After 3 days.....
Sam's POV
Wala kaming klase kaya uuwi na ako. Naglalakad ako habang hawak ang isang paubos ng yosi at papunta sa isang tindahan para bumili ng candy. Napansin ko naman sa di-kalayuan na tagong lugar ang mga lalaki na namumukhaan ko. Mga galing sa kabilang grupo. Napangisi ako. Nagsumbong nga yung bata nilang binanatan ko nung isang araw. Duwag.
Sinabi ko na sa tindera yung gusto kong bilhin at nang maibigay nya na, kinain ko yun at naglakad papunta sa direksyon nila. Wag kayong ano ha, goodboy ako. Doon kasi daan ko kaya malamang dun ako maglakad. Sshh lang kayo ah.
"Binanatan mo raw yung kabrad namin ah?" Tanong sakin nung isa.
"Tagal na, 'tol. Bat ngayon nyo lang nalaman?" sagot ko at agad na nanggagalaiting nanuntok yung isa. Inilagan ko naman.
At isa-isa na silang sumugod at doon na rin ako nagsimulang magbigay nang suntok. Tss. Sabi ko mabait ako eh. Wag kayong judgmental dyan ah. Easyhan nyo lang, di ako nauna.
Sa tatlong sumugod pa sa akin ay pinadugo ko na ang nguso nila. Nakakaasar eh gusto ko nang umuwi eh. Inaantok kaya ako. Etong mga hayop na 'to istorbo eh.
Nang malinis ang mga nasa harapan ko ay dalawa nalang ang natira. Bumungad saakin ang isang taong gigil na gigil ako. Uy, nagpakita rin ang gago ng 'to oh. Ilang araw rin nagtago 'to eh. Atat na atat na kong makitang nakahandusay 'to eh.
Kaya agad kong sinuntok nang malakas ang isa at kinuweluhan sya. This is the moment, guys. Sinikmuraan ko na sya agad para walang palag at tinuhuran sa tyan. Bago ko sinuntok ng sinuntok nang malakas ang pagmumukha nya at dumudugo na ang bibig nya. Di nya ata alam kung pano yung inis ko sakanya eh, ngayon alam na nya.
"Hayop ka, Sam Ezrael!!!" Rinig kong sigaw mula sa likod ko at nakita ko ang isang lalaki na may hawak na kutsilyo at agad nya akong sinaksak sa tagiliran. Naramdaman ko ang hapdi at sakit na galing doon at nakita ko ang mga dugo na lumabas roon. Nanginginig kong tinaas ang gitnang daliri ko sakanya at minuwestra sa bibig ko ang salitang 'Pakyu' na with feelings. Babalikan ko 'tong gagong 'to. Itaga nyo sa bato, dudurugin ko kaluluwa neto. Bumagsak ako sa lapag dahil hindi ko na kaya ang sakit.
Nakita ko naman ang isang lalaki na nakashades at cap habang nakabusiness suit na biglang tumakbo palapit sa direksyon namin. Sinaksak nya yung nanaksak sakin ng kutsilyo na ginamit sakin at niligpit yung iba na manunugod pa. Kitang kita ko yung mga galaw nya na parang bihasa sa pakikipag basag-ulo. Angas. Idol ko na 'to matic.
Matapos nun ay agad syang lumapit saakin. Inakay nya ako palabas sa tagong lugar na yun kung nasaan andun ang isang sasakyan na magara. Pero masakit yung saksak sakin hayop, ewan ko nga bat nakakapagkwento pa ako eh. May malay pa kasi ako mga brad. Sinagot ko na yung tanong ko ah.
Edi yun na nga, sinakay nya ko sa kotse nya at hindi ko na naintindi yung loob nung kotse nya kasi walang biro yung sakit. Ikaw nga masaksak? Makita natin. Pero hindi ko alam kung bakit ba ko tinutulungan nito. Di ko naman kilala 'to. Pinaharurot nya yung sasakyan nya at hinubad yung sumbrero nya. Lodi.
DINALA nya ako sa ospital at bago bumaba, nagsuot pa sya ng face mask. Mabilis nya akong pinaasikaso sa mga andun at nang makapasok na sa loob, pinatignan na yung saksak sakin. Ilang saglit pa, nasa isang kwarto na ako na binayaran nya. VIP pa ata 'to. Nahiya tuloy ako bigla. Yung tipong parang hindi ako makasandal nang ayos sa kinahihigaan ko at gusto kong tumakbo sa mga ordinaryong kwarto dito.
Pumasok sya ng kwarto at sinarado ang pinto. Hinubad nya na ang shades nya at face mask.
"Bat nagtatago ka ng mukha?" Punong kyuriosidad kong tanong.
"Wala lang." sagot nya na hinayaan ko nalang pero naiintriga parin ako.
"Ano, w-wala akong pambayad sayo dito. Ang mahal ata kasi dito eh."
"Hindi naman kita sinisingil, ah? Magpahinga ka lang dyan, wag kang makulit."
"Salamat ngapala kanina ah."
"You're welcome."
"Salamat rin sinugatan mo ng pauna yung gago na yun. Pero babalikan ko pa yun."
"Tama yun. Pero ba't di mo naramdaman na may tao sa likod mo?"
"Mahina ako sa likod eh. Sa harapan kaya ko makipagpatayan pero tagilid ako sa likod." Yamot kong sabi.
"Kailangan mong matuto nun. Madadali ka parati pag di mo pinag-aralan yun."
"Ang angas mo ngapala kanina, tol. Grabe! Turuan mo ko nung mga ginawa mo ah."
"oo sige. Maangas ba?"
"Oo naman no, grabe! Parang bakal yang kamao mo. Astig!"
"Syasya, kukunan muna kita ng makakain. Magpahinga ka dyan."
"Salamat ha." sabi ko saka sya lumabas ng kwarto. Narinig ko pa yung sinabi nya sa paglabas nya.
"Hanggang sa kapatid, sa ospital ko makilala. Ay buhay."
Napataas ako ng kilay, hala sya. Nananaginip ata yun. Pero may isang bagay akong napagtanto.
Hindi ko pala natanong pangalan nya. Wtf.
Mayamaya pa'y may isang lalaki na naka business suit rin ang pumasok at may dalang pagkain. Asan na si Lodi?
"He needs to go so he just asked me to bring your foods here. He told me to say that he's sorry that he wasn't able to tell you that he's going. Because something came up and he need to do urgent matters."
Nagulat ako nang berilayt. Inglisero?
"It's okay, I understand. Thank you."
"He told me to say that he wants you to rest and eat your food and follow the doctor's orders. You'll be discharge shortly and you wouldn't stay for a day. The hospital bills were settled so there's no need for you to worry."
"Thank you, sir."
"Here's your food, Mr. Eat well." nakangiting sabi nya at ngumiti rin ako nang pasasalamat.
"I'll go ahead, sir. I'm also needed there."
"Thank you, sir. And sorry for disturbing you both."
"No worries." sabi nya at sumaludo pa sya gamit ang dalawang daliri nya bago lumabas.
Iniwan na nila ako. At dahil masunurin ako, kinain ko na yung mga pagkain. Habang kumakain ay tinignan ko ang cellphone ko. Hindi ko nalang sasabihin kila Mama at Ate. Mababaw lang naman 'to eh. Nagpatugtog na lang ako habang kumakain at inenjoy yun. Masarap ah. Sakto rin pala dahil maaga-aga pa naman, pagkatapos ay matutulog rin ako. Ayos.
Paggising ko ay sakto naman pasok nang doktor at sinabing pwede na daw ako magdischarge. Sinabihan nya rin ako ng mga bawal gawin dahil sariwa pa yung sugat ko. Tapos linisin ko regularly, binigyan ako ng gamot at kung anu-ano pa. Nagpasalamat ako sa doktor at nag-ayos na ng sarili para sa pag-uwi ko. Sakto, oras na ng pagtapos ng klase ko sa usual na araw. Kaya umalis na rin ako sa ospital na yun.