Chapter 34 - Ang Date

4.6K 228 6
                                    

Chapter 34

Wala na ako nagawa kung pumayag na doon sya matulog. Kilala ko to, hindi mo ito mapipilit kung ayaw.

Kasalan mo to Kobe!

"Tulog na tayo." Tinatapik tapik nito ang space sa tabi.

"Sa sala ako matutulog."

"Ok, sige"

Whoahh! Di ko ineexpect na papayag ito.

Kumuha ako ng unan at kumot at lumabas ng pinto.
Bago ko isara ito ay tiningnan ko muna ang bwiset sa kama ko.

Parang himbing na ang tulog nito. Pagod siguro.

Hay salamat buti naman!

Nahiga ako sa sofa at pinikit ang mga mata. Doon ako tinangay ng antok.

----

Nagising ako sa mainit na hangin sa dumadampi sa aking batok.

AO namang summer to at ang init talaga ng hangin. Tsaka nasa sala ako, malayo ang bintana.

Tila may mainit na bagay na nakapulupot sa aking tyan.

Ahas!!!!!!

Hinawakan ko ang bagay na yun at nadama ko ang ugat ugat at matigas na braso.

Si Simon, nakayakap sa aking beywang, himbing padin ang tulog nito at wala pading pang itaas.

Inalis ko ang pagkakayakap ng kamay nito at umupo sa gilid ng kama. Oh, nasa kwarto pala ako.

Ano to? Nag sleep walk ako at tumabi sa halimaw na to?

Mas makatohanan siguro na binuhat ako nito at nilipat sa kwarto. Mantika ako matulog eh.

"Mag bihis ka nga!" Dinampot ko ang pantaas nanasa kama at binato sa mukha nito.

"Ayaw, tulog pa tayo mahal." Mahinang ungol nito, halatang halata na antok padin.

Ayaw mo magbihis ah!

Kinuha ko ang remote ng aircon at isinagad ang temperatura sa pinaka malakas.

Ayaw mo pala mag damit ah tingnan natin kung makayanan mo ang lamig.

Lumipas ang isang minuto at nararamdaman ko na ang sobrang lamig sa kwarto.
Ngunit laking gulat ko ng hatakin ako nito sa kamay at pilit na inihiga.

At dahil sa brusko ito at di hamak na mas malaki ang katawan ay effortless akong napahiga sa tabi nito.

Pinulupot nito ang dalawang braso sa aking beywang kasama ang aking kamay at nilingkis ang dalawang binti sa aking paa.

Para itong ahas, at ako namay isang daga.
Hindi ako makagalaw.

"Hmmmmm" mahinang ungol nito, tila nasisiyahan sa nangyayari.

Antanga mo Eli! Grrrrrrr!
Ngitngit ko sa aking sarili.

Pinipilit kong makawala ngunit para itong Boa constrictor kung maka yakap.

Hays, sunod sunod na buntonghininga na lang ang aking nagawa.

Wala na din akong nagawa kundi ipagpatuloy ang naudlot na pagtulog.

---

Nagising ako kinaumagahan na wala na ito. Ngunit as usual, may mga platong may takip nakalatag sa ibabaw ng study table.

May kapirasong papel doon, binasa ko ang nakasulat.

"I'd give up everything just to hug you again. Love you."

Si Teacher at Ang Aswang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon