Chapter 22 - Superpowers

5K 249 6
                                    

"Wag kang lalapit sabi!"
I am already shouting. Magkahalong takot, disappointment, betrayal, at madami pang megatibong emosyon.

Dinampot ko ang isang matulis na bakal ng mapansin ko itong tila lalapit.

"Tang ina wag ka sabing lalapit."
My voice is trembling. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito. Ang akala ko ay maling akala lang. Totoo pala.

"Hindi kita sasaktan, I'd rather die than hurt you." Nagsusumamo ang boses nito.

I can feel his sincerity pero hindi dapat mgtiwala, mahirap na.

"Mahal na mahal kita." He is already crying.
This is the first time I saw him very emotional. Parang pinipiga ang dibdib ko.

Hindi ako makapag salita. Andami kong gusto itanong, ngunit ang aking dila at tila napilipit.

"Mahal na mahal kita." He repeated, akmang lalapit. "Kung gusto kitang saktan eh sana noon pa."

He has a point. Mahal ko din tong lalaking to.
Ito na ba yung sinasabi nilang conditional love? Mahal mo sya dahil ganto sya pero pag hindi na ay hindi mo na mahal?

That is unfair! I am unfair!

Binaba ko ang hawak na bakal at sinandal ang ulo sa barandilya ng yate. I looked at the sky na malapit na magkulay indigo.

The nocturnal birds are already flying na tila sa gabi nakasalalay ang kanilan mga buhay.

"Can you control yourself?"
Wala sa sarili kong tanong

"Yes mahal, pwede na ba kita lapitan?"

Hindi ako kumibo.

Dali dali itong tumayo at niyakap ako ng napakahigpit. So tight that it is squeezing my heart, so tight that all the anger and negative feelings are crumpled into tiny pieces.

"Don't leave me mahal. Please don't leave me."
Para itong batang nagsusumamo.

"Have you killed someone?"

Hindi ito kumibo. Nanatili lang na nakayakap sakin ng napakahigpit.

"I'd like you to be honest with me."

"Oo, once."

"Why?"

"Hindi ko pa kayang kontrolin noon."
Kumalas ito sa pagkakayakap at umupo sa harap ko,. Hinawakan nito ang aking mukha at hinaplos haplos.

"Mahal mo pa ba ako kahit alam mo nang ganto ako?" He is still sobbing. Nawala ang pagiging maskulado at brusko.

Kung tututuusin ay hindi naman talaga nakakagulat ito dahil alam ko na noon pa, yung nga lang, I was still in denial. Tsaka akala ko totoo yung kumprontasyon, parte din pala ng panaginip ko.

Ito ang pagkakataong kailangan nya ako. Kaya ko ba syang talikuran?

"Kahit naman noon may hinala na ako, pero minahal padin kita. Hindi magbabago yun."
Muli akong tumingin sa langit.

"Mahal na mahal kita." Paulit ulit nitong sinasambit ang mga katagang iyon, at sa bawat sambit nito ay tila tumutunaw ang lahat ng takot na naramdaman ko.

"Kelan ka pa naging ganyan?"

"Nung 18 ako."

"Kanino mo nakuha?"

"Kay mama. Si Tin dapat ang magmamana nito, kaya lang gusto kong mamuhay sya ng normal kaya ako na lang. Di bale na lang ako wag lang si Tin."

Inalis ko ang mga mata sa kalangitan at binaling ang tingin sa binata.

"Bakit mo kinuha? Di ba pwedeng wag na ipasa o ipasa na lang sa ibang tao?"

"Hindi sya mamamatay hanggat hindi nya naipapasa ito. Awang awa na ako kay mama noon, gusto nya ng magpahinga at ito lang ang tanging paraan."

Ito ba ang aswang na kintatakutan ng lahat? Wala akong nakikitang kasaaman kundi puro pagmamahal lang, pagmamahal sa pamilya.

"I'm sorry mahal, hinusgahan kita agad."
Lumapit ako at niyakap sya ng mahigpit.

"Meron pa bang iba?"

"Madami mahal kaya mag iingat ka. Hindi ka nila gagalawin kasi alam nila ang tungkol saatin pero may ibang dayo na hindi pa nakakaalam."

"Madami? Bakit wala akong nababalitaan na namatay? Yung labas ang bituka o wala ang lamang loob?"

"Hindi kami kumakain ng lamang loob mahal!"

"Eh ano kinakain nyo?"

"Sanggol."

"What! Yung mga walang kamalay malay dinadamay nyo? Bakit hindi na lang yung mga kriminal? Mga kurap!"

"Hindi ako kumakain ng ganun mahal. Matagal kong pinag aralan kung paano iwasan yun, kahit muntik na akong mamatay pinilit ko padin."

"So ano kinakain mo?"

"Gaya ng sa tao. Nalaman ko na the less I eat human the more I have the ability to control myself. Yun nga lang bago mo magawa yun, dadaan ka sa walang kapantay na dusa."

"You have special powers? Yung parang bampira?" Nawala na ang takot sa dibdib ko. I guess I am safe with him. Yun ang sabi nya and I believe him.

"I can hypnotize someone."

"Talaga?"

"Oo pero isang beses lang pwedeng gawin yun kada sampung taon"

"Nagawa mo na ba yun?"

"Oo"

"Kanino?"

"Sayo."

Si Teacher at Ang Aswang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon