"Sean ?" Sumilip ako sa may kama niya.
Nakita ko namang mahimbing siyang natutulog.
Ang gwapo talaga nitong lalaking 'to. Hayy.
Pero habang tinitignan ko si Sean, may pumasok bigla sa isip ko at nagpawala ng mga ngiti sa labi ko.
Ang lalaking nanakit sa akin at ang kaibigan kong pinagkatiwalaan ko.
Ang araw kung kailan una kong naramdaman ang Sinasabi nilang Pagmamahal..
Kasama ko si Acee ngayon Papuntang Bahay nila. At sa pagkakaalam ko, mga katulong lang ang kasama niya sa malaking bahay nilang iyon.
Naawa ako para sa boyfriend ko. Kaya gagawin ko ang lahat mapasaya lamang siya at maparamdam sa kaniya na Hindi siya nag iisa.
"Ang Lalim naman ang iniisip mo loves." Sabi niya habang nakahawak sa kamay ko ngunit ang tingin ay sa Daan lamang.
Tinignan ko lang siya at Tumingin rin siya sakin sabay ngiti.
"Ako ba 'yang iniisip mo ?" Nakangiti niyang tanong sa akin.
"Hala pa'no mo nalaman ? Hahaha." Nakangiting tanong ko sa kanya pabalik.
Napansin ko namang parang nagpipigil ng ngiti si Acee dahil yung cheekbones niya ay nangingig.
Simpleng Gesture, pero masaya na ako dun. Masaya akong napapakilig ko siya.
"Andito na tayo." Nakangiting sambit niya.
Unang beses kong makapunta dito sa bahay nila. Kaya't masasabing kong, malaki ito. Mas malaki sa bahay namin.
Pagka park niya ay pumasok na kami sa loob ng bahay nila.
"Good Morning Ma'am Sir." Nakayukong bati ng isa sa katulong na nakasalubong namin.
"Yaya, padala na lang ho ng Pagkain sa kwarto ko. Salamat." Sabi ni Acee sa katulong at hinila na ako paakyat sa hagdan.
"Upo ka muna. Magpapalit lang ako ng T-shirt." Utos niya sakin at pumunta na sa closet niya.
Sinunod ko naman agad yun at umupo na sa gilid ng kama.
Inilibot ko naman ang nga mata ko sa Buong kwarto niya.
Kapansin pansin ang Mga medals na nakasabit. Karamihan dito ay Medals sa MVP Basketball.
Ang painting ng kwarto niya at Light Blue at ang lapag naman ay Carpeted. Dark blue naman ito.
Napaka Manly ng kwarto niya. Sobrang linis.
"Hey.." Nagulat naman ako sa biglang pagtabi sa akin ni Acee.
"Loves, ang lalim nanaman ng iniisip mo." Sabi nito sa akin at iniipit ang buhok ko sa tenga ko sabay akbay.
Nginitian ko siya.
"Ang linis ng kwarto mo parang hindi lalaki ang may ari haha." Sabi ko habang nakatingin sa kabuuan ng kwarto niya.
"Ah ganon.." Pagkasabi niya noon ay kiniloti na niya ako.
"HAHAHAHAHHAA ! Acee stop ! Hahahhahaha loves tama na hahahhaha !" Napahiga na ako sa kama sa sobrang kakaiwas ko sa kiliti niya ngunit sobrang lakas niya kaya hindi ako makawala.
"Sht hahahahhaa Lo-loves ! HAHAHAHA. Stop it na. Hahahhahahaha. Please." Pagkasabi ko ng please ay tumigil na rin siya.
At saka ko lang na realize kung gaano ka awkward ng posisyon namin ngayon.
BINABASA MO ANG
The Famous HeartBreaker
RomanceNOON: "Ayoko ng may nasasaktan. Gusto ko lahat Masaya" "Kung pepwede lang na Sagutin ko lahat ng nanliligaw sakin para walang masaktan, Ginawa ko na" NGAYON: "Ayoko ng Ako ang Iniiwan. Kaya ako ang nangiiwan" "Ayoko ng Ako ang nasasaktan, Gust...