Chapter 28

152 7 27
                                    

Gray's POV

Im happy for you Captain wahahahaha.

"Hi Ate Nurse! You look so beautiful today than yesterday!" Sabi ko kay ate nurse nung dumaan siya.

"Basketball player ka nga gray. Galing mong mambola. Anyway why are you hiding? What are you doing there?" Tanong niya.

"Sshh wag kang maingay Ate Nurse. Live porn to wahahahah" natatawa kong sabi sa kaniya. Kumunot naman yung noo niya.

"Ha? "

"Wala ate nurse. Basta wag kang maingay. Binabantayan ko lang captain namin. Hahahah "

"Oo nga pala buti nadala niyo dito yan. ? Takot sa ano yan ah--"

"Wag kang maingay ate nurse. Baka marinig tayo. Anyway, yun din talaga pinagtataka ko. Well, si Ayu ang nakapilit diyan e. Ewan ko ba" sabi ko.

Tumango tango lang siya at umalis na.

Oo di talaga ko umalis at pumunta sa room. Nakakatamad makinig. Boring yung teacher namin sa time nato. Wahaha.

Para nga lang akong tanga na pinapanood si Captain at Ayu dito. Ibang klase. Si captain nadala mo sa lugar kung saan malapit sa mga injec--
Nagsabog na ata ng himala.

"Thank you" narinig kong sabi ni captain at unti unti na syang pumikit. Nakita ko yon! Nakita ko yon! Ngumiti siya!

Anak ng.. Lately talaga napapansin ko yung magandang aura ni captain. Tapos to think na nagbasa siya ng ulan mahanap lang yung bracelet na yun.

Si captain? Di niya ugaling magaksaya ng oras sa hindi importanteng bagay. Ayaw niya sa madumi .

Pero kahapon? Talagang kung saan saan siya nagsuot mahanap lang yon.

Andun kami pero hindi kami naghahanap. Utos niya e. Siya daw nakawala so siya dapat maghanap.

Captain anong meron?

"s'il te plaît, ne va pas" nakita kong hinawakan niya yung kamay ni Ayu at sinabi yung mga salitang yun kahit nakapikit.

Alam ko ibig sabihin nun.

Bakit Red? Bakit ayaw mo siyang umalis?

El's POV

"Kuya asan si Ayu.?" Tanong ko kay kuya na busy maggames. Natapos nat lahat yung klase naggegames pa din to. Psh di nakinig.

Well ako din pala. Ang boring kasi tapos may iniisip pako. My ghaaaddd. May eyebags nako~T_T~

Kahit anong concealer ayaw nang tumalab. Hays.

"Di mo ba naririnig yung sigaw ni Ayu kanina? Dinala niya sa clinic si Red." Sabi niya habang tutok parin yung mata sa cellphone.

"TALO NAKO DAMN IT!" sigaw niya at frustrated na ginulo yung buhok.

"Hala. Laro lang yan uy" sabi ko. Tiningnan niya ko ng masama.

"Hindi to laro para sakin. Seryoso ako. Seryoso ako pero natalo parin ako. Sana sa next round manalo nako. " sabi niya sabay labas.

Hala anong nangyari dun?

Parang ang lalim ng hugot. Psh.

Ganun ba kalalim yung iniisip ko para hindi malamang lumabas si Ayu? Hays baliw kana El-_-///

Lumabas na din ako.. Pupunta kong cafeteria. Gutom ako.

Malapit nako ng matanaw ko siya.

Yung taong di ko naman dapat iniiwasin pero ewan ko ba. Naiirita ko kapag nakikita ko siya. Parang ngayon ko lang napagtantong ang kulit kulit niya. At isa pa, naalala ko yung nangyari kapag nakikita ko siya. Nahihiya na rin dahil nakita niya kung gaano ako katanga.

Lucky DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon