CHAPTER 5

80 7 8
                                    

Dinededicate ko ang chapter na to sa President FCFB CLUB dahil mabait sya at maganda at sexy. Hahahaha. Ang usapan natin ah=). Hahahaha.

At sa Muse ng club na un na nagcomment sa story ko ng napakahaba-mala essay na. Hahahaha.

Salamat sa inyong pareho=).

---------------------------------------------------------------------------- 

“Pfft, WAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAH!!!” tawa ni JC(Jay) pagkakita sakin. Kapapasok ko lang ng classroom nung datnan ko siya na nakaupo na sakanyang silya at mukhang may katext. Isang course lang kami, isang section din kaya classmate ko sya sa lahat ng subject.

“Tsk.” Pinagtatawanan nya ko dahil sa nakaband-aid at medyo namamaga kong pang ilong. Pano ako nagkaganito? Dahil dun sa magaling na babaeng bigla nalang pumasok sa bahay namin at hinalikan ako. Ang nakakatuwa pa dun pagkatapos nya kong halayin ay bigla nalang akong sinipa sa mukha at mabilis na lumabas ng bahay namin. Mahusay! Di man lang nagpasalamat! Di ba nya alam ang daming nakapila para matikman ang matamis kong halik? Samantalang sya, pinagbigyan mo na nga eh sipa ang igaganti sayo! Mabuti nga ay pinagbigyan ko sya kahit di naman sya kagandahan…..well medyo cute sya.....tsk, Oo na!maganda sya! Kahit sabihin na medyo madungis sya nung muling pagkikita namin eh hindi ko padin makakaila na ganun padin ung epekto nya sakin.

“Eh kasi, ung mukha mo! Wahahahaahahaha! Ang panget mo tol! Anu bang pinaggagawa mo at nagkaganyan ka? Hahahahaha!!” tawa padin sya ng tawa. Pigilan nyo ko mababatukan ko na to.

“Wala, nadapa lang ako.” Medyo ngo-ngo kong sabi. “Wag mo muna ako guluhin Jay, dalawang araw na kong walang tulog.” dagdag ko. Dalawang gabi nadin kasi akong halos walang pahinga. Ung unang gabi ay dahil dun sa panaginip kong ayaw mawala sa memorya ko at ung pangalawa ay dulot ng sakit ng mukha ko dahil babaeng un. Naku pasalamat talaga sya at babae sya.

“Hehehehe, Ok. Pero maiba ako tol, may gagawin ka ba mamaya?” tanong ni Jay.

“Baket? Magpapasama ka nanaman sa department store? Naku Jay, muntik na ko mamatay nung huling sama ko sayo, ayaw ko na!”

“Hoy g@g*! hindi ko kasalanan kung napasali tayo ng wala sa oras sa isang world war no, kalokohan un nung mga taong walang magawa sa buhay!” sigaw nya. “Tsaka teka nga wag na natin pag-usapan un. Kinakalimutan ko na nga eh.” dagdag nya. Nakita ko na bahagyang hindi naging komportable si Jay sa usapan, di parin pala nya nakakalimutan ung nangyari. Pareho kami.

“Ang sinasabi ko gusto mo bang sumama ulit sakin sa isang blind date?” napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ulit sya.

Nakikipag-blind date talaga tong si Jay. Madalas mga reto ng kaibigan o kaya mga nakakausap nya sa chat o sa kung anu-anong social networking site ang mga nakaka-date nya. Minsan ay sumasama ako dahil sa nacu-curious din ako kung anu ung pakiramdam ng nakikipag blind date. Hindi naman sa baguhan ako sa pakikipag-date. Nagawa ko na un kasama ung mga naging girlfriend ko. Kaya lang syempre iba kasi ung blind date since hindi mo pa kilala o nakikita ung makakadate mo. Sabi nila astig daw un kasi may “exciting factor”. Oo exciting factor, kagaya nalang nung inaya nya kong samahan sya nun, makikipag-meet daw sya sa isang “magandang babae” na nakilala nya sa chat. Nung nakita namin ung ka blind-date nya, ayun maganda nga kaso hindi naman babae. Astig nga.

“Eh bakit naman ako sasama sayo? Anu mo ko dun chaperone? Wag na uy! Tsaka di ba kayo pa ni Trish? Wag mo sabihing?” sagot ko sakanya.

“Oo, wala na kami nun. Clingy masyado eh, arte pa. Maya’t maya ang tawag sakin, tapos napakaselosa pa kaya ayun hiniwalayan ko na.” Yan si Jay, ang dakilang playboy. Kung ganu sya kabilis pumasok sa isang relasyon ay ganun din sya kabilis nakalalabas. Para lang syang nagpapalit ng damit. Madalas nya ding nakakaaway ang mga gumaganting kapamilya ng mga nakakarelasyon nya dahil nagiging kawawa ang mga babae pagkatapos nyang pagsawaan. Minsan pa nga eh may pumunta daw sa bahay nila, mga magulang nung ex nya. Ipinapakasal sya dun sa babae dahil nabuntis daw nya. Pero makalipas ang isang linggo ay dinatnan ung babae, delayed lang pala.

The Heartstealer (CENSORED).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon