Chapter 9

8 1 0
                                    

Galit kaya sakin si Rick?  At sino kaya yung hinila niya papalayo? 

Waaaaah!!!  Nababaliw na ko kakaisip ok na kaya siya? ittxt ko na nga lang. sana naman magreply siya huhuhu

To: Ricky baby

I'm sorry di ko Alam na may allergy ka sa chicken .may naglagay kasi ng papel sa locker ko ang sabi favorite mo daw ang chicken adobo I'm sorry sana maayos kana :(

After 5 minutes

.
.
.
10 minutes
.
.
.
30 minutes

Galit nga ata siya di man lang nagreply .dumapa na lang ako sa kama at nagpaikot ikot at umupo nasabunutan ko sarili ko sa sobrang inis sa sarili .

Rickybaby is calling
*kriiiiinnngggg*
*kriiiiiinnnnngggg*

Agad kong kinuha ang phone ko at sinagot ang tawag

"Hello ok ka na ba?  Sorry"

"It's just a mild allergy don't worry baby"

"Sorry talaga"

"I miss you"

Kyaaaaaah!  Kinikilig ako napasayaw sayaw ako sa tuwa yieeeeee

"I miss you too"

"Ok, bye take care baby"

Pinatay na niya yung tawag pero eto ako parang tanga kakangiti halos mapunit na yung mukha ko kakangiti haaaaay Rick grabe ka magpakilig :)

Nagayos na ako at bumaba para makakain na ng breakfast abot  teynga ang ngiti ko na agad napalitan ng pamgamba ng makitang iyak ng iyak si mama nakalagay ang dalawa niyang kamay sa kanyang mukha habang si papa yakap yakap si siya at pilit tinatahan  habang pinipigilang maiyak  na din

Agad akong bumaba ng hagdan upang madamayan si mama at papa

"Pa ano pong nangyari?  Ma ok ka lang ba? "Nagaalala kong tanong niyakap ko si mama at si papa para maramdaman nila na andito lang ako para sa kanila

"Anak nakabangga ng kotse ang papa mo habang nagmomotor siya papunta sana sa palengke para mamili. ang papa mo ang nasaktan at nasugatan pero malaki ang naging damage sa likod ng sasakyan kaya galit na galit ang may-ari ayaw nila magpaareglo at malaki ang hinihinging halaga para sa kabayaran" tuloy tuloy na sabi ni mama at humagulgol na ng iyak

"Ma ok lang yan kaya natin to pwede naman po ako magworking student para makatulong po ako sa inyo ma..saka meron po akong konting naipon Pa please hayaan niyo po ako tumulong sa inyo"naiiyak kong sabi ayoko silang makitang nahihirapan tutulungan ko sila sa abot ng aking makakaya

"Anak di natin kakayanin ang halaga ang pinaka mababang kabayaran ay kalahating Milyon dahil  ang nabangga ko ay Porsche anak mamahaling sasakyan sorry sa problemang dala ko sa Inyo nang mama mo "umiiyak ng sabi ni papa

"Marlon ano nang gagawin natin? "Nagaalalang tanong ni mama

"Abby mahal wag ka nang magalala papakiusapan ko yung nabangga ko kung pwede hulog hulugan natin sila may awa ang Diyos tutulungan niya tayo mahal ko" pilit pinapalakas ni papa ang loob ni mama

"Papa please let me help sasama po ako kakausapin ko din po sila pa please"nagmamakaawa kong sabi

"Anak hindi pwede dito na lang kayo ng mama mo ako ng bahala dito anak wag kang magalala magiging maayos din ang lahat"pilit pinapasigla ni papa ang boses niya pero bakas sa mga mata niya ang lungkot

Umakyat na sa kwarto si mama at si papa naman ay nagaayos para makausap na kung sino man nabangga niya pinapanalangin ko na sana mabait yun animal na yun waaaaaah pero alam kong may pagkakamali din si papa pero diko mapigilang mainis!

Ano nang gagawin namin nito bahala na nga Diyos ko gabayan mo po ako nagmamakaawa po ako

Umakyat si papa para magbihis dahan dahan akong lumabas at sumakay sa likod ng sasakyan sumiksik ako sa sahig para di ako mapansin ni papa kahit anong mangyari dapat magkausap kami kung sino man siya

Nang magstart na ang sasakyan naming nanalangin ako ng Paulit ulit na sana pagbigyan kami na hulog hulugan ang damage ng sasakyan

nang huminto na ang sasakyan ni papa at narinig ang pagbukas at Sara ng pinto napahinga ako nang malalim makalipas ang limang minuto dahan dahan akong bumaba at naginat inat dahil nangalay ako sa pwesto ko

"Aray!  Ang sakit ng balakang ko "mahinamg bulong ko sa sarili

Nasan na kaya si papa dapat makausap ko din yung nabangga ni papa kung kailangang lumuhod luluhod ako wag ko lang makitang nahihirapan si mama at papa bilang anak obligasyon ko na pagaanin ang problemang dinadala nila

Naglakad lakad ako ang ganda ng masyon may maliit na fountain na may angel sa gitna nagiiba iba ang ilaw ng fountain kaya masarap titigan

"Hindi maari!  Anong tingin niyo sa sasakyan ko basta basta lang?  Mumurahin lang?  Alam mo bang yun ang paburito kong sasakyan pero ano piningkot mo lang dahil sa katangahan mo!"galit na galit na sabi ng lalaki nasa edad 32 na siguro at dinuduro ngayon si papa "aaaaaahhhh!!!!!!  Go*d dam*** I*"inis na sabi ng lalaki

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko nakaluhod si papa at nakayuko habang binubulyawan at dinuduro  ng isang lalaki kaya agad akong tumakbo  papunta Kay papa at lumuhod din habang umiiyak

"Sorry po please bigyan niyo po kami ng sapat na panahon para makabayad kung di po kayo papayag ng hulugan please"nagmamakaawa kong sabi Sana pumayag siya ang gwapo sana at yummy animal lang ang paguugali!

Gulat namang napatingin sakin si papa at ang lalaking Nasa harap namin. agad akong niyakap ni papa at hinagod ang likod ko

"Anak anong ginagawa mo dito?  Asan ang mama mo?di mo na to dapat gawin magiging maayos din ang lahat"umiiyak na sabi ni papa habang yakap yakap ako

"At ano to ? Teleserye?  Nagpapaawa pa kayo mag-ama!  Your just wasting my time!  Di mababayaran nang kadramahan niyo ang sasakyan ko! Magsilayas na kayo!"galit na bulyaw ng lalaki

Bumitaw na ako sa pagkakayakap kay papa alam kong may sakit si mama at ang tanging paraan upang maipagamot si mama ay ang ibenta ang bahay namin pero kung mababawasan pa Ito ng malaking halaga Baka kulangin kami kailangan kong gumawa ng paraan

Tumayo ako at nagangat ng paningin pero laking gulat ko nang makita ang pamilyar na mga mata na ngayon seryosong nakatitig sakin

Bakit sa dinami dami ng Tao palagi siya ang kinakabwisitan ko?

Bakit sa dami ng lugar siya ang nakakasalubong ko? 

Bakit pati sa ganitong sitwasyon siya pa din ang makikita ko?



———————
Please vote and comment  po

             (:  ----------Denella---------- :)

















Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon