Ayu's POV
"HI BABYYYYY!" Nagulat ako sa pagsigaw ng best friend ko.
Hays mangugulo na naman to."Im not baby " sabi ni Eion (i-yon po ang basa) na medyo hindi pa kumpleto. Hes just 2 years old and a half.
"Ihhhh. Baby ka kaya namin! Ah basta! Hi baby! Heres my gift for you. You like cars right? " masiglang sabi ni El kay Eion.
"Really?" Nakangiting sabi ni eion.
"Off course baby. This is all yours. Take a good care of it right? " sabi ni el.
"I will po" he said.
"So wheres my kiss? " sabi ni el at umupo para magkapantay sila.
Lumapit naman sa kaniya si Eion at kiniss ang cheeks niya.
"Thank you po" he said. I smiled.
"Hes so cute Ayu. Gosh. My weakness" sabi ni el at umupo sa tabi ko.
"I know. So weakness mo pala ko?" Natatawang tanong ko. Tiningnan niya ko na parang gulat na gulat. At saka umirap.
"Okay. Libre mangarap" sabi niya.
Nakaupo lang kami habang umiinom ng juice at pinagmamasdan si Eion.
"Hes just a 2 years old and a half pero ang galing na niyang magsalita. Not like other kids na bulol pa or not that straight" sabi niya habang nakatingin pa rin kay Eion.
"I know. Hes so smart. Hes just a baby but he act like a real boy. " i said and smiled.
Like his dad.
"Its been three years Ayu. " sabi niya at humarap sakin.
Ngumiti naman ako.
Yep. Its been 3 years.
And hes the result.
A gift from God na habang buhay kong ipagpapasalamat.
Siya yung regalo sakin na hinding hindi ko pinagsisihan ang pagdating.
Regalo na wala kahit sinong makakatumbas ..
Eion Azhur (i-yon azur) Francisco- Luxembourge.
Yes. Hes the result.
He is like his dad.
A xerox copy of Rion Etoile.
Although my traits naman na nakuha sakin but more on his dad..
Pati ugali feeling ko katulad siya ni Red.
Taong bahay lang yan. I mean he never played with some kids in the park or kahit kanino.
Basta siya nasa bahay lang and obsess with Cars.
"And im happy El" sagot ko sa kaniya.
Yes im happy. Bakit kailangan kong magmukmok sa pag alis niya kung nagiwan naman siya ng isang regalong habang buhay magpapaalala sakin sa kaniya. Feeling ko kasama ko pa rin si Red dahil kay Eion.
At Masaya ako don.
No. Im not Mad. Never akong nagtanim ng galit kay Red.
Oo nasaktan ako pero hindi ako nagalit. . Anong magagawa ng galit ko? Babalikan niya ba ako pag nagalit ako sa kaniya? Hindi naman diba.
Nagfocus ako sa anak ko. Sa anak namin.
Pero kung babalik siya? I dont think so kung tatanggapin ko pa.
Alam ko naman na hindi na siya babalik. Pero what if lang.
Okay naman na ako ng wala siya. Okay kami ng wala siya.
BINABASA MO ANG
Lucky Destroyer
Teen FictionCold Destroyer.. not until He met his Vowels.. Lol He changed what were gonna happened. He destroyed it. She changed him. We have both changes. But what are going to be the end?? It will turn good? Or worst?