Chapter 41

129 4 13
                                    

El's POV

"Alam niyo naba kung nasan siya? Nagtext ba? Tumawag? Ayos lang daw ba siya? Nohan anak ano na? " sunod sunod na tanong ni tita.

Its been 3 days simula nung nawala si Ayu. Or should i say umalis?

"Tita wag kana po magaalala. Ayos lang po siya. Pati po ako walang alam kung nasan siya. Wala rin po akong alam. Basta nagtext nalang siya non at pinapasabing sorry. Ayos lang daw po siya. Ayos lang siya tita. Wag kana po magaalala okay?" Pagpapakalma ko kay tita.

Anak ng... Ayu naman e! Nasaang lupalop kana ba ng mundo? Para ka namang ewan! Makabalik kalang talaga dito humanda ka sakin.

Simula nung umalis siya ng walang paalam, hindi na kami mapakali. Hindi kami nagsumbong sa pulis. Nagtext kasi siya non. Ayos lang daw siya.

Syempre hindi naman kami tanga. Wala si Red. Wala siya. Ade malamang magkasama yun? Anak ng.. Nagtanan?! Jusko naman Ayu-_-///

Pero naiintindihan ko yung side nila.

Alam ko kasi. Feel ko din. Hindi gusto ng parents ni Red si Ayu.

Bakit?! Dahil ba hindi sila mayaman? Dahil ba hindi sila katulad nila?! Hindi naman dun nakikita kung anong klaseng tao ka. Hayy nako. Sakit nila sa bangs kahit wala akong bangs>_<¦¦¦

"Babe ayos kalang? " Jae asked.

"Yep. Stress lang sa school works saka dyan sa best friend ko. Hays" sabi ko at napahawak nalang sa ulo ko.

Im so stress these days.

"Dont worry. Ayos lang yung dalawang yun. Saka pinapahanap na sila" sabi ni jae.

"Nino? Ng mga luxembourge?" I asked.

"Yup. Feeling ko nga alam na nila e. "

"Ha? E bakit hindi pa nila sinusundo?" Naguguluhan kong tanong.

"Di ko rin alam. Maybe hinahayaan sila. Dahil oras na makuha na nila si Red.. Wala na"

"Ha? Ganon ba nila kaayaw si Ayu? Saka para namang mapipigilan nila si Red. " sabi ko.

Si Red ? Papapigil? Mapipigilan nila? Makokontrol nila? Oh no. No. No.

"Kung gusto nila makakaya nila. Kung gusto nila makukuha nila" seryoso niyang sabi.

"Ha? Talaga? Ang gulo ah. Sino ba sila? Sino ba ang mga luxembourge?"

"Isa sa pinakamakapangyarihang pamilya dito. May ari ng Lux University"

Luxembourge? Lux university? Lux? Teka oo nga magkahawig. Bakit ngayon ko lang napansin yun. Wait bakit ngayon ko lang nalaman yun? Sila pala ang may ari ng pinakamataas , at isa sa pinakamakapangyarihang paaralan.

Kaya pala. Now i know.

Napamisteryosong tao talaga nila.

Ayu's POV

Tatlong araw na rin kami dito. Nasaan kami? Nasa isang malayong probinsya.

Walang masyadong kapitbahay dito. Kumabaga, malayo sa bayan. Malayo sa mga tao. Ang tanging kasama lang namin dito is yung mga iniwan na tao ni Ate Ana. Oo si Ate Ana. Probinsya nila to. At pinayagan niyang dumito muna kami sa bahay nila. Pero nasa maynila siya para magtrabaho.

"Puro ka na pawis Red. Maligo kana" sabi ko at lumapit sa kaniya. Pinunasan ko yung pawis niya.

"Later. I will just finish this." Sabi niya habang pinupunasan yung pawis niya.

Nagsisibak kasi siya ng kahoy para gagamitin mamaya kapag nagluto.

Bilib nga ako dito. Nung una hindi siya sanay. Pero unti unti nagagawa na niya. Tinulungan din siya nung asawa ni Ate Ana.

Lucky DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon