"Ano, Sam, sagot!"
"Bala yan o saksak?!" Yari talaga ako. Mga beastmode na sila at ramdam ko ang unti-unting paginit ng ulo nila. Gusto ko sanang sabihan sila na kumalma pero para naman akong nagturo nun na magsulat ang isda. Ganun kaimposible. Ganun kawalang sense.
"Saksak." Sagot ko at magrereact na sana sila pero naunahan ko sila.
"Ganto yoooon! Teka. May isang bata kasi akong nakita nung isang araw, mga parang nasa 13 o 14 years old yun, napakabastos. Saakin at sa ibang tao dun. As in magiinit talaga bungo mo, maniwala kayo sakin. Ganun ka gago yung bata. Edi binanatan ko." Pagkekwento ko at binatukan nila akong dalawa.
"Gago bat ka pumatol sa bata?!"
"Di nalang pinalampas neto eh."
"Eh nag-init nga ulo ko eh. Pramis pag kayo rin nasa sitwasyon na yun, papatulan nyo na rin. Atsaka may binastos rin na babae na nasa tapat ko, eh alam nyo naman na hindi natin kayang makakita ng ganun kasi naaalala natin si Ate tsaka si Mama. Eh nakakaawa yung babae, helpless na. Pinigilan ko yung bata, eh nang-asar pa yung hayop na batang yun." Pagpapatuloy ko.
"Binanatan mo?"
"Oo, eh yun gusto nya eh."
"Edi anong nangyari?"
"Eh ang gago bago ko pinaalis sinabing may grupo raw sya. Isusumbong nya raw ako. Sabi ko nga sasamahan ko sya, akala ko bata bata na grupo lang. Ayos rin, grupong basagulero rin."
"Sunod?"
"Edi binalikan ako nung grupo nya. Pinagbuhulbuhol ko sila, mga 'tol. Solo pa nga 'ko nun, wala pa yung grupo ko eh. Eh ang entrada nung isa, gago, sa likod. Nasaksak ako agad."
"Eh kaya..."
"Tol, dapat pag-aralan mo yun. Pagkatapos nyan sa likod ka na parating dadalihin makita mo."
"Oo nga eh. Pero teka lang, mga tol, di pa ko tapos."
"Oh?"
"May biglang tumulong saakin nung napabagsak na ko. Napakaangas nya, mga 'tol! Pramis! Niligpit nya yung iba pang natirang ilan tapos sinaksak nya yung nanaksak sakin. Dinala pa ako sa ospital. Napakagara, mga 'tol! Nakabusiness suit sya na pula tas sinakay ako sa kotse nya na parang Ferrari 'tol! tas VIP pa yung room na kinuha."
"Oh?! bigatin, tol."
"Dat hiniram mo na! Sayang opportunity."
"Nakakwentuhan ko pa sya nang berilayt sa ospital. tuturuan nya pa nga raw ako mamaster yung patalikod eh. Eh umalis rin agad kasi may kailangan raw puntahan, tauhan nya ata yung nagsabi sakin, dinalhan ako ng pagkain tapos ang sabi ayos na raw yung bayarin run. Kaya kumpleto ako ng gamot.
"Ayos."
"Eh sino daw sya?"
"Di ko nga natanong pangalan eh. Asar."
"Kaya ka pala di palakilos netong mga nakaraang araw ah."
"Oo, tol. masakit." Sagot ko tas napalingon ako sa orasan.
"Si ate ngapala nakauwi na? Alas dos na ah." kunot noo kong sabi.
"Di pa. Eh pinaalam ni Meena at Lance kay Mama eh. May pupuntahan raw sila. Anong oras na nga eh." salubong ang kilay rin na sagot ni Kuya Abe.
"Si Mama tulog na?"
"Malamang."
Nagsalita rin si Kuya Jax, "Pauwiin nyo na nga si ate. Contactin nyo na." May bahid ng pagkairitable yung pagkakasabi nya.