school. Di ko nga lang alam kung saan niya ako dadalhin. Parati namang ganun eh. Lagi nalang niya ako sinosorpresa. 

Binigyan din niya nga pala ako ng bouquet of red roses kanina nung sinundo niya ako sa bahay. 14 lahat yung roses. Iniwan ko na sa bahay yung binigay niyang bouquet kanina. 

"Mahal ko.. May problema ka ba?" 

Natauhan naman ako at napatingin sakanya. Naglalakad kami ngayon papuntang school. Tumigil ako sa paglalakad at mas hinigpitan yung pagkakahawak sa kamay niya. 

Hinawakan niya yung pisngi ko. "Ang lalim ata ng eyebags mo ha.. Siguro masyado kang excited sa First Monthsary natin noh?" then ngumiti siya ng nakakaloko. 

Hinila ko siya sa may sulok at kaagad na niyakap ng mahigpit. 

"Hey, anong problema?" then naramdam ko na niyakap din niya ako. 

Umiling lang ako sa tanong niya. "Wala..Let's stay like this for a while.." sabi ko habang magkayakap pa rin kami. 

"Okay.." then naramdaman ko na hinimas niya yung buhok ko. 

Naiiyak ako. Pwede bang tumigil nalang yung oras? Pwede bang ganito nalang kami forever? Ayokong mawalay sakanya. 

Her Love Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon