Chapter 7

189 6 3
                                    

Ayu's POV

"Huy ayos kalang? Ayu? " narinig kong tanong ni Taeran.

Oo nga pala. May kasama ako.. kasama ko tong mga to.

Natulala na naman kasi ako.
Hayss

"Ah. Oo ayos lang ako" sagot ko then i smiled. A fake one.

"Dont fool me A E I O U. Wag ako. Ikaw okay? Oh come on" sabi ni El. Seryoso na yan. Inisa isa na naman yung letter ng pangalan ko e. Kapag tinawag niya nakong A E I O U at hindi Ayu, its either seryoso na sya or nangaasar lang.

Pero sa itsura niya ngayon? Wala. Seryoso to.

Nakita kong sinundan niya ng tingin yung kaninang tinitingnan ko.

"Sino ba nakita? Multo? Halimaw? O baka lalaking may sayad? Lalaking siraulo? Lalaking--"

"Enough.. Oo yun nga." Pinutol ko na yung sasabihin niya. Hindi na naman titigil yan e. Alam naman naming dalawa kung sino yung tinutukoy niya.

Kilala na niya talaga ko. May maitatago pa ba ako sa babaeng to? Kaya niyang basahin yung facial expression. Hays. Kaya kahit ganyan yan.

Lab ko yan.

Uyy. Ssshh lang kayo. Kikiligin yan. Joke-_-///

"Teka teka. Ano ba pinaguusapan niyo? Sali niyo ko. Out of place ako dito oh. Di ko kayo maintindihan. Mga babae talaga ang hirap intindihin" sabi nitong lalaking kasama namin.

"Mas mahirap kayong intindihin. Ang hirap basahin ng mga kinikilos niyo. Masyado kayong maraming tinatago. Nakakaloko" casual na sabi ko sa kaniya at uminom sa juice na inorder namin.
Hindi pa pala nababawasan yung inorder ko. Psh. Sayang pagkain.

"Oh ano ka ngayon kuya?" Narinig kong pangaasar ni El sa kuya niya.

"Huy nagjojoke lang ako e. Hindi kasi ako nakakasabay sa pinaguusapan niyo. Masyado ka namang seryoso. Sorry na?" Sabi niya at bahagya pang nilapit yung mukha niya sakin at parang nag papaawa.

Cute haha.

"Hindi ako galit. Just stating some facts. Dont worry" i said then smiled.

"Ayan kasi. Magbiro kana sa lasing. Huwag lang sa broken hearted. Wahahaha" pang aasar pa ng magaling kong best friend. Psh haha. Lakas ng topak nito. Kanina seryoso. Ngayon parang baliw.

"Manahimik ka Nohanelaine. Hindi ko ibibigay yung regalo ko sayo. Ang gaganda pa naman nung shade nung mga yun. Nagpatulong pako kay mommy para ibili ka nun tapos aasarin mo lang ako.
Tsk tsk. Kay Ayu ko nalang ibibigay." Pang aasar din ng Lalaking to sa kapatid niya. Haha psh. Magkapatid nga sila.

"Yah! Bigay mo yun! Susumbong kita kay mommy! Saka kahit ibigay mo yan kay Ayu, ako parin gagamit niyan! E hindi naman nagmamake up yan ih. Nakita mo? Nakita mo?" Hays ang gulo ng dalawang to.

Napatingin naman sa mukha ko si Taeran.

Nailang naman ako ng very light.

"Oo nga no. Sabagay. Simple ka nga pala. Oh. Ade sa iba ko ibibigay. Ang dami pa namang babaeng mahilig sa make up dito. Sigurado matutuwa yun. Tapos gwapo pa nagbigay. Tsk tsk. Jackpot sila wahahaha"

"Gwapo moto. Pero sige na nga. Gwapo ka na. Bigay mo na yun later kuya ha? Hmm? Hmm? Pretty please?" Pagpapacute ni El sa kuya niya. Lumapit pa. Haha.

"Please lang walang Pretty. Wahahaha. Joke lang baby girl. Later bibigay ko sayo:)" sabi ni Taeran at ginulo pa yung buhok ng kapatid.

Sweet nila. Haha.

Napangiti ako habang pinapanood sila. Yung totoong ngiti.

"Ayan. Ngayon palang ata kita nakitang ngumiti. Yung totoo.
Ang ganda mo kapag nakangiti kaya smile kalang palagi ha?" Nagulat ako kasi nakatingin na pala sakin yung magkapatid at nagsalita si Taeran.

"Ha?" Tanong ko.

"Wala bessy. Ang panget mo daw. Kumain ka na nga! Wag mong isipin yun. Di ka na mahal nun. Hahaha. Joke lang. "

Well. Di ka na dapat masaktan Ayu. First of all, tama naman.
Second, sanay kana sa best friend mong may pagka straight forward-_-///

Tinapos ko na yung pagkain ko kasi sayang naman kung tititigan ko lang hanggang mamaya. Hindi naman mauubos yun kung titingnan ko lang diba.

Sayang yung foods. Bawal magaksaya ng pagkain. Madaming nagugutom-_-///

"If you wont mind, bakit ka nga pala umiiyak kanina?" Biglang tanong ni Taeran.

"Wala. Wala na kami" tipid na sagot ko.

"Mahabang storya pero to make it short, break na sila nung jowa niya. Psh. Wag talagang papakita sakin yung Liam na yun. Saka yung Red nayun" sabi ni El.

"Talaga? Well ang tanga niya. E sino yung Red?"

"Reason behind it" sagot ko.

"Ah gets ko na. Isa pang siraulo. Tsk tsk. Baby girl, pag nakita mo yun tawagin moko. Sabay nating uupakan. Ayos ba Ayu?" Sabi niya then smiled.

Nakakagaan talaga ng loob yung mga ngiti niya. Ngiting siguradong mapapangiti ka pabalik.

"Nga pala. Maiwan ko muna kayo. Maglalakad lakad lang ako. Para narin di ako maligaw next time"

"Gusto mo samahan ka namin?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi na kailangan. Kaya ko na:) ingat kayo. Text moko baby girl ha. "

"Okiee"

France POV

Lumabas nako ng cafeteria at nagsimulang maglakad lakad.

Sa laki ng school nato, kailangan ko talagang maglakad lakad kasi baka maligaw na naman ako next time.

Infairness ang ganda din dito. Mukhang mageenjoy naman akong magaral nito. Wow magaral. Bait mo France-_-/// sipag..

Habang naglalakad lakad, dinala ako ng paa ko sa gymnasium ng school nato.

Wala namang tao sa loob. Asan kaya yung mga player?

Ah baka break time. Or may pinuntahan? Wala akong paki
-_-///

Pumasok ako sa loob. Nakita ko yung mga nagkalat na bola.

Nakakamiss. Nakakamiss maglaro.

Naglakad pako sa loob at pinulot ko yung bola.

Inkot ikot ko yun sa kamay ko..

"Hey bud. Namiss kita" sabi ko sa bola.

Well naglalaro kasi talaga ko neto. Natigil lang siguro nung nagibang bansa ko. Madalang nalang ako makahawak ng bola kaya its good to be back.

Pinatalbog ko yung at pumwesto sa free throw.

Nagready nako para magshoot. Pinwesto ko na yung mga kamay at paa ko at saka pinakawalan yung bola.

And there.

Shoot! Haha marunong pa pala ko nito? Nakakatuwa.

At inulit ulit kolang yun na parang nagtetraining.

Dribbling then shoot.

Ang sarap sa feeling.

Sa gitna ng paglalaro ko..
Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko.

"Pwede kang sumali sa Varsity ng Basketball. Why dont you join?"

----------
Hows Christmas Everyone? Namasko ba kayo? Hahaha.
Merry Christmas!:*
Yayy! Vote Comment and Share:)
Pls Support.
Lablab ♡

-icekris413

Lucky DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon