Nakaupo kami ngayon sa upuan sa tapat ng isang botika. Ilang lakad lang ang layo nito mula sa kinatatayuan namin kanina. Tinanong ko sya kung may gamot ba syang kailangan inumin o masakit ba ung pisngi nya kaya kailangan nya ng ointment para dun o kung may anu ba syang kailangan pero ang sabi nya ay ayos na sya, kailangan lang daw nyang magpahinga. Hingi din ako ng hingi ng tawad sa pagkakasampal ko sakanya pero sabi nya ay ayos lang daw, kalimutan nalang daw namin. Tinitignan ko nga ung pisngi nya kung namaga eh, pero buti naman at mukhang hindi naman.
“Di mo pa ba sasagutin yan?” tanong ko kay Maris, kanina pa kasi ring ng ring ung phone nya.
“Sige.” sagot nya sakin. Humigop muna sya ng juice na binili ko para sakanya bago tumayo at naglakad palayo sakin para sagutin ung tawag. Matapos ng ilang minuto ay bumalik din sya agad.
“Kailangan ko ng umuwi.” sabi nya.
“O sige, tawagan mo muna si Gwen para masabi mo kung anu ung nangyari.” dagdag ko. Umiling lang sya. Marahil ay ayaw nyang mag-alala sakanya ang pinsan nya.
“Ok sabi mo eh. Tara abang na tayo ng bus?”
“Ahm, magta-taxi nalang ako." sabi nya. Nagprisinta ako na ako nalang ung maghahanap ng taxi at maghintay muna sya dito kaso di sya pumayag. Mas gusto daw nya na sumama at baka bumalik ung mga lalaki kanina. Oo nga naman? Sira ulo ka ba Gold at di mo naisip un, wew ( -.-)?
Nang makahanap kami ng taxi ay agad ko syang pinasakay. Quarter to 11 nadin nun, base sa wristwatch na suot ko. Pagkabukas ko ng pinto ng taxi ay napansin ko na medyo hesitant syang pumasok. Medyo matagal din syang nakatayo sa tapat ng bukas na pinto ng taxi. “Anu ba? papasok ba kayo o hindi?! Kung nanti-trip lang kayo ay wag nyong sayangin ang oras ko!” sigaw samin nung driver. Napansin kong parang naluluha nanaman si Maris.
“Ah, manong pasensya na po. Papasok na po. Tara na Maris?”, ako na ang unang pumasok at pinasunod na lang si Maris. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya pero dahan-dahan din syang pumasok.
“Ahh, eehh..Hehe, Gusto mo ba ihatid na lang kita sa inyo? Gusto ko kasi masiguro na makakauwi ka ng ligtas eh.” bulong ko sakanya pagkapasok niya. Nakita kong nagulat sya sa sinabi ko, “ay anu, ahh kasi… wala naman akong masamang balak sayo. Ihahatid lang kita, un lang. Gusto ko lang kasi siguraduhin na ligtas ka. Maghahating-gabi narin at dahil baguhan ka dito sa Maynila kaya ayaw ko naman na pabayaan ka lang. Mahirap na kasi eh,” sabi ko, di ko rin kasi makalimutan ung nangyari kanina. Pakiramdam ko ay kasalanan ko ung nangyari dahil iniwan ko sya kaya nabastos siya. “Pero kung ayaw mo di na kita pipilitin. Ayos lang naman.” dagdag ko. Di parin sya kumikibo nun, nakatitig lang sakin kaya inisip ko na ayaw nyang samahan ko sya.
"Ok." Akmang baba na ko ng taxi ng hawakan nya ung braso ko. “Dito ka lang, wag mo kong iwan. Ihatid mo ko samin.” mahinang sabi nya. Napangiti ako sa sinabi nya.
“Gusto mo ba sa harap na ko umupo?” sabi ko kay Maris, baka kasi di sya kumportable na katabi ako. Umiling sya kaya di na ko lumipat ng upuan.
“Anu ba? magliligawan nalang ba kayo o sasabihin nyo sakin kung san kayo papunta?” sita samin nung driver na nakatingin na pala samin.
“Ahh, ehh. Sensya na po manong.” sagot ko. Bumaling naman ako kay Maris para itanong kung san kami pupunta. “Sa Montalban, Rizal.” bulong nya sakin. Nagdadalwang isip pa ung driver na ihatid kami dahil nga sa layo nung lugar pero pumayag din sya ng sabihin ni Maris na dodoblehin nya ung bayad. Agad namang pinaandar ni manong driver ung taxi pagkarinig nun.
Malayo din ung binyahe namin,mga isang oras mahigit din. Pero ang maganda ay walang traffic, marahil dahil nadin sa gabi na. Buong byahe ay di nagsasalita si Maris. Tahimik lang syang nakayuko dun ang mukhang nagtetext. Di ko nalang pinansin ang ginagawa nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/15291495-288-k598640.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heartstealer (CENSORED).
Mystery / ThrillerPAALALA: ITO AY RATED SPG. FOR MATURE PEOPLE ONLY. ITO AY ISANG PSYCHOLOGICAL THRILLER STORY. NAGLALAMAN NG TEMA, LENGWAHE, SEKSWAL, KARAHASAN AT DROGA NA DI ANGKOP SA MGA BATA. PAKIUSAP: BAWAL SA BATA O SA ISIP BATA. SALAMAT. ----------- Ano ang ga...