Chapter 39
"Bakit ka ba excited na excited mag punta ng mall ah." Nakaupo ako sa harap ng kotse ni mama habang si Simon ang nag mamaneho. "Alas nuebe y media pa lang ah."
"Mahal tamang tama pag dating natin, bukas na ang mall." Masaya nitong sagot.
Saktong alas dyes ng pumarada kami sa basement parking kasabay naman noon ang pagbukas ng mall.
Excited talaga ang mokong dahil hila hila ako nito papunta sa entrance.
"Pre hindi ka mauubusan ng bibilhin mo kaya wag masyadong atat."
Hindi ako nito pinansin. Hawak parin nito ang aking kamay habang naglalakad papasok sa department store.
"Ano gagawin natin dito?"
"Mamimili."
Tumigil kami sa newborn section ng department store.
Oh mamimili pala ng gamit ng baby. So sure na talaga ito na magkakababy kami.
Sa kabilang banda, natuwa ako dahil kung sakali man ay mahal nito ang magiging anak namin."Ito maganda to." Bumubulong bulong pa ito habang hindi magkanda ugaga sa pag kuha ng mga items.
"Pano ka naman nakakasiguro na lalaki ang baby natin?"
"Nararamdaman ko mahal."
"Pano kung babae?"
"Eh di ano naman pwede nya namang gamitin to diba."
Halos napuno ang cart namin ng mga gamit pambaby. May tsupon, crib, laruan at kung anu ano pa.
Halos hindi na ito magkanda ugaga sa pag bitbit.
Halos inabot na kami ng tanghalian kaya napagdesisyunan naming kumain muna.
Habang nag papababa ng kinain, I decided to open a topic na kanina ko pa gusto iopen.
"Mahal, gusto kong maconfirm kung may laman talaga to." I hesitantly said. It sounds as if kasi na nagdududa ako at hindi ako kumbinsido.
He nodded. "Naiintindihan ko."
"Mahal ayoko umasa tapos in the end baka wala pala."
"What do you want us to do?"
"May clinic dito, mag papa-ultrasound ako."
"Ok." Maiksi nitong tugon. Alam kong hesitant itong gawin yun dahil mas gusto nitong isipin na meron nga.
"I love you, meron man o wala, I love you still." Sabi ko sa kanya.
Agad kaming dumirecho kami sa isang OB Clinic sa thrid floor. Nanlalamig ang aking kamay at maging si Simon ay kinakabahan din.
"Hi, how can I help you sir?" Tanong sa receptionist.
"Can we have a cosultation please?"
"Nasaan po ang pasyente?"
"Ako po." Sagot ko.
"Ah sir, this is an OB clinic, nandun po sa kilang wing ang Family clinic."
"I know, I will just consult something." Magalang ko sagot.
Kahit hesitant ang secretary ay pinaschedule padin kami nito sa isang OB.
"Your turn sir."
"Sama ka ba?" Tanong ko kay Simon.
Tango lang ang sagot nito."Hi Mr. Montenegro, I am Dr. Ramirez, I heard you want to talk about preganancy. Is it about your wife?"
"No doc, about me."
"What do you mean?" Kumunot ang noo nito.
"Have you heard about male pregnancy?"
"Hmmmmm, yeah pero wala pa ako nakikita aktwal nun at puro scienctific experiments pa lang."
"I want to check if I am pregnant."
Tumaas ang kilay ng doctor.
"Please doc, this may be difficult to explain by science, kung hindi then fine."
"Ok let's do an an ultrasound. How may weeks you think you're pregnant Mr. Montenegro?"
Tumingin ako kay Simon.
"Almost 2 months right?"Tumango lang ito.
Dumako ang tinging ng doctor kay Simon.
"So you are the father.?"
Puro tango lang ang sagot ni Simon. Alam kong kinakabahan ito ng sobra.
"Higa ka dito Mr. Montenegro."
Inalalayan ako ni Simon sa paghiga.
Itinaas ng doctor ang aking damit at nilagyan ng semi liquid na gel ang akin puson."Mawawala ang abs mo kung buntis ka nga talaga." Biro ng doctor.
She is exploring my belly gamit ang isang plastic na parang kahon habang ang mata ay nakatuon sa monitor na black and white.
"Wait!" Bulalas ng doctor.
"Ano yun doc?" First time magsalita ni Simon.
"There is something inside your prostate."
Nagliwanag ang mukha ni Simon. Pero ako, magkahalong kaba at saya.
"Dun tayo sa 3D ultrasound para maconfirm natin. I want to make sure baka tumor yun."
Kinabahan ako. Maging si Simon ay di din mapakali.Inikot ni Simon ang kamang hihigaan ko upang ilapit doon sa 3D ultrasound.
Tiningnan ng doktor ang scren ng monitor na mas malinaw kesa sa una.
Napatigil ito at napasinghap."This could not be true!"
Tinuro nito ang isang maliit na hugis sa monitor. Para itong isda, yung itsura ng tao pag nasa dalawa hanggang tatlong bwan pa lang.
"You are pregnant." Bulalas ng doctor, baka ang labis na pagkamangha at pagkabihla sa mukha.
Kuyom na tinaas ni Simon ang kanyan kamao na tila nanalo sa lotto, sabay sigaw ng malakas.
"Yes!!"
BINABASA MO ANG
Si Teacher at Ang Aswang (Completed)
Fantasía"Doon sya sa kwarto ko matutulog" narinig ko na naman ang dumadagundong na boses ng lalaking ito. "Dito na lang kuya kasya pa kami." Sagot ni Tin. "Oo nga brad para makapag bonding naman kami." I insisted. Tiningnan lang ako ng lalaki. Ang mga matan...