The next morning...
Cassidy's POV
Wala akong ginawa kundi ang magpakasubsob sa trabaho. Inayos ko yung mga paperworks, yung proposal na yun nireview ko, lahat inasikaso ko kaya sa sobrang busy ko ay dalawang beses na akong hindi nakakasabay kila Meena. Pinasok na nga nila ako kahapon sa office eh, pero pinakiusapan ko lang sila kasi may kailangan lang ako asikasuhin. Diko pa nga rin makwento sakanila eh. Kaya parang anytime magbebreakdown na ako sa taranta kasi lahat iniisip ko. Solo ko yung problemang 'to at yung mga naiisip kong solusyon, feeling ko hindi enough. Dami ko pa namang kailangang ayusin. Like, kailangang mapapayag yung taong yun sa proposal, iniisip ko kung paano macoconvince at papatayin yun, dapat maging perfect ang gagawin ko, at kung anu-ano pa.
Asar kong binitawan yung hawak kong papeles at huminga nang malalim.
"AAAAAAAHHHHHHHHHH!" Sigaw ko saka napapikit. Nakakastress kana syet ka.
Focus, Cassidy, focus.
Bigla naman akong napalingon nang may malakas na pagbukas ng pinto ng office ko at pumasok si Lance at Meena na mga kala mo makikipagsagupaan sa digmaan.
"This is enough, Cassidy Jane!" Sabi ni Meena.
"Oo nga! Iwan mo yang mga papeles mo at aalis tayo! You didn't notice na gabi na, bruha ka!" Dagdag ni Lance.
"We knew you've been going through something these past few days and we can't bear it anymore na sinosolo mo yang problema mo. Aren't we your friends?!"
"Guys, come on. it's not like---"
Hinatak na ako patayo ni baklang Lance at sumagot. "Maghahanap tayong papa! Walang reklamo! Lezgora na!"
"Ayy beks bawal ako maghanap ano ka ba." Sagot ni Meena.
"Hindi ikaw, bakla ka. Jojombagin ko ang shorlamez mo eh, blooming ka netong mga nakaraang araw di ka mukhang witchez, tapos sasabat ka gaga ka."
"Sabi ko nga eh, sabi ko nga." Kinikilig na sagot ni Meena. Gagang 'to ah, nasuko na ata ang bataan netong bruhang to ah.
"Alam ko na iniisip mo, pops. jusko, it's not like that." Sagot nya. Nagtaas naman ako ng kilay bago tumawa.
"Defensive? Wala pa kong nasasabi rito oh?" At natawa naman kami.
"So ano na mga bakla? Change topic na tayo ganern?" Sabat ni Lance.
"Halika na kasi! Susugud-sugod kayo dito tas mawawala kayo sa focus, omyghad!" Kunyaring maarteng sabi ko saka naglakad sa unahan nila.
Pabiro namang hinatak ni Lance ang buhok ko.
"Ikaw kasi ang nagsimula neto eh bakla ka."
DINALA lang naman nila ako sa bar. Jusko. Kaya pala maghahanap raw kami ng papa, baliw talaga. Pero wala akong balak. Magaalis lang ako nang stress.
Uminom ako sa hawak kong baso at nilingon naman ako nang dalawa. Iinom narin si Meena nang pinigilan sya ni Lance.
"Wooops! Di ka iinom, ikaw driver."
"Baklaaaa ang sama mo sakin!"
"Masaya ka na sa buhay mo, kami hindi pa kaya shh ka lang dyan." Bumaling naman sya sakin.
"Sya, kwento kwento na, popshieboom."
"Oo nga? Bat ka ba kasi biglang sumubsob sa trabaho mo? And mind you, nalaman naming pinatawag ka ni Mr. Sullivan days ago."
Napabuntunghininga ako. This is it. Sasabihin ko na sakanila.
"Ganto. Tinanong na ako ni Sir kung anong nangyari sa bakasyon kuno ko don, pero nilinaw ko sakanya yung nga nangyari doon. Tapos binigyan ako ng hint ni Mr. Sullivan na yung taong nagsabi sakanya na nagbabakasyon pa ako sa Korea, ay isa sa mga big boss na pupunta sa Intelliwealth next week."