"Oh kumpleto na ba?" Tanong ko sa mga estudyante, sampu lang ang andun.
"Kumpleto na sir! Hindi malilate yang mga yan halos nga ata hindi na nakatulog kagabi." Sabi ni May.
"Asan yun iba?"
"Naku sir di pinayagan yun iba."
"Ah buti naman nagsipaalam. Asan yung mga kakainin natin?" Tanong ko habang nakatingin sa mga dalang bagahe.
Mga bag lang ang andun at isang plastic bag na puro chichirya."Ay sir sabi ni Tin sila na daw bahala sa pagkain." Masayang sabi ni May.
Actually, medyo kinakaibahan ako sa outing na ito, dahil kina Christine ang lugar, hindi dahil sa bali-balitang may lahing aswang ito kundi baka literal na aswangin ako nito. Baka magkaasawa ako ng di oras, o makasuhan, ayaw ko nun.
"A, ganun ba." Maiksi kong tugon.
"Sir heto na pala yung bangka." Sabi ni Paul sabay turo sa paparating na bangkang de motor.
"Ilang oras ba ang byahe?" Sabi ko kay Paul.
"Hindi ko alam sir, wala pa nakarating samin dun."
"Hala kala ko alam nyo yung lugar.!"
"Don't worry sir, may nirentahan kaming bangka na nakakaalam papunta dun, ayan oh."
"Magandang araw po manong" bati ko sa lalaking may katandaan, may puti na ang buhok nito at halata sa mukha ang kahirapan.
Hindi sumagot ang matanda, nasa mukha ang labis na pag-aalala.
Bakit naman ito mag aalala?
Hmmmm.Isa isang sumakay ang mga bata, nag check ako ang attendance sa isip. 10, kumpleto naman, saka ako umakyat at umupo sa tabi ng matanda.
"Ilang oras po ang byahe manong?"
"Dalwa" matipid nitong sagot.
Tumingin ito sa malayo."Bakit dun nyo napili pumunta? Wala na ba kayong ibang pwedeng puntahan?"
"Nag offer po kasi isa kong estudyante na dun sa kanila pwede daw po."
"Sana hindi ka na lang pumayag!" Halos pabulong na ng matanda.
Ano bang sinasabi nitong matandang to.
Tumingin ako sa kinaroroonan nito at napansin ko na tila nag iiba ang awra ng kapaligiran. Kanina, masaya ang dagat, madaming ibon sa paligid. Ngayon ay tila usok na lamang ang aking nakikita at unti until yumayakap ang dilim.
"May dala ba kayong bawang?"
"Wala po, bakit po?"
Tila nasindak ang matanda.
"Wala hijo, mag iingat kayo doon."
Tungkol din kaya ito da bali balitang aswang sa sitiong ito?
Science teacher ka Eliboy, dumilim at umusok ang paligod dahil nasa leeward side na kayo ng bundok, mahamog dahil sa condensation na dala ng pagbaba ng temperatura.
Science, hello!
Oo nga naman.
Mula noon ay hindi na nagsalita ang matanda. Itinoon na lamang nito ang atensyon sa pagmamaneho.
Unti unti naman lumiwanag ang kapaligiran at natambad saamin ang isang isla na sa malayo pa lang ay kita na ang puting buhangin at malinaw na tubig.
"Ang ganda dito!" Bulalas ni May.
"Oo nga tyak mag eenjoy tayo." Sabi naman ng isa.
At dahil may kababawan ang dagat, hindi na nakarating ang bangka sa may pampang. Kinuha ko ang aking tsinelas at tumalon sa tubig.
Naramdaman ko ang buhangin sa aking mga paa, ang tubig na sa sobrang linaw ay makikita na ang mga maliliit na isda na lumalangoy langoy sa gitna ng aking mga binti.
"Maraming salamat po manong." Saad kong kumingon sa matanda, inabot ni May ang tatlongdaan.
"Inuulit ko mga anak, mag iingat kayo dito."
Ayan na naman ang wierd nyang tono.
Nagkibit balikat lang ako at pinagptuloy nag paglalakad.Natatanaw ko sa di kalayuan si Christine, kumakaway ito, nakasoot ng maiksing short at itim na sando.
"Tara doon tayo sa bahay tamang tama mag tatanghalian na. Sunod kayo sakin."
Halos labinlimang minuto kaming naglalakad ng matanaw ko ang isang malaking bahay, puti ang pintura nito ay may malaking pool sa harap.
"Wow Tin, ang yaman nyo pala talaga."
"Hindi naman, kay kuya to nakikitira lang ako."
"Bakit ka nag tatyaga sa school natin pwede ka naman sa University?" Tanong ni Paul
"Pasaway kasi ako sa University kaya bilang parusa, dito daw ako sa bukid mag aral."
"Oh san kuya mo?"
"Nasa taas. Halikayo, ready na ang tanghalian."
Ginayak kami ni Christine sa tabi ng pool. Madami pagkain, gulay madami din seafoods. Halatang pinaghandaan.
Nagsiunahan ang mga estudyante sa lamesa na parang mga bwitre.
"Oh sir, kain ka na." Inabot sakin ni Christine ang pinggan at kutsara.
"Salamat."
Wala akong nararamdaman sa lugar na ito, hindi ako kinikilabutan. Normal lang, para lang talaga itong bahay bakasyunan at hindi isang haunted haus o bahay ng aswang.
Baka nga bali-balita lang iyon ng mga taong naiinggit.
Napatingin ako sa veranda at laking gulat ko ng may nakita akong isang lalaki. Nakatingin ito sakin na waring nakakunot ang noo.
Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil may kataasan ang veranda ngunit mapapansin kong malaking tao ito, kayumanggi ang balat at batak na batak ang muscles, halatang sagana sa workout.
"Naku sir, wag mong pansinin yang si kuya, tahimik talaga yan pero mabait yan." Paliwanag ni Christine.
Nilantakan ko ang gulay. Hmmm crispy pa.
"Ansarap nitong gulay ah."
"Fresh kasi yan sir galing sa taniman namin, yan ang sideline at hobby ni kuya."
"Ahhh."
Napatapos naming kumain ay iginayak kami sa sala. Maganda ang loob ng bahay, halatang interior designer ang nag isip ng konsepto at design. May kaya pala talaga itong sina Christine. Kaya pala afford nitong bilhan ako ng kung anu-ano.
Natigil kami sa pagkukwentuhan ng makarining ng malalakas na yabag mula sa hagdan.
Napatingala ako.Nakita ko ang isang mestisong lalaki, naka kamesa de chino ito, kupas na maong at boots na kulay grey.
Napako ang tingin ko sa kanyang mga mata. Kulay abo, mahahaba ang pilik mata. Ang ilong nitong pointed, ang labi na mapupula na parang cherries.
Hala ka Eliboy! Bakit ka nakatulala! Kastigo ko sa isip.
"Wag mo akong titigan."
Isang malamig na tinig ang pumukaw sa aking ulirat.Mabilis itong naglakad papunta sa pinto.
Damn Eli, damn!
BINABASA MO ANG
Si Teacher at Ang Aswang (Completed)
Fantasy"Doon sya sa kwarto ko matutulog" narinig ko na naman ang dumadagundong na boses ng lalaking ito. "Dito na lang kuya kasya pa kami." Sagot ni Tin. "Oo nga brad para makapag bonding naman kami." I insisted. Tiningnan lang ako ng lalaki. Ang mga matan...