Chapter 50: Nothing(His POV) The Last Chapter

3.7K 35 3
                                    

A/N: Eto na! Last Chapter na!! Waaaa. Mag ready na kayo ng tissue! Lol Joke. Di ako marunong magpaiyak. Haha. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 50: Nothing(His POV) The Last Chapter


(Now Playing: Nothing by The Script)


Clyde's POV: 


"Let's end this." 

Para akong nabingi nung sinabi niya yun. 

Bakit? 

Gusto kong ilabas sa bibig ko yung tanong na yun. 

Pero di ko nagawa. 

Instead, pinagtapat ko din ng Three words yung sinabi niya. 

"I Love You." 

Sinabi ko yun sakanya habang nakatitig sa mga mata niya. 

Mahal na mahal ko siya. 

Nakita ko na may iba sa mga tingin niya. 

Di ko alam kung anong emosyon ang meron sa mga mata niya. 

Hahawakan ko sana yung mga kamay niya pero mabilis siyang tumakbo papaalis sa terrace.

Sinubukan ko siyang habulin pero badtrip, may mga humarang sa akin. Magpapapicture daw. 

Di ako pumayag at nabangga ko na yung mga iba dahil nilampasan ko sila at hahabulin ang mahal ko. 

Pero.. Di ko na siya naabutan. 

"Pre, tama na yan." sinubukan ng pinsan kong si Angelo agawin saakin yung bote ng beer na iinumin ko. 

Di ko siya hinayaan na maagaw yun saakin. Kaagad ko naman ininom at tinungga yung beer. 

Andito kami ngayon sa may bar na nasa loob ng park na malapit sa subdivision namin. Dumeretso kami dito pagkatapos ng party kanina. 

Alam kong pinagsabihan na niya ako dito na ayaw niya akong umiinom, pero ngayon, di ko mapigilan. Gusto kong makalimutan yung sakit na nararamdaman ko ngayon. 

"Let's end this?" 

Anong ibig sabihin niya dun? 

Ayoko. Ayokong isipin na yun yung ibig-sabihin niya sa tatlong salitang yun. 

Her Love Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon