Chapter 33
Narinig ko ang pag harurot ng motor ni Simon palayo kaya nakakasiguro ako na umalis na sya, saka ako lumabas ng kwarto.
Humakbang ako papalabas ng bahay ng maamoy ko ang halimuyak na nanggaling sa kusina.
Alam na alam ko ang halimuyak na yun dahil ito ang madalas nyang lutuin nung nasa apartment ko pa sya. Ito din ang paborito ko.
Hmmmmm, wala na naman sya.
Dali dali akong pumunta sa kusina at bunungkal ang takip ng kaldero na parang isang gutom na musmos.Tama nga, chopsuey nga. Kahit galit ako sa mokong na yun, di ko naman idedeny na chopseuy nito ang pinakamasarap na chopseuy na nalasahan ko.
Kumuha ako ng plato at kubyertos, saka prenteng kumain. Nasa kalahati na ako ng pagkain ng mapansin ko ang kumpol ng bulaklak na nakalapag sa lamesa.
Nilapitan ko iyon at akmang ihahaligis sa basurahan ng napansin kong may isang papel na nahulog doon.
"I miss you, I love you."
Wala padin akong naramdaman.
Yun ang sinasabi ng utak ko, ngunit hindi ko alam kung bakit nag iinit ang aking tenga.
Siguro aftershock lang to, parang sa earthquake, pakatapos na isang malakas, may kaunting maliit na pagyanig.
Tinapos ko ang pagkain at dinala ang kumpol n bulaklak sa kwarto. Mahirap na baka makita ni mama.
Pag balik ko sa kwarto ay pinagpatuloy ko ang paglalaro ng star wars the old republic. Tinapon ko ang bulaklak sa basurahan.
Warzone! Doon ko binuhos ang inis at ngitngit ko sa lalaki kanina.
Hindi ko namalayan ang oras, inabot na pala ako ng alas kwatro.
Sarap ng buhay teacher, dalawang bwang walang pasok pero buo ang sweldo at may bonus pa. Kung di lang sa nangyari sakin ay buo sana ang saya ko.
Bwiset talaga.
Dahil sa dami ng kinain ko kanina ay agad akong nakatulog ng ako ay mahiga sa kama.
You are the one who makes me happy
When everything else turns to gray
Yours is the voice that wakes me mornings
And sends me out into the day
You are the crowd that sits quiet listening to me
And all the mad sense that I make
You are one of the few things worth remembering
And since it's all true
How could anyone mean more to me
Than you?
Sorry if sometimes I look past you
There's no one beyond your eyes
Inside my head the wheels are turning
Hey, sometimes I'm not so wise
You are my heart and my soul, my inspiration
Just like the old love song goes
You are one of the few things worth remembering
And since it's all true
How could anyone mean more to me
Than you.(You - The Carpenters)
Nagising ako sa malamyos na tunog ng gitara na nanggaling sa labas ng bintana.
Hindi maganda ang boses ng kumakanta. Sa totoo lang ay sintunado ito at may mga notang hindi tumutugma. Kung nasa tawag ng tanghalan ito ay dalawang linya palang tyak na gong na ito.
Ngunit nararamdaman ko ang sinseredad noon.
Bawat salita sa kanta ay parang isang damdaming labis umaapaw sa pusong nag mamahal.Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang lalaki sa labas ng bintana. Nakatayo ito sa maliit na balkonahe ng aking kwarto na nahaharangang ng salaming sliding pane.
BINABASA MO ANG
Si Teacher at Ang Aswang (Completed)
Fantasy"Doon sya sa kwarto ko matutulog" narinig ko na naman ang dumadagundong na boses ng lalaking ito. "Dito na lang kuya kasya pa kami." Sagot ni Tin. "Oo nga brad para makapag bonding naman kami." I insisted. Tiningnan lang ako ng lalaki. Ang mga matan...