Cassidy's POV
"Bakit ka iniwan ni Meena?"
"Bakit hindi ka na umuwi nung wala na si Meena?"
"Bakit ka naglasing?"
Tanong nung tatlo habang iniinom ko ang kape ko. Jusko daig pa nila si Mama.
"Paano kung masamang tao yung nag-asikaso sayo?"
"Pano kung napagsamantalahan ka?"
"Paano kung ninakawan ka pa, ha ate? Sagot!"
Binaba ko yung kape ko bago nagsalita.
"Teka lang kasiii. Ganto ha? Nung kinailangan nang umuwi ni Lance, si Meena after an hour, nagkaroon rin ng dapat na aasikasuhin. Hindi nya raw pwedeng ipagpabukas eh, pinapauwi na nga rin ako pero sabi ko wag muna. Kahit mauna na lang sya. Edi yun umuwi na sya."
Tatlong unan ang tumama sakin. Isa sa balikat, isa sa hita, isa sa tagiliran.
"Bat ka pa nagpaiwan?!"
"Di mo ba alam kung anong oras na yon?"
"Bakit di ka na lang rin umuwi?"
"Wala lang. Para makarelax rin ako no! Atsaka makapagisip-isip nang berilayt. Ang sarap rin pala maggala mag-isa eh no? Marami kang time para sa sarili mo." sagot ko at inangatan lang nila ako ng kilay. Forgiven na ko nyan. Matic.
Fastforward.....
Monday Morning; The day of the big bosses' arrival.
Kasalukuyan akong nasa cr ng company. Napatingin ako sa sarili ko sa harap ng salamin. This is it. Haharapin ko na sila. Kailangan maging maayos ang impression ko sa big boss na yun dahil kailangan ko paring magpanggap na walang alam sa ginawa nya para mapaayos ang proposal sa pagitan ng Intelliwealth at sakanya. Kailangan kong magpakaprofessional sa harap nya.
"AAAARGGGHH!!!" Frustrated kong sigaw. Halu-halo ang nararamdaman ko. Kinakabahan, ninenerbyos, natatakot. Ugh. Focus!
Focus, Cassidy. Focus. Marami kang dapat isaalang-alang rito. Hindi ka dapat magpadala sa emosyon mo, pag sakaling nakita mo sya at kahit gaano kasama ugali nun, kayanin mo. Iset straight mo yung goals mo. You must succeed. Hindi ka pwedeng pumalya.
Napahinga ako ng malalim. Hindi pwedeng maging hadlang 'tong mga nararamdaman ko sa kailangan kong gawin. May task ako na kailangang tapusin. Hindi pwedeng matalo ako sa isang taong tingin lang sa lahat nang 'to ay trip-trip lang.
Inayos ko ang damit ko at naglakad papunta sa conference room kasi naandun na raw lahat. Habang naglalakad ako ay nakita ko pang nag-aabang sa labas ng conference room sina Meena, Lance at Jake. Lumapit naman ako agad sakanila.
"Mga paaaaps kinakabahan akooooo!" sabi ko sakanila at niyakap naman nila ako.
"Keri mo yan, popshyboom! Harapin mo na si chorvalu biliiis!" sabi ni Lance
"Oo nga pops. Kaya mo yan. Ang kailangan mo lang gawin ay harapin na sya." dagdag ni Meena
"Andito lang kami, Cas. Go, kaya mo yan!" sabi rin ni Jake.
"Salamat ha."
"Huminga ka nang malalim, beks. Tapos tumalon ka. And then after nun, dumerederetso ka na ng rampa." payo ni Lance at nagsimula na akong huminga ng malalim.
"We're just a call away, pops. Easyhan mo lang." saad rin ni Meena habang tumalon ako ng tatlong beses. Kiber na sa mga tao sa paligid.
"Oh, ayan. Popshyboom. Go!" sigaw ni Lance hudyat para tumalikod na ako at maglakad. Kumaway naman ako kahit nakatalikod na ako at napangiti ako sa mga sinisigaw nila.