Chapter 2

7 0 0
                                    

****

Puro Korean. May naririnig akong naguusap ng korean. Dalawang boses lalaki. Nanonosebleed ako sa naririnig ko pero salamat agad sa nagdala sakin dito at iba na ang kapaligiran ko. Atleast di ako nagising na nandun sa kalsadang yun, nagiisa, at nawawala parin.

Nagmulat ako ng mata, argh. Bigla akong nahilo pagdilat ko. Bumungad sakin ang kisame ng---ospital? Nasa ospital ako? Oo nga, nasa ospital ako. Malala ba nangyari sakin? Sino kaya nagdala sakin dito? Marunong kaya magEnglish yun? Utang na loob pagod na pagod na akong maghanap Korea. What did u do to me? Huhuhu. Buti nalang at medyo napahinga ako ngayon kasi nakahiga ako sa kama. Straight 3-4 hours ata yun, nagpaikot-ikot lang ako.

Napansin ko ang isang lalaki na nakaupo sa sofa di kalayuan sa kama na nakadekwatro at nakain ng apple. Matangkad sya at medyo may kalakihan ang katawan. Matapang ang dating ng mata nya at yung buhok nya, malinis na nakaayos pataas. May parang aura sakanya na madaling manapak pag naasar kaso salubong ang kilay nya kumakain lang ng mansanas habang nakatingin sa kawalan. Pogi naman sya, yup. Wala na nga kong makain nakuha ko pang lumandi. Tss. Bad, Cassidy Jane, bad. Pero napatingin ako sa kanya at napansin naman nyang gising na ko. Nagtawag naman sya ng isang doctor at narinig ko na Korean ang sinabi nya. Huhuhu hindi sya makapagsalita ng English. Paano na ako mabubuhay nito?

Lumapit sakin yung doctor at may chineck sa aking kung anong keme. Sinabihan nya ako at tinanong ng kung ano pero di ko sya naintindihan. Napansin ata yun ni kuyang apple at sinabi sa kanya na di ako nakakaintindi ng Korean. Nag-usap pa sila. Ano po bang kasalanan ko at ganto kasaklap ang balik? Huhuhu. Napapikit ako sa pagiisip sa naging kinahinatnan ko. Ginagawa ko lang naman yung nararapat ah.

"Hey, the doctor is asking you if you're feeling pain in some part of your body." Bigla akong napamulat ng marinig ang pagsasalita ni koya. Halu-halong ang naramdaman ko grabe! Gulat, excite, pag-asa, tuwa, asar, self-pity, ano pa ba? Naiiyak ako kasi at last, may makakaintindi na saakin at may tutulong. Ang fluent nya magsalita ng English ah? Yung may medj American accent pa na dere-deretso. Shet nayan. Mapapamura kana lang talaga! Ano ba itong nangyayari sa buhay ko?

"N-no. I'm fine, thank you sir." Naiiyak kong sabi. Juskopo, yung hirap ko--- gusto ko pa syang dakdakan ng pasasalamat sa kanya kasi talagang abot langit ang pasasalamat ko sakanya ngayon pero wala pa kong energy na gawin yun. Kaya paggaling ko nalang.

"Come on, we're almost the same age. No need to call me sir." Nakangiting sabi nya at ngumiti ako pabalik. Ano gusto mo oppa?

"But you're welcome. The doctor said that since you're already awake, you can now eat foods and rest more after to regain yourself. He wants to tell you that you were overfatigue and your wound at your forehead was dangerous if it wasn't brought to hospital right away. All thanks to me." Sabi nya saka hinawi ang buhok nya't mas siningkitan pa yung mata nya. NagWhooo sya at may sinabing Korean na tumawa naman si doctor. May sinabi rin si doctor bago nagbow. Ngumiti ako, aalis na ata sya.

"Thankyou. And thankyou, doctor." Sabi ko. Nagbow rin ako ng berilayt. Naintindihan nya naman ata kasi ngumiti sya bago umalis.

Beneath the Surreal ComplexitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon