Chapter 26: Small talk

3.7K 29 0
                                    

-Chapter 26: Small talk-

“GFF, Let’s Talk.” Napatingin ako kay Kate.

“Huh? About saan?”

“Uhm, about something… it’s important..”

Tumayo na ako sa upuan ko. “Okay Fine.. Hindi ba sasama yung tatlo?”

Umiling lang siya. Nauna na siyang maglakad, sumunod lang ako sakanya. Nakarating kami sa Music Room. Walang tao dun..  sinera naman niya yung pintuan pagkapasok namin.

“Okay, so anong pag-uusapan naten?" Umupo ako dun sa isang chair.

Nag sigh siya. “It’s about Paolo..”

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Okay, bat pa ako nagulat? “So.. Anong meron?”

“Napansin namin na hindi na kayo masyadong nagpapansinan… simula palang nung Monday..hindi na kayo sabay pumapasok sa school at pauwi. N-nag away ba kayo?”

“Why are you so concerned about it?” I’m starting to provoke her.

“W-wala lang..N-nag aalala lang kami.. Diba nga.. Sabi mo malapit mo na siya sagutin..”

“Things Change. And I decided na hindi ko na siya sasagutin. In fact, binasted ko na siya. I don’t know if ‘binasted’ is the right term for it since hindi ko naman alam kung nanligaw ba talaga siya saakin ng totoo or lokohan lang.”

Nagulat naman siya sa sinabi ko. “H-huh? B-bat di mo s-siya sinagot? D-diba may permission ka na din sa parents mo?”

Huminga ako ng malalim. “How Can I be his girlfriend if he doesn’t love me?”

Natigilan si Kate sa tanong ko. “W-what do you mean?”

Nagsimula na ako mainis. Ayoko ng ganito.. Yung mag a-acting pa siya na wala siyang alam.

“Okay You know what? You Win! Pwede ka na pumasa sa audition para maging artista ng dahil sa pagpapanggap mo! Pero Pwede ba Kate?! Stop Acting! Wala tayo sa teleserye kaya hindi ka dapat umaarte diyan!”

Nakita ko na parang naiiyak na siya. “Ch-chelsea..”

Tumingin muna ako sa kisame. Sht. Ayoko na.. Ayoko na talagang umiyak..

“Alam naman natin kung sino yung mahal ni Paolo diba? Hindi ba pwede maging Masaya ka nalang dahil hindi ko sinagot si Paolo? Na hindi naging kami ni Paolo?” Tiningnan ko na siya. “Stop Acting… Stop Acting like you’re concerned, sad, worried or whatever ng dahil sa hindi naming pagpapansinan ni Paolo.”

“P-pano mo nalaman?”

Natawa ako ng mapakla. “Mahalaga pa ba yun?”

Her Love Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon