CHAPTER 2

142 8 11
                                    

“Anu bang bibilhin mo kasi?” tanong ko habang tinitignan ung mga nakahilerang notebook sa mga lalagyan ng mga ito. Napansin ko lang, meron parin palang mga notebook na mukha ng mga artista ang cover. Ayos ah, sabi ko sa sarili ko.

“Wait teka lang…” sabi ni Jc. Di ko alam kung anung ginagawa nya kasi nakatalikod ako sakanya, sa kabilang section sya nakatingin. Busy ako sa pagtingin ng mga notebook ng biglang may naaninag ako sa peripheral vision ko. Napaharap ako sa nakita ko. “sh*t..” bulong ko.

Para akong tinamaan ng kung anu at di ako makagalaw sa kinatatayuan ko , di ko maalis ang paningin ko sakanya.  dugdug  . Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.  dugdug  . Ang ganda.  dugdug  . Hindi sya katangkaran pero may kung anu na nakapagpapaangat sakanya.  dugdug  . Naka-uniform sya kaya sa tingin ko high school palang sya.  dugdug  . Pakapusod ung buhok nya kaya kitang-kita ko ung mapula nyang pingi na lalong tumitingkad dahil sa maputi nyang kutis.  dugdug  . Chinita sya at isa un sa una mong mapapansin sa kanya.  dugdug  . Maganda din ung ilong nya na kahit hindi katangusan ay bumagay sakanyang mukha.  dugdug  . At ang labi, sh*t lang, ang pula.  dugdug  . “Haytz..akin ka nalang miss”, bulong ko.   dugdug. dugdug. dugdug  …..Pero may napansin ako, teka-teka-teka , ako lang ba to o bumabagal ang paggalaw ng mga tao sa paligid ko?  dugdug  . Letse,lakas makabakla nitong pinagsasabi ko.  dugdug  . Anu ba tong puso ko kanina pa ganito to ah, bat ba ang irregular ng heart-beat ko?  dugdug  .Haytz, hayaan mo na, minsan lang toh, eenjoyin ko nalang. Mamaya magpapasalamat ako kay JC at inaya nya ko dito at nakita ko ang “magandang tanawing ito”.

Ang ganda nya talaga, teka, totoo ba to? papalapit ba sya sakin.  dugdug  . Ay naku, ayan nanaman puso ko.   dugdug  . Ay! oo nga. Papalapit sya. Langya, kung sinuswerte ka nga naman oh.  dugdug  . Ayan na sya. Ay teka, nakatingin ba sya sakin?  dugdug  . Ay oo nga! Sakin sya nakatingin at nakangiti pa!!   dugdug  . Ayan na, papalapit na sya.  dugdug  . Teka nakapagpabango naman ako kanina bago umalis ng school so hindi ako mabaho at satingin ko naman ok pa ung amoy ng hininga ko.  dugdug  . Ayan na ilang dipa nalang sya sakin. Paglumapit to makikipagkilala agad ako sakanya, di ako papayag na maunahan ako ni JC, babaero yan eh. Pero teka di ba child abuse to? Hhmmmm, di naman siguro..Di ako pumapatol sa bata pero siguro naman senior na tong high school na to, pwede padin kasi nasa 1st year college palang ako.  dugdug  . Ayan na, malapit na sya, gagandahan ko na ngiti ko, asset ko daw kasi un eh.  dugdug  . Ayan na sya, ayan na sya!!!!..........at.……... at……… at may dinudukot sya sa ilalim ng palda nya?? Ay naku,naku miss..wag dito, makapaghihintay naman ako eh..…..ayan na nilalabas na nya….anu yan miss??naku………yan ba ung,…ung,,,,teka anu un?bat kulay itim? Bakit parang hugis baril??ay oo nga baril un ah!!.laruang baril??bat may ganun sya sa ilalim ng palda nya?? Shop-lifter pa ata to ah. Tsk lang, anu ba yan…maganda nga, magnanakaw naman.. Teka nga, bat dito sya sakin lumalapit. Shoo miss, shooo. Lumayo ka sakin miss. Di na ko naaattract sayo…..Oh no,,ayan na sya, isang hakbang nalang sya sakin..oh tukso layuan mo ako…………………………….teka laruan lang un di ba? eh bat bigla nyang kinasa?.

 Paglapit sakin nung babae ay bumulong ito. “Dapa.” “Ha??” sabi ko, di ko sya naintindihan. Tumingin lang sakin ung babae, “Ang sabi ko, dadapa ka ba o mamamatay ka?!”sabi nya sakin , tumapang bigla mukha nya. “Ha??” di pa ko nakakarecover sa nakita ko ng may narinig akong putok ng kung anu sa likod ko. Lilingon palang ako ng hinawakan bigla nung babae ang balikat ko at pwersahang pinadapa. “T*anga ka ba??sabi ko di ba dumapa ka? Letse muntik pa ko mamatay sayo eh!!”. Nakadapa nadin sya sa tabi ko. “ Teka miss, anu bang nangyayari? Shooting ba to ng pelikula. Sorry di ko alam. Nakakagulo ba kami. Sorry talaga..” Hingi ako ng hingi ng sorry sakanya. “ Oh how I wish palabas lang to!.” Bigla syang tumayo at tinapat ung baril dun sa part kung san ko narinig ung putok at pinaputok dun ung baril na hawak nya. Maya-maya ay tumakbo sya papalapit dun,nawala na sya sa paningin ko nung lumipat sya ng kabilang stall.

The Heartstealer (CENSORED).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon