CHAPTER 3

127 8 10
                                    

“ Alam mo ba anak si Stacey, ung kapitbahay natin? Ung kalaro mo dati? Naku anak, magtatrabaho na pala sa ibang bansa un. Sa sunod na linggo na alis nya. Sa Canada daw sabi ni Anna. DH daw. Grabe no,bilis ng panahon parang kahapon lang mga iyakin pa kayo pero ngay--,hoy Mark! wag puro karne kainin mo. Ito gulay, para naman tumaba ka.” Sabay lagay ng nanay ko ng isang kutsarang broccoli sa plato ng kapatid kong Mark, grade 5 elementary student. Kristina, yan ang pangalan ng nanay ko. Naghahapunan kami ngayon at nagkwekwento sya tungkol sa kapitbahay namin. Ganito ang bonding namin ng pamilya ko. Dahil nga pasukan pa at maaga ang pasok namin ng kapatid ko at kung umuwi naman ako ay hapon na, ay sa hapag nalang kami nakakapag-usap ng matagal. Medyo madaldal nanay ko, madaming kwento, kaya paghapunan madalas sya ang taya sa usapan. Di nga ako makatanda ng araw na naubusan ng kwento si nanay, marahil sa buong araw na wala kami sa bahay ay sumasagap sya ng kwento, iipunin yun para samin, ang mga audience nya. Wala na kaming tatay, nangibang-bakod--- yan ang pabirong sinasagot ni nanay sa mga nagtatanong. Kung anung buong nangyari di ko namatandaan, basta alam ko di na nila mahal ang isa’t-isa kaya ayun naghiwalay na sila. Kaming tatlo nalang ang magkasama sa bahay na to.

Nakabukas din ang T.V. pagkumakain kami. Ewan ko ba kung anung trip ng nanay ko at sinasabayan nya ng daldal ung ingay ng T.V., sayang lang sa kuryente.

“ Ayaw ko ng gulay ma. Di masarap yan iih. Nakakasuka.” pagwewelga ng kapatid ko sa gulay na nilagay ng nanay ko sa plato nya.

“Magtigil kang bata ka, di mo ba alam na ang daming nagugutom na bata sa mundo. Maswerte ka nga at nakakain ka.” Sagot ng nanay ko.

“Eh kahit naman kainin ko yan ay di naman sila mabubusog eh.” wow ah, daming alam ng kapatid ko, san kayang lupalop nya natutunan yan>,<.

“Isa pang sagot mo, mapapalo kita.” Sabay kuha ng nanay ko sa nakalapag na sandok sa mesa. Itinapat to sa mukha ng kapatid ko. Nananakot si nanayXD.

 “Di na po.” sagot ng kapatid ko. Hahahah, EpektibXD.

At sa ibang balita naman, di parin natutugis ang ibang mga kasali sa nangyaring putukan sa LBDS Department Store nitong nakaraang Sabado. Hinala ng mga pulisya ay

Napatigil ako sa pagkain ng marinig ko ang balita sa T.V. Naalala ko nanaman ung nangyari nung isang araw. Putukan, sigawan, at isang lalaking naliligo sa sariling dugo.  burp . Naramdaman ko ang pagbaliktad ng sikmura ko. Di parin nawawala sa memorya ko ung nakita ko. Kahit anong gawin ko ay di ko talaga un makalimutan. Un ang unang beses kong makasaksi nun at ayaw ko ng maulit un. At hindi makakatulong sa paglimot ko ang panonood ng balitang ito.

“Ma, akyat na ko sa kwarto. Tapos na ko kumain.” Nawalan na ko ng gana sa kaiisip sa nangyari.

“Okay ka lang ba anak? May sakit ka ba?” pag-aalala ng nanay ko.

“Wala po. Medyo pagod lang po ako ngayon.” Sabi ko sa nanay ko. Di nya alam na nandun ako sa store nung mangyari ung krimen. Di ko ikinwento dahil ayaw ko sya mag-alala. Di din naman na ko inihatid ng mga pulis sa bahay namin nung anyayahan nila kami sa prisinto para magbigay ng impormasyon sa mga nalalaman namin sa insidente. Wala, sira kasi ung CCTV ng store kaya kaming mga nandun ang ininterview nila. Pinilit paaminin sa mga bagay na di alam, piniga ang mga dapat pigain. Nakakaawa nga lang ung iba kasi pinagkakamalan silang kasabwat dun sa insidente, ewan ko ba pero medyo nainis ako dun sa mga tao. Pinagbibintangan nila ung mga taong medyo, sabihin na nating di kagandahan ung itsura. Ung mga medyo di malinis at pati ung mga may tattoo. Ewan ko ba sa mundong to, ang judgemental.

The Heartstealer (CENSORED).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon