Chapter 5 - Tiktik

6K 264 1
                                    

Dahil sa sobrang init, napagdesisyunan muna naming palipasin ang tanghali bago magsimulang magtampisaw.

Nakagayak na ng panligo ang lahat.

"May mamaya ka na lumusong ah, baka mag high tide!" Asar ni Paul sa kaklase. Palibhasa, may kalakihan si May.

"Tse! At ikaw naman, wag kang din magbabad sa tubig, baka umitim ka nakakahiya sa balat mo eh." Balik nito kay Paul na may kaiitiman.

"Oh hindi ka ba maliligo sir?"

Napalingon ako sa pinagmulan ng boses.

Bigla akong napalunok.

Christine is wearing a one-piece bikini na kulay itim. Ang sexy!

Napansin nito ang aking pag titig. "Ganyan ka ba talaga sir? Parating nakatulala?"

"Ah sorry, iniisip ko lang ang basketball team."

"Sus hanggang ngayon ang team padin iniisip mo, come one, time para mag relax!"

Hinila ako nito palapit sa tubig.

Hmmmm, why not! Sabi ko nga palay na ang lumalapit sa manok.

Buti na lang pala dinala ko itong short na ito.
I am wearing a hawaian polo shirt at manipis na short. Hinayaan ko lang hindi naka butones ang polo shirt upang iexpose ang aking muscled chest at abs.

Nang kami ay mapagod sa pghaharutan, napagdesisyunan naming magpahinga sa buhanginan.

Napansing kong may dala dala si Paul na malaking bag. Walang pag aalinlangan nitong nilabas ang Empi Lights, apat na malalaking long neck.

"Hoy hoy hoy, bakit may ganyan!" Pananaway ko.

"Hala si sir! Sympre outing ito, di mawawala ang alak!"

"At kelan pa kayo natuto nyan ah?"

"Eh ikaw sir kelan ka natuto nito?"

"Hindi ako marunong nyan ah!" Pagdedeny ko.

"Let's see!"

Binuksan ni Paul ang isang bote, nagsalin sa maliit na baso at itinapon sa buhanginan.

"Para sa demonyo!" Malakas na sabi nito.

Natawa ako, mukha talagang manginginom ang mga to at alam ang mga ritwal bago magsimula.

"Oh tama na yan inuman na!!!" Malakas na kanta ni Daniela.

"Ayusin nyo ang buhay nyo ah, ilagay sa tyan ang ang alak wag sa ulo, malilintikan kayo sakin pag may nangyari di kaaya aya!"

"yes sir!" Sabay sabay nilang sagot.

"Oh sir ikaw na magsimula!" Abot sa akin ni Christine ng baso.

Kinuha ko iyon at shinot,
"Ahh" nang maramdaman ko ang guhit sa aking lalamunan. Ang sarap sa pakiramdam, nakakamiss ang college life.

Nung college kami, laman din kami ng inuman ng barkada, minsan kahit walang okasyon shot padin ang tropa.
Hindi ako madaling malasing, ewan ko, yun ata ang talent ko. Ang tawag sa akin noon ay camel. May imaginary hump daw kasi ako at doon ko muna nilalagay ang iniinom ko kaya di ako nalalasing.

Nagkakatuwaan na ang lahat. Masaya ang inuman kapag madami ang tumatagay.
Nagkakantahan na ang mga kainuman ko, ang iba ay nag eenglish na. Halatang naimpluwensyahan na ng alak.

"Ihi lang ako ah." Pagpapaalam ko.

Naglakad lakad ako sa buhanginan nang may marinig akong alulong ng isang aso.

May aso dito? Maliwanag ang gabi?
Tumingala ako at nakita ko ang isang bolang maliwanag sa kalangitan. Full moon.

Parang may sariling isip ang aking mga paa, hindi ko mapigilan ang pag hakbang. Hindi pa ako lasing, apat na long neck lang yun!

Tik tik tik tik!
Kasabay ng alulong ang malalakas na huni ng ibon.

Napatigil ako ng may makita akong isang anino.
Nakatalikod ito at nakaluhod na tila sumasamba sa bwan. Bigla akong napasinghap.

Napansin kong tumigil ito sa ginagawa. Tumayo ang lalaki sabay umalulong ang mga aso, lalo itong lumakas.

Oh God, ito na ba ang sinasabi nilang aswang? Kakainin ba ako nito?

Gusto kong tumakbo ngunit tila may sampung kilong bakal na nakapatong sa aking mga paa.

Bigla itong umungol habang akoy ay napapikit na lamang.

Nakarinig ako ng isang malakas ng pagaspas, parang isang malaking ibong lumipad, napamulat ako.

Wala na ang lalaki.

Saka ko naramdaman ang pagkahilo.
Ang malamig na buhangin na lamang ang huli kong naramdaman.

Si Teacher at Ang Aswang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon