Chapter 4

55 2 0
                                    

Nandito kami sa Loob ng Elevator. Kami lang dalawa sa loob, Naalala ko yung Nabasa ko nung Isang araw.

Yung dalawang Bida naghalikan sa Loob ng Elevator ! Di kaya.. Di kaya ??

"Shan ~" Tawag sakin ni Sean. Syet, tumataas balahibo ko at Bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing sinasabi niya pangalan ko.

"Ba-Bakit ?" Tanong ko. Ngunit Hindi siya nag sasalita.

Palapit ng palapit ang mukha nya sa akin.. Nararamdaman ko na ang Init ng Hininga nya sa leeg ko.. At dahil dun, Tumaas ang balahibo ko sa Batok.

"Hmmm.. ang bango mo.. Hmmmm" Bulong niya.

Matapos niyang amuyin ang leeg ko, tumapat naman ang mukha nya sa Mukha ko. Naaamoy ko ang hininga niya.. Ang bango ~ Hmmm.

Unti-Unting Lumapapit ang kanyang Labi sa labi ko.

Eto na, Eto na ! Malapit na niya akong mahalikan.. This is it !

Nanatili pa rin akong nakapikit.

"Shan"

Huh ? Sino yun ? Atsaka bakit ang tagal ng kiss ni Sean ?

"Shan"

Sino ba yun ?! Dinilat ko ang isang mata ko, pero nakita ko si Sean sa labas ng Elevator.

"Shan, ano ba ?! Hindi ka ba lalabas dyan ? Gusto mo dyan ka na tumira ?" Sabi ni Sean. Na may naiiritang Aura.

"Huh ? Ha ? Wa-Walang Kiss ?" Tanong ko sa kanya ?

"Anong Kiss ? Asa namang Halikan kita" Sabi niya ng nakakunot pa rin ang noo.

"Ibig sabihin nag Day Dream ako ?" Tanong ko Ulit sa kaniya.

"Aba malay ko sayo. Lumabas ka na nga dyan ! Ang dami mong tanong eh" Sabi niya. Kaya Sumunod na lang ako sa kaniya at Lumabas. Habang papunta kami sa kwarto ni Baby Coleen hindi ko maiwasabg Hindi mag Tantrums.

Ang daya naman eh. Daydream lang ba talaga yun ? Sayang :3

"Wala ba talagang Kiss na magaganap ?" Tanong ko sa sarili ko habang nakahawak sa labi ko.

"Hoy Baliw. Sinong kausap mo ? Kanina ka pa Sabi ng sabi ng Kiss" Sabi ni Sean habang nakakunot pa rin ang noo.

"Ah ? Ahh.. wala. Wala." Sabi ko sabay pa iling iling.

"Alm mo kung gusto mo talaga ng Kiss..." bulong niya sa tenga ko. And this time totoo ng Nararamdaman ko ang hininga niya sa leeg ko. "Pwede namang..." Hala ! Baka hahalikan niya ako.

Lord ! Thank you in Advance ! I Love You Talaga. Muah Muah !

"Pwede namang..." Sabi niya ulit.

"Pwe-Pwedeng A-Ano ?" Nauutal kong tanong.

"Pwede namang..." Ulit niya.

"Pwede ngang ano ?!" Taeng yan ! Ang tagal eh.

"Pwede namang IKIS KIS mo yang nguso mo sa pader !" Sigaw nya sa mukha ko.

Ewwww, ang daming laway. Shits.

"Kadiri ka ! Yung laway mo talsik ! Atsaka bakit ko naman ikikis kis nguso ko sa pader ?! Ano ako tanga ?!" Sigaw ko sa kanya Habang hinahanap yung panyo ko.

"Oh ito gamitin mo" Binigay niya sakin yung panyo niya sabay umalis na siya.

Pag kaalis niya ay hindi ko na napigilang hindi sumigaw.

The Famous HeartBreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon