Chapter 6

231 7 5
                                    

Ayu's POV

Habang pinupunasan nitong si kuyang gwapong mabait (ehem. Kakabreak mo lang gurl lol) yung luha sa pisngi ko.. Bigla nalang may babaeng tumawag sa kaniya sa likod.

Pagsilip ko.

Oh? Si El pala. Mukhang hingal na hingal pa. San kaya galing tong bestfriend ko. Parang nakipag marathon ah.  Haggard na wahahaha.

"Oh baby girl. Ayan kana pala. San ka galing at ganyan itsura mo? Hingal na hingal ka" sabi nitong lalaki sa harap ko.

Ano daw?! Baby girl? Magkakailala sila ?

"Uy. Kilala mo yang best friend ko?" Tanong ko kay kuya.

"Teka. Best friend? Magkakilala kayo?" Balik tanong niya sakin.

"Hoy hoy. Bakit magkasama nga pala kayo? Magkakilala na kayo?" Tanong din nitong best friend ko.

"Ay. Napakagaling pala hano. Tara magtanungan tayo. Ako una" sabi ko.

"So magkaano ano kayo? Boyfriend mo bessy?" Tanong ko kay El.

"Boyfriend?! Eww." Sabi nitong babae nato na parang nadidiri pa.

"Kuya ko yang panget nayan" dagdag niya pa.

"What?! Siya yung kuya mo?" Gulat kong tanong.

"Oh yes" sagot niya

"Makaeww ka Nohanelaine. Ako pa lugi sayo pag nagkataon. So ako next. " sabi nitong kuya pala ng babaeng to.

"Magkakilala kayong dalawa? " tanong niya.

"Obviously, yes. Were best friends." Ako na sumagot.

"Oo! Best friend ko yang babaeng iyakin nayan! Yang babaeng yang iniwan ako dun at pinahirapan pako ng bongga bongga para lang hanapin siya. Gusto mong hinahabol huh?" Sabi niya sakin.

Ahh hinanap pala ko. Kaya naman pala ganito itsura nito e hahahaha.

"So thats explain kung bakit ganyan itsura mo?" Tanong ng kuya niya.

"Yes! And oops! Ako na magtatanong!" Sabi niya.

"Bakit kayo magkasama? Nasa tagong lugar kayo. Anong ginagawa niyo dito? Pano kayo nagkakilala? Ano?! Sagot!" Minsan ang OA talaga nitong babaeng to. Over Acting. Napaka. Hays.

"E kasi nga--" sasagot na sana ko ng magsalita natong magaling na kuya nitong best friend ko.

Ok magkapatid nga sila-_-//

"First of all, napunta ako dito dahil hinahanap kita. " sabi niya sa kapatid.

"Ay wow. May cellphone kana man diba? Pwede akong tawagan my dear Kuya." Sabat nitong babaeng to.

"E surprise sana kaso naligaw ako. " kakamot kamot niyang sagot sa kapatid. How cuteeeee. Parang mas matanda patong best friend ko a. Sabagay isang taon lang naman pala agwat nila.

"Psh continue" sagot ni el. Ibang klase haha.

"So ayun naligaw ako kakahanap sayo kaya napadpad ako dito. Tapos na kita ko siya" turo niya sakin.

"Nakita ko siyang umiiyak. Best friend mo pala to. Then ayun the rest is the history" paliwanag nitong lalaking to.

"Ah k. So kilala niyo na ang isat isa?" Tanong ni el.

"Hindi pa" sabay naming sagot. Nagkatinginan pa kami at sabay na natawa. Ang cute niya tlaga huhu.

(Ehem. Broken hearted ka. Kaka break niyo lang. Stop)

Lucky DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon