Chapter 9

45 0 0
                                    

"Betray a friend, and you'll often find you have ruined yourself"

- Aesop. Aesop's Fables

**

Nagising ako pero nasa byahe pa rin kami ni Sean.

Ang sakit ng mata ko. Jeez, kasalanan to nung mga traydor na yun eh.

"Asan na tayo ?" Sabi ko sa kanya sabay hikab.

"Nasa Daan pa papuntang Tagaytay. Gutom ka na ba?" Tanong niya.

"Ano Tagaytay ?" Nanlalaking Matang tanong ko.

"Oo" Walang ganang sagot niya.

"Akala ko ba sa condo mo lang ? bakit sa Tagaytay ?" Naguguluhang sagot ko.

"Oo nga" Sabi niya.

"Eh bakit nga sa Tagaytay ??" Tae naman oh, ayaw sumagot ng maayos. Kayamot eh.

"Nasa Tagaytay pa yung Condo ko." Sabi niya.

"Ahh.." Sabi ko sabay patango tango.

*Kruuu ~ Kruuu ~*

"Haha, gutom ka na nga. Saan mo gusto kumain ?" Tanong niya habang nataawa tawa.

May nakita naman akong Hilera ng  Karinderya sa di kalayuan.

"Dun na lang sa Kariderya"Sabi ko sabay turo nung Hilera Kariderya. Kaya naman natigilan siya sa pagtawa.

"Bakit sa Karinderya pa ? Pwede naman sa KFC at McDo ah ? Malapit lang yun dito pigilan mo na lang muna yang gutom mo" Habang nagsasalita siya nakikita ko ang uneasiness sa mga mata niya.

"No, Gusto ko sa Karinderya. Gusto ko ng Adobong Pusit" Pag iinsist ko sa kanya.

"Jeez. Okay Fine" Napipilitang sagot niya. Ang cute ng expression niya pero hindi ko kayang matawa. Hindi ko pa kaya, dadating din tayo sa panahon na kayang kaya ko nang tumawa ng wala inaalala.

Nagpark na rin si Sean sa Tapat ng mga karinderyang nakahilera.

Paglabas namin, Andami kaagad na lumapit saming mga tindero at tindera.

"Miss miss, bilhin mo na to 100 para sa 5. Eto free taste oh. Sariling gawa ko yan. Bumili ka na" Sabi nung ale at pilit na inaabot sakin yung Espasol nya.

"Kuya kuya. Bilhin mo na to oh. 100 para sa Anim. May mga Buko Pie pa ako. Masarap yan"  Sabi naman nung lalaki na mas matanda ata ng kaunti samin.

"Jeez ! Get away from me ! Your Irritating." Sigaw ni Sean kaya parang biglang tumahimik sa Lugar na yun.

Ang tanging naririning na lang ay yung mga Pinggan at Kutsara.

"A-Ah, Pasensya na po kayo ha ? Bibilhin ko na po yan lahat. Magkano po ba ?" Tanong ko dun sa dalawang tindero at tindera na nagtitinda ng Espasol at Buko Pie.

"400 sakin" Sabi nung babaeng nagtitinda sakin.

"550 sakin" Sabi sakin nung nagtitinda kay Sean.

"Sige po, bilhin ko na lahat yan" Sabi ko sabay abot ng 400 sa Babae at dun naman sa lalaki ay 600.

"Keep the na lang po. Hati na lang po kayo. Salamat" Sabi ko sabay hila kay Sean.

"Ano ka ba naman ? Ang sungit sungit mo talaga" sabi ko sa kanya.

"Wala kang pakielam" Bwisit, ang sungit talaga.

"Ate ano pong order nyo ?" Tanong ng isang babae.

"Hmm, isang order nga po ng Adobong pusit at Halo-Halo at Isang Soft Drinks" Sabi ko.

The Famous HeartBreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon