Chapter 42
"Hector!!!" Malakas na sigaw ng isang babae sa pintuan.
"Oh Shit!" Bumalikwas si Hector pababa ng kama at nagtakip ng sarili gamit ang unan.
Napatingin ako sa babaeng nandoon.
"Maam June?!"
"Pakawalan mo sila Hector. Tama na, maawa ka sa sarili mo!"
"Hwag ka makialam dito ate."
"Ate?"
"May, kalagan mo si Simon." Utos ni Maam June kay May na nadoon pala sa labas ng kwarto.
"Wag mo akong susubukan ate, kundi kakalimutan kong kapatid kita!"
"Ano pang hinihintay mo May, bilisan mo! Ako bahala dito." Muling utos ni Maam June kay May, halata kasi ang takot sa dalagita.
"Shit!" Dali daling nagbihis ng pantalon si Hector at akmang susunggaban si May.
"Wag kang magkakamali Hector. Sawang sawa na ako sa kabulastugan mo!" Tinutok nito ang baril kay Hector.
"Pano mo ako natagpuan?" Tanong ni Hector.
"Sa dinami dami ba naman ng kalokohan mo malamang sisikat ang pangalan mo. Tama na Hector, hindi ka pa ba masaya sa meron ka?"
"Hindi ate, kung hindi mo kayang gawin ako ang gagawa noon."
"May kalagan mo si Sir!"
"Eh Maam..."
"Ako bahala."
Lumapit si May saakin at dahan dahang tinanggal ang lubid na nakatali sa aking kamay.
Napansin kong tinitigan ito ni Hector ng masama.
"Traydor ka May, magbabayad ka."
"Ikaw ang traydor, dahil sa kagagawan mo ay nasisira ang imahe nating mga aswang!"
Sagot dito ni May.Bagamang naguguluhan ako sa mga nangyayari, pinilit kong bumangon at kalagan ang aking sarili.
"Hindi kita mapapatawad ate. Tandaan mo yan."
"Nangako ako kay mama at papa na itutuwid kita ng landas."
"Huli na ang lahat!" Sigaw nito sabay talon papunta kay maam June.
"Tumakas na kayo ako na bahala dito."
Habang ang dalawa ay nag aagawan ng baril. Napansin kong iba ang anyo ni Maam June. Mapupula din ang nata nito at labas din ang mga pangil. Aswang pala ito.Inakay ko si Simon dahil sobrang nanghihina ito, si May naman ay nauna upang inspeksyunin ang aming dadaanan.
Papalabas na kami ng bahay ng may magpaputok ng baril sa aming likuran.
"Natakasan nyo ako nung una, pero hindi na ngayon." Duguan ang kamay nito, halatang galing sa pakikipag buno.
Ano na kayang nangyari kay Maam June?
Bakit sya nandito?Dali dali kaming tumakbo papalabas ngunit sumunod ito at nagpaputok ng sunod sunod.
Hindi ko namalayan na may mga tauhan na ito sa harap namin. Nakatutok ang mga baril at ano mang oras ay magpapaulan ng bala.
"Takbo!" Isang malakas na boses ang nariig namin sa ere.
"Maam June!" Lumilipad ito, ngunit duguan at bali ang braso. Pinagbabaril nito ang mga kakalahihan. Marahil ay nagulantang ang mga iyon dahil hindi nila inaasahan na buhay pa si Maam June.
Isang malakas na putok ang aking narinig, kasunod noon ang pagbasak ng katawan ni Maam June sa lupa.
"Maam June!" Sigaw ni May.
"Napakasama mo Hector. Napakasama mo!" Sigaw ni May. Hindi ko malaman kung bakit ganto ang reaction ni May samantalang sa school ay halos hindi naman ito nagpapansinan.
Tinakbo ni May ang namalikmatang si Hector, marahil ay hindi nito inaasahan na tatamaan si Maam June.
Inagaw ni May ang baril dito. Napansin ko na iba na din ang itsura ni May, katulad ito kay maam June.Habang nag aagawan nag dalawa ay nakarinig ako ng putok, kasabay noon ang pag sakit ng aking tagiliran.
"Arrghhhh" bumulagta ako sa damuhan.
"Eli!" Namamaos na sigaw ni Simon. Nabitawan ko ito kaya gumagapang itong lumalapit saakin.
"Eli sumagot ka!" Sigaw ni Simon. Niyuyugyog ako nga malakas.
"Mahal na mahal kita." Ang mahina kong nasambit. Katapusan ko na ata.
"Mahal, malayo sa puso yan hindi ka pa mamamatay." Niyuyugyog ulit ako ni Simon. Doon ako naalimpungatan. Sa puson lang pala.
SA PUSON! Ang anak ko.
Doon din lang rumehistro kay Simon ang posibleng manyari.
Binuksan nito ang zipper ng aking pantalon at kinapa ang aking ari."Mahal may dugo!" Nagimbal ito sa natuklasan. Nararamdaman ko din na may likidong umaagos sa aking ari.
Ang anak namin!
Nagdilim ang mga mata ni Simon. Tila nawala ito sa sarili. Inangat ko ang aking ulo upang tingnan ang kanyang mukha at lubha akong nagulat. Antulis ng mga pangil nito, ang mga mata ay lalong namula. Nagsilabasan ang mga ugat nito sa buong katawan at naging itim ang balat. Ibang iba ang itsura nito.
Maging si Hector ay nagimbal sa nakita.
"Nagakamali ka ng ginalit mo ang huling dugo!"
Sigaw ni May. Si Simon na ulit ang huling dugo?Ibig sabihin noon ay wala ang ang anak namin?
Napahagulhol ako sa labis na kalungkutan. Wala na ang anak ko!
Kinapa ko ang aking ari. Hindi tumitigil ang pag daloy ng dugo dito.
Tiningan ko si Simon. Hawak nito sa leeg ang nagpupumiglas na si Hector.
"Patawarin mo ako mahal na supremo." Nahihirapang magsalita si Hector dahil sa pagkakasakal ni Simon.
Itinapon ni Simon sa kung saan at sinusundan iyon. Para itong shuttlecock na hinahataw sa lupa. Wala na si Simon sa kanyang sarili.
Patay na si Hector. Para na itong lantang gulay at lasug lasog ang katawan.
Doon nagliwanag ang katawan ni Simon at bumalik ang itsura nito sa pagiging tao, ngunit pula padin ang mata at may maliit na pangil.
"Nabuhay ang anak nyo sir!" Sigaw ni May
At yun ang huli kong natatandaan.
BINABASA MO ANG
Si Teacher at Ang Aswang (Completed)
Fantasi"Doon sya sa kwarto ko matutulog" narinig ko na naman ang dumadagundong na boses ng lalaking ito. "Dito na lang kuya kasya pa kami." Sagot ni Tin. "Oo nga brad para makapag bonding naman kami." I insisted. Tiningnan lang ako ng lalaki. Ang mga matan...