Chapter 11

46 0 0
                                    

A/N: Wah guys ! Sorry. Kanina ko lang napansin na SOBRANG DAMI ng Typo ko. Kapag hindi ako tinamad, ieedit ko yun. KEEP READING ! :*

"The best kind of kiss is when you have to stop because you can't help but to smile."

**

"Saan mo gustong sumakay ?" Tanong ni Sean sakin habang naglalakad kami.

"Umupo na lang muna tayo. Busog pa ako eh. Haha" Natatawang sabi ko sa kanya habang hinihimas yung tyan ko.

"Haha. Sige tara dun" Sabi ni Sean habang nakangiting nakaturo sa isang cottage katapat ng mga pambatang rides at sumunod naman ako sa kanya.

Ngayon lang ako naging masaya ng ganito sa tanang buhay ko, well except nung mga araw na naglalambingan kami ni Kuya. Miss ko na kuya ko. :3

"Shan/Sean" Sabay namin sabi at sabay din kaming lumingon sa isa't isa.

"You go First" Sabi ni Sean habang kumakamot sa batok at alanganing ngumiti sa akin.

"No, sige ikaw muna" Nakangiting sabi ko at tumango naman siya.

"A-Ah.. Ehem. Natawagan ko na yung kuya mo kanina nung nasa C.R ka. Ang sabi ko kasama kita at nandito tayo sa Condo ko sa Tagaytay." Paliwanag niya habang nakatingin sa mga batang nag eenjoy sa rides.

"Anong sabi ni kuya ?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya kaya tumingin naman siya sakin, kaya eye to eye kami ngayon. Pansin ko lang palagi kaming nagkaka eye to eye. Nakakailang na ah :3

"Nung Una hindi pumayag pero sa huli pumayag na din. Haha, wala ata tiwala sakin si bestfriend" Natatawang sabi niya habang pa iling iling. Kaya nakitawa na rin ako.

"Hahaha. Ang Kyut mo" Sabi ko sa kanya. Pero huli na nung narealize ko kung anong sinabi ko. Shet, nakakahiya !!

"A-Ah. He-He, salamat. Ano yung sasabihin mo ?" Tanong niya sakin habang kinakamot yung batok niya.

Pansin ko napapadalas yung pagkamot niya sa batok niya. Pero I found it cool and Cute. Mwehehe >//<

"Ah, yung ginawa ko kanina.. sana wag kang mailang sakin kasi usually kapag naiirita din si Kuya sa mga babaeng nagpapacute at tumitingin sa kanya, ganun ginagawa ko at nawawala naman yung kunot ng noo niya. Kung nailang ka, sorry hindi na mauulit" Nakayukong sabi ko at naramdaman ko naman ang pagpatong ng kamay niya sa ulo ko at marahang ginulo 'yon.

"Ano ka ba ? Effective nga eh !" Sabi niya, kaya napaangat yung ulo ko na napatingin sa kanya.

Nakangiti siya.. kaya napangiti na rin ako.

"Talaga ??" Tanong ko sa kanya habang nakangiti.

"Oo naman" Tumatango tangong sagot niya habang nakangiti.

"Mabuti kung ganun !" Nakangiting sabi ko sa kanya kaya ngumiti na lang din siya sakin bilang sagot.

"Ah, Sean. Salamat ah ? Alam kong maraming beses na akong nagpasalamat sa'yo pero utang na loob ko talaga 'tong ginagawang tulong mo. To Think na napakarami nang nasasayang na oras sa'yo. Di ko alam kung pano pa ako magpapasalamat sa'yo pero promise ko sa'yo kapag ikaw naman ang may kailangan ng tulong nandito lang ako--Kami ni kuya. Promise ko yan !" Seryosong pahayag ko habang nakaharap sa kanya at nakataas pa ang kanang kamay.

Nakita kong napatawa siya. Nakakatawa ba yung sinasabi ko ? *Pout*

"Ano ka ba ? Anong nasasayang na  oras ang sinasabi mo ? Hindi nasasayang ang oras ko basta para sa'yo Shan. Kahit pa mag drop out ako sa school para samahan ka kahit saan ka man pumunta gagawin ko" Nakangiting sabi niya.

The Famous HeartBreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon