CHAPTER 4

102 8 11
                                    

DEDICATED SA UNA KONG NAGING CLUB DITO SA WATTPAD ANG FCFB CLUB.

AT SA UNANG TAONG NAG COMMENT SA STORY NA TO. HI UNNIE,SARANGHEYO..HAHAHAHAHAHAHA=))

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Miranda’s POV

“Gisingin mo na nga ung batugan mong alaga. Tanghali na!!” sigaw ni Fernanda,ang madrasta ko, sa katulong namin.

Nilingon ko ang orasan, 5:09 am. “tsk, tanghali?” Actually kanina pa ko gising, mali, hindi pa pala ako natutulog. Hindi kasi ako makatulog sa mga ala-alang kumakain ng panaginip ko at sa takot ko na baka hindi na ko magising.

“Miranda, anak, gising na. May pasok ka pa.” mahinahong sabi ng yaya kong si Aling Rosa, kasabay ng katamtamang lakas nyang pagkatok sa pink kong pintuan.

“Opo, gising na po, babangon na po.” sagot ko sakanya. Pagkabangon ay inayos ko ang kama ko. At sinimulang gumawa ng 20 push-up at 20 sit-ups. Pagkatapos ay dumiretso na ko sa banyo na nasa loob ng kwarto ko para maligo, Yan ang araw-araw kong routine. Nang matapos ay lumabas na ko at dumiretso sa dining area para kumain, mag-aala-sais nadin nun.

“Aba! At ang lakas naman ng loob mo para paghintayin ako sa pagkain?! Baket ha? Dahil ikaw ang anak ng may-ari ng bahay na to? Dahil amo ka dito? Ha? Ha? ” paunang bati sakin ni Fernanda. “ Anak ng may-ari ng bahay” yan ang tawag nya sakin, kahit kailan di nya ko tinawag na “anak”, sabagay ayaw ko din naman. Kinuha ko ung upuan sa kabilang parte ng lamesa, sa tapat nya at duon umupo. “ Hoy! baka nakakalimutan mo, ASAWA AKO NG TATAY MO! Mas mataas ang posisyon ko dito. MAS MATAAS AKO SA’YO! ILAGAY MO ANG SARILI MO SA LUGAR!” bulyaw nya sakin. Kagaya ng pag-eehersisyo ko tuwing umaga na morning routine ko ay ang araw-araw na sigaw, sumbat at mura na pinapang-almusal sakin ni Fernanda, un naman ang routine nya.

“Ok.” Un lang ang sagot ko, un palagi ang sagot ko. Sa loob ng halos sampung taon na kasama ko sya ay kilalang-kilala ko na sya. Di sya titigil sa kakadakdak, at lalong di ka nya titigilan kung sasagot ka sakanya.

“Ok? Yan lang ang sagot mo?” kumuha si Fernanda ang isang pandesal mula sa lalagyan ng mga tinapay at ibinato sakin. Tumama sa mukha ko ung tinapay. Nakita kong nagulat ang isa sa mga katulong na nakahilera sa kaliwang parte namin. “Bagong katulong nanaman?” sabi ko sa sarili ko. Nakita ko rin ang pag-aalala sakin ni Aling Rosa. Nginitian ko lang sya at pinulot ung tinapay mula sa sahig, pinagpag ito at kinagat. Ngayon, si Fernanda naman ang nagulat. Akmang babatuhin nanaman nya ako, ngunit this time ung kutsarang hawak nya na ang nais nya mag-landing sa mukha ko, pero bago pa nya nagawa un ay pinigilan na sya ni Aling Rosa.

“ Ma’am, wag ho kayong mag-away sa harap ni Ma’am Isabelle.”

Napatigil si Fernanda, ibinaba ang kutsarang hawak at kinuha ang picture frame na nakapatong sa mesa, sa tabi nya, at kinausap ito. “Anak, di naman kami nag-aaway ni Miranda. Pinagsasabihan ko lang sya na sana sa susunod ay wag nyang paghintayin ang pagkain dahil masama un, di ba Miranda?” bumaling sya sakin na parang naghihintay ng pagsang-ayon. Tulala ako nung una dahil napatingin ako sa litrato pero iling lang din ang naisagot ko sa kanya. Nawalan na ko ng ganang kumain. “Aling Rosa, tapos na po ako kumain. Papasok na po ako.”paalam ko sakanila. Dinaanan ko lang si Fernanda na kinakausap padin ang litrato ng anak nya.

Ung babae sa litrato ang totoong anak nya, si Issabelle. Mas matanda lang sakin ng isang taon. Patay na sya, halos dalawang linggo narin. Si Daddy, si Fernanda at si Isabelle, sila ang pamilya ko. Ung totoo kong mommy? wala na, iniwan narin ako, namatay daw nung pinanganak ako. Si Daddy? nandun, kasama ang trabaho nya, mga 5 araw nading di umuuwi.

The Heartstealer (CENSORED).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon