Chapter 40[Part 2]: 3 Gifts

3.9K 32 7
                                    

-Chapter 40[Part 2]: 3 Gifts-



"Happy Birthday Sheila.." then he smiled sabay abot saakin nung hawak niya na flowers.

Grabe. Iba talaga pakiramdam ko ngayon. Feel ko ang pula-pula na ng mukha ko! 

"Sh-Shawn.. A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya pero di ko pa rin kinukuha yung inabot niyang flowers. 

"Binabati ka ng Happy Birthday." nakangiti pa rin siya. 

Arghhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!! Bat siya ganyan?! Bat ganito pakiramdam ko?! Kakaiba eh.. Pero alam ko na naramdaman ko na din to.. Ang gulo!! 

"Hoy. Wala ka bang balak kunin yung flowers?" then tiningnan niya ako ng masama. 

Lol. Nagtatampo na siguro to. Kinuha ko na din yung flowers na inabot niya. "T-tumayo ka na nga.."

Tumayo din siya at binigay din yung napakalaking bear saakin. "Eto pa.. Ako muna magdadala nito." 

"P-para saakin din yan?"

"Hindi. Para saakin. Ano sa tingin mo?" 

"=____= Sorry naman. Suplado." 

"Joke lang." then ngitian niya ako at kinurot yung nose ko. 

Waaaa. Feel ko natatae na naman ako! Pakiramdam ko hindi na naman ako makahinga hindi dahil nasasaktan ako, kundi dahil sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. May sakit na bang ganito? 

Di ako makatingin sakanya ng deretso sa mata kahit gusto ko, dahil feel ko anytime matutunaw nalang ako. Napansin ko na yung mga tao sa paligid namin eh nakatingin lang saamin. Yung iba naman kinukuhanan pa kami ng picture. Yung mga GFFs ko shock na shock yung mga expression nila. Eto namang nasa harap ko nakangiti pa rin saakin at parang walang pakialam sa nangyayari. 

Biglang may dumating na teacher. Hala lagot. 

"Miss Concepcion. What's the meaning of this?" 

"A-ah.. M-ma'am.. Kasi ano po.." err. Pano ko ba ma e-explain? 

Nagulat ako dahil bigla akong inakbayan ni Shawn. "Ma'am, birthday po kasi ng girlfriend ko. Binati ko lang." 

Nanlaki kaagad yung mata ko sa sinabi niya at yung iba naman eh narinig kong nag 'aww' or 'kyaa' na parang kinikilig. 

Ngumiti naman si ma'am ng malawak. "Naku! Mga kabataan talaga! Kakaibang paraan na. Osige, i date mo na itong girlfriend mo dahil birthday niya. Wala namang klase ngayon eh. Happy Birthday ulit Ms. Concepcion." then umalis na siya. 

O___________O Yung totoo?! Tama ba yung narinig ko? Girlfriend ako ni Shawn? Pinapadate kaming dalawa ng teacher namin? What the.

Her Love Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon